Matthew's POV
Haysss... Pasukan nanaman. Excited na ako sa makita yung friends ko, classmates, at syempre.. si crush 😍😂
Nawala sa isip ko na magkatabi nga pala kami 😭. Pagbukas ko ng pinto.. Hala! Oo nga pala magkatabi kami 😭" sinasabi ko sa isip ko. Haysss... Act normal. Lapag ng bag, upo ng maayos sa upuan, kopya ng mga nakasulat sa black board. Hanggang sa nasanay na ako ng paulit-ulit. Mas nakapag usap kami. Hiram sakanya ng ballpen, hingi ng papel 😂.
Nagseselos lang ako kay Daniel.. na lagi niyang kausap 😒. Hokage din amp. Jusko. Kaya nauso yung left or right na yan! Si Caitlin yung nasa gitna, nasa kaliwa niya sa Daniel, ako naman yung nasa kanan niya. Di siya nagtagal dun. Nalipat naman siya sa bandang kanan ko. Pero di ko siya katabi. Pumalit naman si James.
Mas nag selos ako. Ang malas ko talaga 😒. Ang daldal kasi ni James. Lahat nalang ng topic alam niya. Dami talagang mema sa mundo! Memasabi, memakausap, at higit sa lahat memaasar.
Nasanay na ako sa paulit ulit. Kaya pag nagseselos ako, kumukuha ako ng papel at dun ko binubuhos ang galit ko, ang selos ko. Hanggang sa makikita ko nalang na sobra ang galit ko, paglalaruan ko nalang yung bolang papel na nagawa ko. O diba ang saya ko din eh noh.
Nasanay na din ako sa mga pang aasar sakin, pag aasar samin. Sabi pa nga ni Caitlin na kakaiba daw pag di kami naasar man lang ng isang araw.
Birthday na ngayon ni Caitlin, kaso wala ako ireregalo. Nagbigay siya ng cupcake para sa amin. Bumili nalang ako sa canteen namin ng 3 Choco Mucho at isang Hershey's na chocolate. Pinabalot ko ito ng ribbon at pinabigay nalang sakanya kasi nahihiya ako ibigay.
Malalapit na pala yung Valentines Day. Ano kaya pwede kong iregalo? Surprise? Hmmm...
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ako, Pero Walang Tayo
RandomNapaibig ako ni Caitlin ng di ko man lang namamalayan. Si Caitlin na sa una palang ay hindi karapat dapat sa akin. Maganda siya, matalino. Habang ako, hindi gwapo, at nasa huli ng klase. Unti unti kong kinuha ang atensyon ni Caitlin hanggang sa nagi...