Chapter 2: Badboy

34 3 0
                                    


Katarina Ann's POV


Naligo na ako at nagbihis dahil susunduin ako ni Minchi ng 9 am para pumuntang Big Hit Entertainment at super excited na ako.

Saktong 9 am nang sinundo ako ni Minchi.

"Minchi nakita mo na ba ang BTS sa personal?"

tanong ko kay Minchi habang nasa biyahe.

"Oo. Maraming beses na"

Ay oo nga naman. Malamang nakita niya na yun.

"Excited ka nang makita sila no?"

Tiningnan pa ako ni Minchi sa rear view mirror na nakangiti. Ngumiti naman ako sakaniya.

"Oo naman. Sobrang excited"

"First time mo ba silang makikita?"

tanong ni Minchi.

"2nd time. Yung una, nung nagconcert sila sa Phil."

tumango-tango naman si Minchi.

Ang ganda ng big hit. Pagpasok namin, namangha agad ako. Medyo maraming tao at halos lahat busy. Yung iba naman staffs.

"Tingin mo ba nandito sila ngayon sa Big Hit?"

bulong ko kay Minchi.

"Ha? Ahh. Siguro. Minsan kasi wala sila para gumawa ng MV o minsan gini-guest sila sa mga shows o kaya lumalakad sila at pumupunta kung saan. Pero minsan dito din sila para magpractice ng sayaw o kanta o kaya naglalaro lang sila sa studio"

Napa 'ahh' nalang ako sa sinabi niya. No sign of them kasi kahit anino nila nung nilibot ko mata ko.

Huminto kami sa isang pinto at kumatok si Minchi. May narinig kaming nagsabi ng 'pasok' kaya pumasok na kami ni Minchi.

Nadatnan namin ang isang lalaking nakatalikod at nakaupo sa swivel chair. Well, it's obviously tito Kris.

Humarap siya samin at ngumiti ng malapad.

Nagbeso kami ni tito at nagkamustahan.

"So, gusto mong mapalapit sa BTS diba?"

Tumango naman agad ako.

"Magagawa natin nang paraan yan Kat. Yun nga lang paano?"

Nag-isip si tito at nakahawak pa sa baba niya.
"Ah! Pano kung, maging member ka ng BTS? Madali kayong magiging close lalo na't lagi mo silang kasama. Madali kitang mapasok Kat. Matutulungan kita"

Maging member ng BTS? Hmm.. Mukha ngang maganda kaso lang..

"Hindi ba parang napaka-complicated nun tito. Tsaka baka magulat ang fans ng BTS kasi nakasanayan na nilang puro lalaki ang members ng BTS tapos bigla-bigla nalang magkaroon ng babae. Baka masira ko pa yung image nila"

"Sabagay. May point ka naman"

Nag-isip ulit siya pati na din ako. Kaso parang wala akong maisip.

"Eh kung ipadate kita sakanila isa-isa? Pwede naman yun diba so you can know each other better"

Date? Pwede kaso parang complicated pa din.

"Pano kung malaman nila na pinapadate mo ako sakanila isa-isa? Edi magagalit sila sainyo"

"Oo nga. Sige. Wag na yun"

Falling For The Fangirl (Bangtan Boys FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon