#3|Bakit?
What I mean by change is to go back to how I used to be. Noong hinuhusagahan na nila ako nagbago ako dahil gusto ko hindi na nila ako husgahan pero hindi, nakikita pa rin nila ang dati kong ugali. Hindi na ako pala-away, hindi na rin ako umiinom at nagyo-yosi, nagrereview na rin ako, hindi na ako nagcu-cutting at hindi na ako sumasagot sa mga teachers. One year. Pero ngayon, Everythings gonna go back to how it used to be.
The BITCH is BACK. Here I come. Get Ready!
Pagkagising ko sa umaga hinanap ko na agad yung uniform ko na dati ko nang sinusuot. Yung skirt na iyon ay mas maiksi kesa sa normal na skirt namin at hindi ako magflat-flats ngayon gagamitin ko yung heels ko. Hay. Namiss ko to'.
Pagkatapos kong maligo, mag-ayos, at magbihis. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng sandwich kase late na ako.
"Holly hindi ka ba kakain anak?" Mahinahong tanong ni manang sa akin.
"Hindi na po manang sa school nalang po late na ako eh." Nakangiti kong saad sakanya.
"Oh. Tawagan ko naba si Eddie para ipagdrive ka sa skwelahan. Eddie!" Tawag ni manang sa driver namin.
"Hindi na po manang magdri-drive po ako ngayon, miss ko na po kasi magdrive at hindi ko na rin kasi ginagamit yung kotse ko baka masira yun." Sabat ko bago niya tuluyang matawag si manong Eddie.
"Oh siya! Siya! Siya! Bata ka mag-iingat ka sa pagmamaneho. Huwag masyadong magpatakbo ng mabilis. Hala! Sige at lumayas ka na malate ka pa ng tuluyan." Nakangiting saad ni manang with hand gestures pa na parang tinataboy ako. Parang? Tinataboy niya pala talaga ako.
Bago ako umalis ay hinalikan ko muna siya sa pinsngi at nagpaalam ulit sa kanya.
Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ko ay mabilis ko itong pinatakbo. Natataranta pa yung guard namin na buksan yung gate kasi baka tuluyan akong bumangga sa gate namin.
Pagkarating na pagkarating ko sa skwelahan, pinagtitinginan na agad ako mga estudyante. May ibang natutulala, may ibang nakanganga, may ibang sumipol, at may ibang ginagawadan ako ng masasamang tingin. Gusto ko sanang patulan pero late na ako sa klase ko pero anong pake ko kung malate ako? Pero kailangan ko munang makita ang bestfriend ko kaya hindi ko pinatulan. Insecure ugly rat.
"Bestfri--" napawi ang ngiti ni Max nung nakita niya ako at tinitigan ako pero bumalik rin kalaunan yung ngiti niya.
"Ano! Kaloka ka! Nagbalik ka na. Nagbalik na ang bitchesa!" Natatawang sambit niya
"Makakakita nanaman ako ng action araw-araw." mahinang sambit niya ulit pero rinig na rinig ko naman. Psh.
Natapos ang dalawang subject ko sa umaga na wala akong maintindihan. Hindi kasi ako nakinig.
"Tara na! Snack na tayo." Nakangiting saad ni Max habang hinihila-hila ako.
"Oo na." Naiirita kong sambit.
"Hanap ka ng upuan ako na bibili." Sambit ko sakanya.
Pagkatapos ko bumili naglakad na ako pabalik sa table namin ng may bumangga sa akin at nahulog lahat ng binili ko.
Natahimik bigla yung canteen namin.
"Ay sorry!" Sambit nung nakabangga sa akin habang may nakalagay na mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha.
Nginitian ko rin siya pabalik habang naglalakad ako papunta sa kanya.
"Buy me a new one." Utos ko sakanya.
"Who are you to make utos-utos to me!" Nakataas kilay niyang sabi. Conyo.
Lumapit pa ako sa kanya tsaka ko hinila yung buhok niya pababa papunta sa mga natapon kong pagkain. "Sino ka para sumbatan ako. Linisin mo yang kalat mo. Kawawa naman si manong." Nginudngud ko yung mukha niya sa mga pagkain na nasa sahig. Ako kinakalaban nitong gagang to'. Sino siya sa akala niya. Yung mga alipores niya nagback-out na ata?
BINABASA MO ANG
Bakit Siya?
Подростковая литератураBakit ikaw pa? Hindi mo nga ko kilala eh... 'Looks can be deceiving' my number one rule. But I proved it wrong because his soft heart made me fall for him over and over again. His looks was just a bonus but I don't really know why I like him, No. Sc...