Chapter Four

26 0 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay, umakyat ako sa kwarto. Medyo padabog yung pagkilos ko kaya napansin ako ni Mama. Pero nagkulong na lang ako sa kwarto. Hindi ako lumabas hanggang maghapunan. Nung mga 8pm na, narinig ko yung boses ni ate. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.

"ATE! help" hindi ko alam kung anong nangyari pero nung sinabi ko yan, bigla na lang akong lumuha.

"Oi. bakit ka umiiyak!? Para kang tanga. tumigil ka"

"Ate. kasi.. kilala mo si James?"

"Si James Chaves? Yung super duper mega hyper CRUSH mo?"

"Siya nga"

"Oh ano!? Did he ask you out? Niligawan ka ba? Sinabi niya ba sayo na gusto ka niya?" excited na excited si ate..

"Hindi. Si Rian"

"ANO!? Eh teka. You mean, hindi pa napapansin ni James na may gusto siya sayo? Eh simula grade 1 kaklase mo na yun ah. Tapos netong high school, magkasama kayo sa anim na organization. Ano ba yan. Manhid ba siya?!"

"Ewan. Eh. Ate" Di ako makatigil sa kakangawa.

"Hui. Bakit ka ba umiiyak?"

"EWAN"

"Hindi kaya..... mahal mo na siya?"

Tumigil nanaman yung mundo ko. Mahal? Love? Pagmamahal? I never thought of it that way. Posible nga ba na mahal ko na si James? Pero bakit?

"Lexa. Wag ka ng magtaka. Matagal-tagal mo na ring crush yan. Palagi kayong magkasama. No doubt na na-fall ka na sa kanya"

WTH!? Eeh.. Ayoko eh. Ayaw. Mahal siya ni Rian.. T_T

"Lexa. Sige. Umiyak ka pa. Imbis na sabihin mo kay Rian at kay James yung nararamdaman mo eh!"

Nag-walkout na lang ako. Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko eh. Pagkatapos ng usapan, natulog na lang ako.

Kinabukasan, medyo napaaga yung pasok ko sa school. Madilim pa kasi 5am pa lang. Pagkapasok ko ng room, nakita ko si James. Umiiyak.

"James? Ok ka lang? Bakit ka umiiyak?"

"Yung parents ko kasi..."

"Oh ano?" Madalas namin napagk-kwentuhan ang mga magulang niya na parehong nasa Amerika. 1st year HS kami nang umalis ang parents niya.

"Hindi raw sila makakauwi sa graduation ko."

"Bakit daw?"

"Kailangan daw magtrabaho"

"Eh anong sabi mo?"

"Wala"

"Ok lang yan James. Para sa'yo din naman yun eh"

"Pati sabi nila....... Dun na raw ako magc-college"

Ouch.

"Ano ka ba James. Oh edi mas maganda! Mas maganda magiging future mo dun."

"Ayokong iwan yung mahal ko." Kailangan kong pigilin ang mga luha!!!!

"Ah. Eh. Kung kayo ang para sa isa't isa, kayo pa rin yan sa huli. Pati sabihin mo sa kanya na maghintay siya"

"Paano kung hindi siya maghintay?"

"Ok lang. Marami pang iba jan."

Hindi ko na napigilan ang luha kaya tumakbo ako papunta sa CR. Iniiyak ko ang lahat. Pagkabalik ko ng room, nakita ko sa tapat ng pinto si Rianna. 

Never Felt This Way BeforeWhere stories live. Discover now