Nilagay na ni Ella ang kanyang mga gamit sa maleta. Nang palabas na siya ng kwarto ay sinalubong siya ni Althea na nabigla dahil sa kanyang nakita.
"Aalis ka?" sabi ni Althea.
"Althea, aalis na ako, nakilala ko na ang kuya ko kaya dun na ako titira" sabi ni Ella.
"Pero nandun si Ma'am Chloe" sabi ni Althea.
"Hindi ako pupunta dun, lilipat ako sa bahay kung saan kuya ko lang ang nakatira. Nahihiya na kasi ako sayo eh palagi mo nalang akong tinutulungan, ngayon sarili ko naman tutulungan ko, salamat sa lahat Althea magkikita nalang tayo sa school" sabi ni Ella.
"Mag-iingat ka Ella" sabi ni Althea at yinakap si Ella. Umalis na si Ella dala ang kanyang mga gamit. Nang lumabas si Ella ay nakita niya naman si Joaquin na paparating habang sumasayaw.
"Oh? Ella? Bakit ka aalis?" sabi ni Joaquin.
"Sa tingin mo saan ako tutuloy?" sabi ni Ella.
"Ah! Sa bahay ng kuya mo" sabi ni Joaquin at ngumiti nalang si Ella "Tulungan na kita" sabi ni Joaquin.
"Wag na, malapit lang naman dito eh" sabi ni Ella.
"Kaya nga tutulungan kita, tutulong ba ako kung malayo dito? Ang bigat kaya ng mga gamit mo" sabi ni Joaquin at tumawa naman si Ella.
May biglang dumaang lalake sa tabi ng kalsada habang nag eensayo. Sinundan naman ito ng tingin ni Joaquin.
Tinignan naman ni Ella yung lalake at si Joaquin.
YOU ARE READING
Mr. Right (BTS fanfic) [Jeon Jungkook]
Fiksi PenggemarIt is Based on a TRUE STORY..