Chapter 10

1 0 0
                                    

Tumahimik ang mga classmate ni Althea nang pumasok ang kanilang professor.

"There's a big announcement" sabi ng kanilang professor at nakinig naman ang lahat.

"The JS Prom will be on this coming Friday so I will now dismiss you to find your Prom Couple" sabi ng kanilang professor, hindi mapigilan ng lahat ang matuwa, yung iba ay lumabas na para maghanap ng ka-partner nila sa Junior and Senior's Prom habang si Althea ay nakaupo parin.

"Psst! Althea!" may tumawag sa kanya kaya tumingin siya sa labas.

"Psst! Althea!" may tumawag sa kanya kaya tumingin siya sa labas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas ito ng classroom.

"Oh bakit?" sabi ni Althea.

"Hindi ka ba hahanap ng ka-partner mo sa JS Prom?" sabi ni Ella.

"Tinatamad ako" sabi ni Althea.

"Halika" sabi ni Ella habang hinablot ang kamay ni Althea.

"Saan tayo pupunta?" sabi ni Althea.

"Hahanap ng ka-partner" sabi ni Ella. Habang naglalakad sila sa hallway ay tinopic sila ng mga estudyante.

"Anong problema nila at narinig ko ang pangalan natin?" sabi ni Althea.

"Oo nga, pinag-usapan ba nila tayo?" sabi ni Ella.

"Hinto muna girls" sabi ni Joaquin habang umiba na naman ang boses. Huminto sila sa harap ng bulletin board, may nakalagay dun na.....

Here are the partners of the owner of this school:

Nabigla si Althea at Ella habang nabasa nila ang nakalagay.

'Mark Ian Balmores and Althea Wofford'

Napamura si Althea sa kanyang nakita.

"What the hell is this!" sabi ni Althea.

"Althea, sigurado ba 'to? I mean, sa lahat ng babae ikaw talaga ang nakita ni Mark?" sabi ni Ella.

"Hindi din ako sigurado kung totoo 'to Ella pero, ayoko, hindi ako sasali sa Prom" sabi ni Althea.

"Anong hindi? Dapat kasali ka sa Prom, pagagandahin natin ang buhok mo girl! at syaka yung mga make-ups mo!" sabi ni Joaquin habang hawak-hawak ang buhok ni Althea. Natahimik sina Althea at Ella, hindi na nila nagawang umimik sa kanilang narinig kasi boses babae na talaga si Joaquin.

"Um..What I mean is, ahm...D...dapat kang sumali...hindi mo pwedeng i-reject yung gusto ni Mark" sabi ni Joaquin habang boses lalake naman. Ang mga mata lang ni Althea ang kanyang inikot papunta kay Ella.

"Omo!" sigaw ni Ella.

"Bakit?" sabi ni Althea at tinignan yung nasa bulletin board.

'Joaquin Scott and Ella Salazar' -requested by Prince Adrian Salazar

Mr. Right (BTS fanfic) [Jeon Jungkook]Where stories live. Discover now