Matthew's POV
Yeahhh! Malapit naa! Ang hinihintay naming Grad. Pero tuluyan pa rin akong naghihigante.
*Graduation Ceremony*
Nasa likod ko pa man din siya. Kaya nag iingay pa rin kami habang on going ang grad. Aba matinde! 😂
Marami pang nangyari. Kinalimutan ko na din siya. Hanggang sa ayun. Sabi sa akin ni Samantha na na pride lang daw si Caitlin kaya ganun. Eh walang magpapatalo samin. Matagal na daw pala niya ako na unblock. Kaya in-add friend ko na din siya. Inaacept niya naman. Tanga ko din eh. Naisipan ko nalang magmessage sakanya.
Matthew: Hi! Thank you sa pag-accept ng friend request ko. Pero, siguro ito na yata yung tamang panahon na pag-sisihan ko lahat ng mga nagawa ko sayo. May mga sasabihin lang ako sayo kahit iseen mo lang, kahit wag mo na replayan basta bashin mo lang 😊 First, I wanna say sorry. Wala na akong drama basta sorry. Sorry na nabwiset kita simula nung Graduation Practices. Nang-aasar lang ako. Nagpapapansin lang ako. Nung time na sinabi ko sayo na "Sorry kanina ah" tapos may laughing emoticon, alam kong lalo kang nabwiset. Magsosorry na nga lang, masaya pa. Sorry, ma-pride lang ako. Ayoko kasi na parang, ako pa yung nagsisi? Yung para bang, natalo ako ng babae? Second, di pa naman yata late na mag-congrats sayo. Pero congrats ah. Dami mo namang award. Ikaw na yung nababalance ang wattpad sa studies. Lastly, ayoko naman na ilagay yung galit mo sakin dyan sa puso mo. Sana, bati na tayo. Di naman ako galit sayo eh. Tanggap ko na din naman na puro parinig ka sa akin. Oo, kasalanan ko naman din kasi. Naalala mo nung Feb 14? Yung binigyan kita ng Valentines Day gift? Siguro, yun lang yung time na na-appreciate mo yung efforts ko kahit kaunti lang. Teka, ang haba na ng nasabi ko ah! Samantalang ang ikli-ikli ng nasusulat ko pag formal theme. HAHAHA! Back to the topic. Asan na ba tayo? Ay oo nga pala, wala palang tayo. Okay, seryoso na. Gusto ko malaman mo na di man ako yung lalaking nagpatibok ng puso mo, nabigyan mo naman ako ng parte sa buhay mo. Tama si Samantha. Dun sa school na lilipatan mo, makakahanap ka ng gwapo, mabait, matalino, at higit sa lahat, yung di ka iiwanan at mamahalin ka. Sasama pala ako dun sa manonood kayo ng sine. Ayoko na masamain mo pag nandun ako. Hanggang dito na lang yata. Nagflashback lahat ng nangyari dati. Miss na kita. Miss ko na yung chat natin. Pero... ito na yata yung huling pag-uusap natin. Pasensya ka na sa mga nagawa ko. Sana hanggang sa dulo matandaan mo, yung taong pinakilig mo, yung taong napaasa mo, yung taong di mo kayang mahalin pabalik. Ito na yung huli. I love you Caitlin 😘
Love, Matthew ❤️
Author's POV
Dun sa taong pinapatamaan ko. Siguro alam mo na kung sino yung author neto. Pero gagawan ko pa rin to ng chapters 😊.
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ako, Pero Walang Tayo
De TodoNapaibig ako ni Caitlin ng di ko man lang namamalayan. Si Caitlin na sa una palang ay hindi karapat dapat sa akin. Maganda siya, matalino. Habang ako, hindi gwapo, at nasa huli ng klase. Unti unti kong kinuha ang atensyon ni Caitlin hanggang sa nagi...