Prologue

40 4 2
                                    

Tanong na walang sagot

Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang si Daniel Padilla o si Enrique Gil? O si James Reid? O si Donny Pangilinan? O si Channing Tatum? O si Austin Mahone? O si Zac Efron? O si Zhang Yixing? O si Kim Taehyung? O si Kim Jinhwan? O si Park Bo-gum? O si Lee Min Ho? O si Song Joong Ki? Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit ikaw pa ang ang pangalan na tinitibok ng puso ko? Sa 3,477,829,638 na lalake sa buong mundo bakit ikaw pa? Bakit?

Nung nalaman ko na may girlfriend kana parang nawasak ako? Tinanong ko ang sarili ko bakit ano bang iniiyak-iyak ko, hindi mo naman ako kilala? 484.8 km lang naman ang layo natin diba? Ano naman ang laban ko sa girlfriend mo na kapitbahay mo lang? Ano naman ang laban ng panget kong mukha sa mala-dyosang mukha ng girlfriend mo?

Kahit magsisigaw ako dito, hindi mo naman ako makikita o maririnig at hindi mo rin ako kilala.

Buhay nga naman ng fangirl

Umaasa ako na malalaman mo rin ang existence ko.

Umaasa na magiging close tayo.

Umaasa na makilala kita ng lubusan.

Umaasa na magiging tayo...

Sinabi ng kaibigan ko na para na akong baliw.

Pero masaya kasi mangarap at masarap magdaydream ng mga masasayang bagay na tungkol sa akin at sakanya..

Masayang umasa kahit alam mong wala na.

Mas masaya pag ganito pero sa pagtapos ng araw mapagtatanto mo rin na fangirl ka lang pala.

Hindi kanya kilala kaya tigilan mo na.
Anong magagawa mo? Eh, masarap magmahal at mangarap kahit alam mong masasaktan ka.

Tanga na kung tanga pero anong magagawa ko nahulog na ako...

Bakit Siya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon