Day 2

20 0 0
                                    

Dear You,

Dumaan pa ilang mga araw at naging mas malapit tayo sapagkat itinadhana yatang mapunta ka sa lugar kung saan palagi kitang makikita at makakausap. Sa totoo lang ay hindi naman talaga kita kakilala. Ngunit sa araw araw ay nakikita ko ang mga bagay na sa tinggin ko'y dahilan kung bakit ka nila nagugustuhan. At sa bawat araw na iyon ay itinatatak ko rin sa isip ko kung ano ang pagkakakilala ko sayo. Araw araw ay binabalaan ko ang sarili ko na lumayo sa mga lalaking tulad mo.

Pero bakit ganun? Bakit kahit araw araw kita nakakausap ay parang nanatiling may misteryo sayo. Gustong gusto ko malaman ang mga naiisip mo ,ang bawat nararamdaman mo. Ipinagtataka ko ay kung bakit gusto ko malaman ang lahat sayo pero may takot ako.

Sa bawat araw na iyon palagi mo ko pinatatawa at tinitignan na halos matunaw ako. Tunaw na tunaw na ang puso ko sa mga titig mo. But I still keep reminding myself that it won't last. Magsasawa ka rin na tignan ako.

I don't know if it just a friendly gestures pero nagtataka ako sa mga ginagawa mo. I know that you're with Ligaya but I can't stop thinking that you're hitting on me. Nag-usbong na naman ang inis ko sayo pag naiisip ko na marahil ay naglalaro ka lang. Nagulat nga ako na parang alam ni Ligaya iyon dahil isang beses ay tinukso ka nya saaken.  Hindi ko maintindihan ang laman ng sinabi nya. Kung curious ba sya o nagseselos sya. Maybe she knows you well that she thinks you're hitting on me. But she's really fine with it??! Gosh! That's why I hate matured relationships!

That's why I really hate you.. Ikaw yung klase ng lalaki na kahit alam ng babaeng nagmamahal sayo na may iba ka okay lang sa kanila as long as you still there. Ganoon ka ba kamahal mahal? Nakakainis! What's with you then? Ano bang meron ka? Bakit ganyan ang pagkahumaling nila sayo.

Isang beses nakita ko kayo ni Ligaya na seryosong nag-uusap. May kung anong lungkot sa mga mata nyo. Ang mata mong tila nangungusap. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko kayanin ang nakikita ko? Then a news came from somewhere. Na wala na kayo ni Ligaya at pangalawa ka lang din sa buhay nya.

After all those days na masamang masama ang tinggin ko sayo ay parehas lang pala kayo. Marahil ay mahal nyo ang isa't isa para isakripisyo nyo ang nararamdaman ng iba. Kakaibang bigat ang dumagan sa dibdib ko sa mga oras na iyon. Ang hindi ko alam ay kung dahil ba iyon sa panloloko nyo o dahil sa kaisipang mahal nyo talaga ang isa't isa.

I've been in that kind of relationship na kumplikado. Na nagmahal ako behind my relationship mahirap yun. Dahil pangalawa sya ay ibang sakit ang naidulot ko sa kaniya. Nasasaktan ka din ba? Katulad ng sakit na naramdaman nya? Masakit ba na padalawa ka ni Ligaya? Kaya pala wala lang sa kanya na tuminggin ka sa iba o may girlfriend kang iba kase meron din sya.  Why are you complicate things? Bakit pinipili mo ang ganyang sitwasyon. Ngunit mas malala ang pinipili kong sitwasyon ngayon.

Bakit hinayaan ko ang sarili ko ang sumalo sa mga lungkot na nararamdaman mo? Simula nang nakakausap kita sa isang social network sites. Hindi ko makalalimutan yung araw na unti unti kong bkinubuksan ang sarili ko para sayo. How could you make me feel this way? Na kahit alam ko that you possibly have intentions ay sinubukan kong ireply ka. Na kahit anong inis ko sayo ay pinili kong makausap ka. Naenjoy ko talaga ang pakikipag-usap sayo. At sa bawat reply mo, I responded too with smile. I can't help but smile..

Grabe ang sense of humour mo. Ang mga biro mo at higit sa lahat ay ang pambubully mo. Hindi ko nga makakalimutan na sinabi ko sayo na pare parehas lang ang mga lalaki pero we ended up laughing dahil hangang hanga ako how you turned our serious conversations into jokes. Siguro dyan mo sila nabibihag, talent mo ata ang magpangiti ng mga babae.  Minsan pa nga ay nonsense na topic natin but I really admire how you make me happy with nonsense..

" Kilalang kilala ko na kayo! Pare parehas lang kayong mga lalaki"

"Bakit gaano mo ba kakilala ang mga lalaki? Wag mo naman lahatin"

"I just know, Wala naman akong sinabing lahat"

"Sabi mo kase pare parehas lang kami. Edi lahat yun"

"Okay let me rephrase it, Pare parehas lang mga lalaki konti na lang ang matino."

"Konti na lang kase kami"

"Wew!"

Halos gabi-gabi nagtitiis ako na makagat ng lamok, nakaupo sa dilim para lang makausap ka. Hindi na bihirang effort ang ginagawa ko. Palagi ko na binabantayan na ichat mo ako. Palagi kong tinitignan kong active ka ba.  Para bang ikaw na ang kumukumpleto ng araw ko. 

Am I just sad? Bored?

Yan ang hindi ko narin alam.

Natatakot ako sa unti-unting pagbabago ng mga nararamdaman ko.

Dear YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon