#1|Bakit?
Holly's POV
Here I am...Staring blankly on the sky. Wondering if things would be different if he would know me.
"TANGINA NAMAN HOLLISTER RODRIGUEZ NAKIKINIG KA BA?!" Naputol ang magandang pagde-daydream ko dahil sa isang sigaw.
Nakakainis naman. Tinagilid ko yung ulo ko para makita siya at pagtaasan ng kilay pero...
Geeeeezzz...
She's mad. Not just mad she is furious...
Nakalimutan ko may kasama pala ako. Para na siyang kamatis sa lagay na yan. Kamatis na may nanlilisik na mata. Para siyang bullfrog kapag ganyan siya lumulobo ang bibig pero over-all maganda pa rin naman siya pero pag hindi galit.
"Oh ano?" Sabi ko para hindi na ako pag-initan pa nito.
"Ang sabi ko ipasa mo na kasi ang project mo kay Ms. Bukaron. Kapag hindi mo yon ipapasa papahiyain ka nanaman sa klase." Sani niya na parang itong sobramg importante na kailagan pang putulin ang pag-dedaydream ko. Bwisit kase yung matandang yun akala mo kung sinong maganda ampanget-panget naman. Di nalang mag-asawa kami pa pinagbubuntungan niya ng galit. Paki ko sa gurang na iyon, ang raming sinasabi sa lecture kala mo naman merong interesado sa lovelife niya na hindi natupad, wala ngang may paki pagnagkwekwento. Pati mga ginagawa niya sa bahay nila sinasabi niya, laro kaya kami hanapan ng pake.
"Gagawin ko mamaya yun, ano nga bang project natin sa gurang na iyon?"
"What is your views and opinion on where we, Homo sapiens came from?" Ang dali lang naman pala ng pinapagawa ng gurang na iyon. Malamang ang sasabihin ko ay ginawa ako ng Diyos. Ampangit-pangit ng mga unggoy. Si Gregor Mendel ang nagpresinta ng Theory of Evolution kung saan sinasabi niya na tayo ay nagmula sa mga unggoy pero binawi niya ito sa huli bago siya mamatay. See? May natutunan rin pala ako kay gurang. Kahit naman saklaw na dapat iyon ng Science sinabi niya pa rin ang rami kasing sinasabi di na matahimik kinukuha pa ang lessons ng ibang teacher, ibang klase talaga PABIDA talaga, pero may pakinabang rin minsan.
"Ah madali lang pala yan. Piece of cake." Sabi ko with full of confidence. Arayyy naman. Ang sakit ng batok niya sa akin kung kaya siya ang iuntog ko sa pader.
"Ayyyy. Tanga. Kung ginawa mo na kaya at sabay nating ipapasa mamaya" sabi niya sabay bigay sa akin ng laptop niya na may kagat na mansanas, ano bayan?! Tinatamad nga ako eh. Nakakabwisit talaga yung gurang na yon.
"Tara na, sa canteen ko nalang kaya to' gawin nagugutom na ako." Sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa canteen.
"Canteen na naman yan kase lamon ng lamon hanggang hindi mo na magagawa. Palagi kang gutom eh no. Ang rami-rami mong pera para kang di nauubusan. Hala! Sige! Tara na!" Sabi niya. Ang sungit sungit talaga nito, huhulaan ko madaling tumanda to'. Ang raming sinabi pupunta rin naman. Haist!
"Max!" Ang ingay naman.
"Maxene Therese Tan!" Sabay kaming natigil ni Max at nagkatinginan. Sino ba iyon nakakabwisit.
"Ano?!" Sabay naming sabi ni Max. Pero ang awkward lang. Hindi pala Max pangalan ko huhuhu. Nakakahiya. Pinagtitinginan na nila ako. Ano ng gagawin ko.
"Hehehe?" Akward na sabi ko.
"Ano bang trip mo Kyle?" Tanong ni Max para maisalba ako sa kahihiyan.
"Wala. Miss na miss na kasi kita." Malambing na sabi naman ni Kyle saka pinagpatuloy ang paglalakad namin patungong cafeteria. Nakakabanas naman itong dalawang to' dito pa sa gilid ko nagharutan pag-untogin ko kaya sila. Marami pong single dito paalala lang.
BINABASA MO ANG
Bakit Siya?
Teen FictionBakit ikaw pa? Hindi mo nga ko kilala eh... 'Looks can be deceiving' my number one rule. But I proved it wrong because his soft heart made me fall for him over and over again. His looks was just a bonus but I don't really know why I like him, No. Sc...