Papaalis na sana sila Ella pero nasagip ng kanyang mga mata ang pangalan ng kanyang kuya sa bulletin board.
"Prince Adrian Salazar and Mika Johnson?" bulong ni Ella.
"Mika Johnson? Sino siya?" tanong ni Althea.
"Di ko alam" sabi ni Ella.
"Tara na at kumain tayo sa canteen" sabi ni Joaquin habang inakbayan ang kanyang dalawang kaibigan.
"Libre mo ah" sabi ni Ella.
"Hmm, pag-iisipan ko" sabi ni Joaquin..
"Sige na Joaquin ngayon lang naman eh" sabi ni Althea.
"Okay sige, ililibre kita Althea kung sasagutin mo ang tanong namin" sabi ni Joaquin at siniko si Ella ng mahina.
"Aah! Oo nga pala Althea, may dapat kang sagutin" sabi ni Ella.
"Ano ba yan?" sabi ni Althea at umupo na sila sa vacant seat. Umorder muna si Joaquin at makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ito dala ang kanilang mga pagkain. Kumuha na sila isa-isa ng hamburger at isinubo agad ni Ella ito, nang isubo sana ni Althea ang hamburger ay pinigilan siya ni Joaquin na ngayon ay kumakagat na sa kanyang pagkain.
"Meron kang dapat sagutin kaya di ka muna pwedeng kumain nyan" sabi ni Joaquin.
"Akin na yan" sabi ni Ella at parang batang kinuha ito sa kamay ni Althea.
"Haayst! Ano bang dapat kung sagutin? Nagugutom na ako" sabi ni Althea na parang bata.
"Kayo ba ni Mark?" sabi ni Joaquin.
"Boyfriend mo ba siya?" sabi ni Ella.
"Kailan?" sabi ni Joaquin.
"Paano?" sabi ni Ella.
"Bakit mo sinagot? Anong dahilan?" sabi ni Joaquin.
"May feelings ba kayo sa isa't-isa?" sabi ni Ella..
"Saan siya nanligaw?" sabi ni Joaquin.
"Paano ka nya niligawan?" sabi ni Ella.
"Bakit--" pinutol ni Althea ang sandamakmak na tanong galing sa kaibigan.
"Haayst! Paano ko sasagutin yang nga tanong niyo eh hindi pa nga ako nakasagot may tanong na naman kayo" sabi ni Althea.
"Sorry na, curious lang kami" sabi ni Joaquin.
"Walang kami ng Mark na yun, hindi ko siya boyfriend, hindi ko alam kung kailan kasi nga walang kami, hindi ko alam kung paano kasi nga walang kami, hindi ko siya sinagot kasi hindi siya nanligaw at isa pa walang dahilan kasi nga walang kami, wala kaming feelings sa isa't-isa ako ang pinakamalas na babae pag may feelings sakin yun, hindi ko nga alam kung saan at paano kasi nga walang kami, ngayong nasagot ko na lahat pwede na ba akong kumain? Bakit? Kasi gutom na gutom na ako!" sabi ni Althea at naiwang nakatulala sila Joaquin at Ella.
"Ano na?" sabi ni Althea.
"So it means walang kayo?" sabi ni Joaquin.
"Wala talaga kayo? Sigurado ka?" sabi ni Ella.
"Bakit ba ayaw niyong maniwala?" sabi ni Althea habang nakasimangot.
"Baka kasi may feelings siya sayo tapos--" pinutol ni Althea ang sinabi ni Ella.
"Hindi! Hindi totoo yan, wala siyang gusto sakin at kahit kailan hinding-hindi niya ako magugustuhan at syaka hinding-hindi magiging kami!" sabi ni Althea.
"Meron" biglang sabi nung lalake sa likod. Lumingon si Althea para tignan ito.
Mark?
"Anong...." hindi tinapos ni Althea ang kanyang sinasabi.
"Merong tayo" sabi ni Mark.
"Mark, nasisiraan ka na ba ng ulo? Ano bang pagbibiro ang ginawa mo?" sabi ni Althea.
"Hindi ako nagbibiro!" sabi ni Mark.
"Mark" sabi ni Althea.
"Girlfriend na kita, Ms. Wofford" sabi ni Mark. Narinig iyon ni Loysa kaya tinignan niya ang dalawa.
•To be continued•