Chapter 4- Bes

23 3 0
                                    

Shen' s POV

Yung feeling lahat ginawa mo na para mapabilib lang siya, para humanga siya sayo. para maipagmalaki niya ako. at higit sa lahat,

Para matawag niya akong Anak.

--------

Ever since na nabuhay ako sa mundo wala na akong narinig sa Mama ko kundi puro masasakit na salita. Di raw niya ko anak, wala daw siyang anak na palamunin, yung mga ganun. Nasanay na lang ako. Mas tinuonan ko na lang ng pansin yung pag-aaral ko. Nakatira kami sa subdivision, malapit sa school. Di naman kami mayaman, isang Secretary si Mom sa isang Companya.
Yung Dad ko, never kong nakita, sabi ni Mom iniwan niya raw kami. Gustohin ko man malaman lahat tungkol kay dad, laging iniiba at pilit iniiwasan ni Mom ang tungkol kay dad.

Nandito na pala si Mama.

"Mom, kumain na ba kayo? nagluto ako para sayo" Nilapag ko na yung plato at kanin sa La Mesa.

"Sige. mamaya na ko kakain."
tas umupo sa sofa sa sala.

"Mom, napabilib ko po yung President namin kanina." tumabi ako sa kanya.

"Hmmm.." Tas tumingin siya sakin..

"Sabi niya, Maganda raw yung Speech ko na ginawa ko para sa kanya."

tinaasan ako ng kilay tas nanood ng tv. Kahit namn siguro nanonod siya ng TV, nakikinig nman yata siya sakin.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Isang dalaga, sangkot umano sa droga, hinuli ng mga pulis......" Sabi nung reporter sa TV.

"Grabe na talaga mga kabataan ngayon, ikaw? nagdodroga ka na rin ba?" Tanong niya sakin.

"Mom? hindi. Kahit kailan di ko yan gagawin. "

"Siguraduhin mo lang." tas umalis siya papuntang kusina.

Di ko na lang inisip yun, baka pagod din siya trabaho. kaya ganun.

"Mom, akyat nako sa taas."

Pagdating ko sa kwarto. Chineck ko muna fb ko.

Scroll scroll scroll.

Sonnie Rodz was at Grand Mall with Masetuc Cruz

Talaga ?? bati na ba sila . I'm happy for them. Sana magtuloy-tuloy .

Scroll scroll .

Cassy Kitty update her status.

The Broken trust.

...Ako yata talaga may kasalanan kung bakit tuluyang nagsira ang Harmony.

ganito kasi yun..

LAST SCHOOL YEAR

Flashback..

"Cindy, nakita mo ba si Cassy?"

tumawag kasi ako kay Cindy. Worried ako kasi ilang araw na rin syang di pumapasok sa school. at bali-balita na sa Condo na raw ni Paul siya natutulog.

"Ahhh.. di ko nga alam eh. I'm worried about her, kung napano na yun. Nung Friday pala sa school, dumating yung MotherEarth niya. pinatawag yata ng President. "

"Oo, nakita ko rin yun. Saan ka ba ngayon?"

"Nasa Grand Mall, kasama ko pamilya ko."

"Ahhh.. Nandito rin ako sa Grand Mall." bibili kasi ako sa bookstore ng kung ano-ano.

"Saan banda?"

The HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon