Chapter Six

22 0 0
                                    

Bumalik kami sa AVR dala-dala ang napakaraming pagkaen. Habang kumakain, nariyan ang kwentuhan at kakulitan. Tawa na ng tawa si James.

"Hinding hindi na ako magpapa-libre sayo!"

"BAKIT!?"

"Pinapataba mo talaga ako. Grabe. Hindi na nga ako makahinga.. Puno na ng pagkain at hangin yung tiyan ko"

"Ok lang. Cute ka pa rin naman eh"

AWKWARD SILENCE

"Ah osige. Ituloy na natin to. Ang dami pa pala nito eh"

 Nakakawindang yung sinabi niya! Bakit kasi eeh.. Ayan. Mas lalo na tuloy akong natutuksong sabihin sa kanya ang totoo.

Nang matapos na namin yung mga sulat, agad na namin itong pinasa sa Principal.

"Mr. Chaves and Ms. Cruz. Favor naman. Kayo na rin mag-edit nitong mga articles ng staffers. Tutal, Editor-in-chief at Associate Editor naman kayo."

"Asan po ba yung Managing Editor?"

"May sakit eh. Kailangan ko na tong ibigay sa publishing house by tomorrow"

Tinanggap na lang namin yung trabaho. Dapat ba akong matuwa kasi makakasama ko pa siya? Habang nage-edit kami, andun pa rin yung kulitan namin.

Mag'bell na para sa lunch break, sinabihan kami na mag-lunch na muna. Sinabi ko kay James na pinapasabi ni Rianna na sabay silang maglLunch

"James. baka hinihintay ka na ni Rian. Mamaya mo na yan gawin"

"Ayokong kumain. Busog pa ako. Ang dami na nating kinain diba?"

"Magpakita ka lang kay Rian para hindi na maghintay. Dali!"

"Oh yan! Tinext ko na. Sinabi ko na rin na hindi tayo makakasabay sa paguwi."

"Osige"

3pm yung uwian pero 5pm na namin natapos ang page-edit. Halatang pagod na kaming dalawa.

"Tara Lexa. Hatid na kita sa inyo"

"Aii James. Nakakahiya. Pati may pupuntahan pa kasi ako. Sige. Umuwi ka na"

"Saan ka pupunta? Sama ako!"

"Pupunta pa ako sa palengke, bibili ng Plain black tShirt para sa Org. Bukas na kasi papasa yun diba?"

"Hala! Oo nga. Wala pa ko nun. Tara!"

Wala na akong choice. Kailangan niya din pala pumunta dun eh.

Nang makabili na ng tShirt, nagyaya na akong umuwi. Pero sabi niya, ayaw pa niya umuwi. Nagpasama pa siya sa akin na maglibot sa mall na malapit rin naman sa palengke. Nakakita siya ng couple shirt at agad binili iyon.

"Oii! Tara na. Uwi na tayo"

"Basta hahatid kita ah."

"Bakit ba trip na trip mo kong ihatid!? XD Kung ako sayo, dumeretso ka na lang kela Rianna"

"Ayoko. Hahatid nga kita"

"Eeh. Dali na. Para maibigay mo na yang tShirt sa mahal mo"

"Sa Seniors Ball ko pa 'to bibigay eh"

"Ah. Osige"

Wala akong nagawa. Hinatid niya pa rin ako sa bahay. Nakita kami ni ate na magkausap sa tapat ng gate. Nang-asar siya. Buti na lang hindi nahalata ni James.

"Osige James. Salamat. Ang saya mo talagang kasama"

"Haha. Ikaw rin eh. Salamat sa kwentuhan at tawanan ha?"

"Nako. Salamat din sa pagkaen. Oxah. Pumunta ka na kela Rian. Ingat ka"

"Pagod na ako eh. Tingnan ko na lang kung makapunta pa ako."

"Osige na. Goodnight"

Grabe. Parang isang panaginip ang nangyari. Hindi ako makapaniwala. Sana tumigil ulit ang mundo para sa aming dalawa. 

Never Felt This Way BeforeWhere stories live. Discover now