Kabanata 1

119 2 2
                                    

Unedited. Wrong grammars. Typo. Asahan niyo na. At paalala, gawa gawa lamang ng utak ko ang ibang pangyayari.

©Ang Ibong Adarna Isang Pag-aayos at pagpapahalaga ni Ma. Rosario Benedicta

Kabanata 1

Pag-uulit

Juan Ocampo

"Oh, Birheng kaibig-ibig. Ina naming nasa langit, liwanagan yaring isip nang sa layo'y di malihis." Ako'y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa. Ang tumpak kong ninanasa kung mayari ay pahidwa.

Bakit nga ba? Para saan nga ba itong dinarasal namin? Ah! Para sa proyekto ni itay. Kasama kong nagdarasal ngayon si nanay pagkatapos ay pupunta kami do'n sa opening nung project ni tatay.

"Peter! Iedgo! Halika ka! Aalis na tayo! Malapit na magsimula!" sigaw ni nanay sa aking mga kapatid. "Pababa na!" pabalik namang sigaw ni kuya Peter. Bastos na kuya Peter. Hindi ba nya alam na dapat nag-po 'po' at 'opo' sa mas nakakatanda?

Kaya siguro 'yan natagalan sa pagbaba, kasi nanunuod ng kababalaghan. Kuya Peter talaga, oh. Tsk tsk.

Nakita ko na pababa sila kuya Peter. Pormang-porma. Halos pare-pareho nga kami ng style sa pananamit. Polo shirt, jeans at sneakers. Iba-iba lang kulay at mas gwapo ako.

Inayos ni nanay 'yung kwelyo ni kuya Peter, at kung nakikita niyo 'yung mukha ni kuya Peter? Mukha siyang bakla! Napatawa tuloy ako.

"Tawa tawa ka dyan?" tanong nya sa'kin. Ito talaga, parang hindi ako kapatid. Ang daling mainis sa'kin. Dapat ang pairalin natin sa mundo ay pagmamahal, hindi ang kainisan.

"Bakit ba inis na inis ka sa'kin?" Tanong ko sa kanya. Kasi masakit isipin na 'yung dati mong kalaro ng basketball, sobrang saya nyo pa, tapos gaganituhin ka? Tignan mo, sinamaan pa ako ng tingin.

"Oh, tama na. 'Wag na kayo mag-away. Malelate na tayo." Sabi ni nanay. Kahit kailan talaga, ang hinhin niya. Ni hindi man lang nagalit sa'min? Malumanay ang pagkakasabi niya. Kaya idol ko 'to, eh.

"Hayaan mo na, kuya." rinig kong bulong ni kuya Iedgo kay kuya Peter habang pasakay na kami ng kotse.

"Oh! Ito na pala ang tatlo kong anak at ang aking asawa. Ha ha ha ha." pagkaupong-pagkaupo namin ay ito agad ang bumungad.

"Naiwento ko nga pala sa inyo ang tungkol sa mga anak ko kanina, ano? Lahat sila ay matataas ang pangarap at may kakayahan para maabot 'yon. Ngunit gusto ko ay may isang sumunod sa yapak ko." at madami pang iba. Halos ikwento na ata ni tatay ang talambuhay namin sa kanila. Hanggang sa natapos ang speech ay puro kami ang topic. Buti na lang at kami ang ginawang inspirasyon ni tatay. Pagkatapos ng speech ay may hinandang kainan sa tabi ng Entertainment Park, ang proyekto ni daddy.

Habang kumakain, syempre, kwentuhan at si daddy, halos libutin ang lahat ng lamesa. Kamangha-mangha talaga ang kakayahan ng tatay ko. Ni hindi ko alam na close sya sa mga mamamayan dito.

Pagkatapos kumain ay niyaya nila kami para magpicture taking. Sobrang daming nagpapicture. Ang saya saya ng mga mamamayan ngayon. Sana ganito palagi.

Pero habang nagpipicture kanina, may nakita ako chix.

"Kuya Iedgo!" tawag ko sa kanya habang pabalik kami sa upuan. "Bakit?" sagot nya agad agad. Natutuwa ako sa naiiisip ko.

"May nakita kasi akong chix kanina, hanapin natin. Bili." sobrang ganda nya. Mala-prinsesa. Akala ko nga may nagkatawang-dyosa sa lupa.

"Nako, Juan, ah? Ikaw pa naman ang paborito ng itay. Baka madungisan pangalan natin sa mamamayan pag nambabae ka." ang KJ naman nito ni Iedgo. Di naman ako mambababae. Wala naman akong girlfriend. Makikipagfriends lang. Isip talaga nito ni kuya, oh.

Ibong Adarna Sa Modernong MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon