Cindy's POV
"Anak.. gising na."
Muntik ko ng makalimutan, pupunta pa pala ako ng shool ngayon.
bumangon agad ako.
"Good morning mom."
"Oh, towel mo." sabay hagis ni mama sa towel.
ligo-ligo . toothbrush . kain ng breakfast . check fb . then bihis .
Sa Condo pala kami ni Mom nakatira, dahil na rin kami lang dalawa.
Si Papa kasi wala na 5 years ng nakalipas.
Anyways, papunta na ako ng school. Baka kanina pa naghihintay si Sonnie.
Speaking of Sonnie, matagal-tagal din di kami nag-usap. At sa narinig ko kahapon habang nag phone call kami, kasama niya si Hanz..hmmm...
If youre asking bat kami nagkahiwalay, ganito kasi yung nangyari.We were close friends since pareho kaming half-thai at sa Thailand kami pareho lumaki. Same kami ng School nung bata pa kami, nang magkaroon ng di pagkakaintindihan between my Father na isang teacher at yung school, Naisipan namin na lumayo at pumunta dito sa Pinas. At first nahirapan akong makipag-socialize kasi di ako marunong mag filipino at nahihiya ako sa iba baka i-judge ako sa pagiging chubby ko that time. Palagi akong nagmumukmok sa sulok, palaging mag-isa kumakain sa canteen, kaya yung iba naweweirdohan sakin. Kaya siguro Loner ako. Pero nung nag Grade 10 ako, napag-isipan ng pamilya ni Sonnie na tumira sa Pinas lalo na dito sa bayan namin ngayon kasi maraming Thai. Nabuhayan ako ng loob ng nabalitaan ko yun.
At ayun nga, nagkita kami dito sa school tas nag enroll siya. Naging mabuti siya sakin, naging masaya kami kahit kami lang ang nagkakaintindihan. Pero lumipas yung ilang buwan unti-unti siyang nawalan sakin ng oras. Kasi unti-unti din siyang sumikat sa school. Aaminin ko napaka charming niya, mahilig mag basketball, at mas sumikat siya nung nag college kami. bali-balita kasi na na-hack niya ang buong system ng school. naging viral ito sa buong bayan.
Isang araw, nalipitan niya ako. Sabi niya "Di kita nalimutan, I've tried to approach you" kaso ako daw yung lumalayo. May guilt sa loob ko. siguro nga walang magtatagal na kaibiganin ako.
sabi niya babawi siya sakin at naging parte ako ng Harmony dahil din sa kanya. At yung nga everything goes in normal again, hanggang nag tapat siya sakin. Aaminin ko nagka gusto ako sa kanya sa araw-araw na pagiging mabait siya sakin.
Naging kami, at first naging masaya kami. pero nung Second Semester, na meet niya yung bagong kaklase niya, Si Hanz. Naging close sila, naging malapit sa isa't-isa. At ilang linggo nakalipas napapabalita na magjowa sila. Di ko naman pinaniwalaan, kasi alam kong Mahal ako ni Sonnie, at mahal ko din siya. At pareho silang lalaki at sabi niya bestfriend lang sila. Naging laman ako ng kutya at pangjudge sa buong campus, tawag nila sakin babaeng martir sa bakla. Syempre masakit sakin,
Then things got worse. nakita ko mismo nagyakapan sila, naghawakan ng kamay, at hinalikan ni Hanz si Sonnie.
Halos gumuho yung mundo ko. wala akong tigil sa pag-iyak. Pagkatapos kong labanan lahat ng kutya ng iba samin dalawa, yun pala totoo lahat ng yun. Nakipaghiwalay ako sa kanya. Galit na galit ako sa kanya. Kaya nag bakasyon ako sa Thailand nung nag end ang school year. Pilit na limutin lahat. Wala akong komyunikason sa Pinas lalo na sa Harmony, pinagbawal din ng Guidance Councilor na gumamit ng Social Media. Parang treatment na rin to saking para maka move-on ako. Mas nag focus na lang ako sa sarili ko, kaya rin siguro pumayat ako, ahahahaha . Now Im ready to face all problems. kahit anong kutya ang gawin nila, naka move-on nako.
Hahahahaha.. Masyado bang mahaba . sorry .
"Samphol Taklichorn, sino baba?" sigaw nung driver.
BINABASA MO ANG
The Harmony
Teen FictionA group of college students(HARMONY) faced to a challenging life as teens. Are they going to survive or just give up their college life? Halina't MAPAIYAK, MAPAKILIG, MAPATAWA ng bagong teen fiction. This Story inspired by ThaiDram...