Chapter 4: Kai-bi-gan Becomes Ka-i-bi-gan 😍

36 1 0
                                    

Matthew's POV

Isang linggo nalang Valentines Day na.  Ah alam ko na! May naisip na akong gagawin ko.

Samantha Legazpi (Active Now)

Matthew: Samantha...

Matthew: Isusurprise ko sana si Caitlin sa Valentines Day.

Samantha: Talaga? 😍 Ano gagawin mo?

Matthew: Bukas ko nalang sabihin kita kits tayo sa 7/11 bukas.

Samantha: Geh.

Sinabihan ko yung mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Caitlin sa balak ko. Naging supportive naman sila para maging succesful. "Ang balak ko sana, kakantahan ko siya ng favorite song niya kasama nung mga songs na, you know? Then, bibigyan ko siya ng rose, bouquet ng flowers, chocolates, teddy bear, and may letter." Inexplain ko din sakanila ang buong plano ko.

Sumunod na araw, sinabihan namin si Madam Mercado sa balak ko. Sabi niya na gawin nalang daw namin sa Science Lab para private lang. Nung inexplain namin ito "briefly", sabi ni Madam Mercado na dapat hindi ganun kung magbigay. Pwede na daw yung rose lang tapos chocolates. Kaya umalis na kami at pinuntahan si Madam Cabrera. Sinabi din naman sakanya ang gagawin ko sa Feb. 14. Pumayag si Madam Cabrera na pumunta sa mismong araw na yun.

Pero wala pa rin kaming nahanap na place kung saan gaganapin. Pinuntahan din namin si Sir Aquino kung pwede namin gamitin ang Gym o ang Music Room. Kung may bakante nga lang daw sa araw na yun. Meron daw kasing magpapractice na HS para sa gaganaping contest sa aming school.

3 araw nalang ang preparasyon namin. Nakabili na akong ng fake rose, teddy bear at yung letter. Yung bouquet nalanc at chocolates.

Sumunod na araw, wala akong nagawa. Yey! Ang saya ng buhay ko! 😂

Nagpapanic na ako. Wala pa rin kaming napaplano. Gifts lang maiibigay ko. Huhuhu! Ano na gagawin ko? 😭. Inutusan ko nalang si Samantha na bumili ng bouquet at dalhin next day. Oo nga pala, nung binili ko yung fake rose, teddy bear  at letter, inuwi ko sa bahay ng classmate ko para di makita ng mommy ko. It means, di niya alam yung plano ko. So yun, inutusan ko si Samantha na bumili ng boquet at dalhin next day. Binigyan ko siya ng pera. Sabi ko na abonohan niya nalang muna kung kulang. Sinabihan ko din siya na wag ideretso sa classroom.

Pagpasok ko ng classroom.. sumunod na araw, sinabihan agad ako ng "Happy Valentines Day!". Siguro, ineexpect nila kung may ibibigay ako na Valentines Day Gift kay Caitlin. Sabi ko na wala akong maiibibigay. Di nila alam na mamaya ko pa ibibigay ng MAPE Time.

Tinawag ako ni Samantha sa labas. Paglabas ko nakita ko na yung bouquet. Sabi niya na kulang daw yung pera kaya babayaran ko nalang kinabukasan. Mamaya-maya dumating na din yung teddy bear, etc. Pinadala ko na lang sa faculty room ng MAPE Area para maitago muna.

Recess time na namin. Di pa ako nakakabilo ng Chocolates. Kaya bumili nalang ako at dinala din sa MAPE Area.

MAPE Time na namin at dun kami nagpapractice para sa contest. Kinuha namin ang gift. Kasama ko sina Krystal at Samantha. Nag usap nalang kami saglit. "Ganito nalang, ako na magbibigay ng fake rose, then papapuntahin ko si Caitlin sa gitna. Pag sumigaw ako ng "Happy Valentines Day Caitlin!", papasok kayo ni Krystal, saka mo ibibigay yung gift mo, okay?" Sumang-ayon nalang ako. Kinakabahan na ako. "Uy, sinigaw na niya! Dali na!" Tinutulak na ako ni Krystal pero pilit ko umatras kasi kinakabahan na ako. Hanggang sa pumasok na ako sa gym at halos mabingi na ako sa tilian ng magkabilang dulo ng gym. Nabigay ko na yung gift ko. Vinideohan pala ng classmate ko yun.

Lumabas nalang muna ako ng Gym at nakasalubong si Sir Aquino. "Hay Matthew! Wala ka pa ngang instrument sa contest, yan inuuna mo! Di kita papasalihin, bahala ka" sabi sa akin. "Ay sorry po sir!" maikling tugon ko naman.

Natanggal kasi ako sa sayaw kasi pasaway ako. Kaya sumali nalang ako sa pagtugtog ng instruments. Kaso wala pa rin ako napipili. Kaya nagdecide ako na bumalik sa sayaw. "Kris, pwede ba ako ulit sumali sa inyo? Wala ako mapili na instrument eh. Bukas na yung performance. Pwede sa inyo nalang ako sumali. Promise, di na ako manggugulo. Turuan niyo nalang ako ng steps please 😓" sabi ko. Pinayagan niya ako na sumali dun at naging successful ang performance namin.

Author's POV

Want more chapters? Don't forget to follow me at @TheUnstoppableForce

Ikaw, Ako, Pero Walang TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon