Day 1

18 0 0
                                    


Dear You,

Ilang araw o buwan pa lang ba ang nakalilipas simula ng naging malapit tayo sa isa't isa? Hindi ko alam kung bakit ang bilis nagbago ng lahat. Kung paaanong nagbago ka ay nagbago narin ang nararamdaman ko para sayo.

Nung una kita makilala wala naman akong inaasahan mula sayo. Kahit pagkakaibigan ay hindi sumagi sa aking isipang magkakaroon tayo. Wala naman akong pakialam kahit parati kita nakikita bakit sino ka ba? Sino ka ba?

Ngunit nagkaroon tayo nang chance na magkakilala. Pagkakataong maging malapit sa isa't-isa. Naging kaibigan ko ang mga kaibigan mo. Napapadalas ang iilang tuksuhan nyo na kasama ako. Masaya maging parte ng pagkakaibigang binuo nyo.

Marami akong nalaman sayo. Hindi ko man alam kung totoo ay yun ang pinaniwalaan ko.

"Sabi nila may girlfriend daw yan sa probinsya"

"Pero girlfriend nya rin si Ligaya"

Ayoko sa lalaking tulad mo. Hindi makuntento sa isa. Walang pakialam sa nararamdaman ng mga babaeng tulad ko. Hindi ko alam kung nagbibiro ka lang o totoo ang sinasabi mong -

"Hindi lang naman si Ligaya ang babae ko"

Yan ang ugali mo, hindi ko alam kung alin ang biro at totoo sa mga sinasabi mo. Sa bibig mo narin nanggaling na babaero ka.  Masyado ka bang totoo na nahulog parin ang loob ko sayo. O masyado kang palabiro na naloko din ako.

Dati palagi kitang nakikitang matyagang naghihintay kay Ligaya tapos pagkatapos noon ay masaya kayong nag-uusap na parang pag-aari nyo ang mundo. Sa tuwing nakikita ko kayo ay walang ibang pumapasok sa utak ko kundi naglolokohan lang naman kayo!  Wala lang naman sakin ang makita kayong magkasama parang normal lang naman yun.

Ngunit halos araw araw ay ganoon ang eksena nyong dalawa. Maghihintayan , mag-uusap , aalis pero hanggang doon lang alam ko. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang ayokong nakikita kayo noon. Hindi pa naman kita masyadong kakilala noon. Ngunit para bang naiinis ako sa tuwing nakikita ko kayo. Marahil dahil pakiramdam ko may niloloko kayo.

Nakasabay kita at nakausap syempre bilang strangers pili lang ang mga sinasabi ko at maging ikaw sa tinggin ko ay ganoon rin. Madaldal ako kung kaya't madalas ay tinatawanan mo ako. Medyo naging kumportable at lagay na ang loob ko sayo. Hindi na masama, mukhang mabuti ka rin namang tao. Sa tinggin ko ay ako ang masamang tao dahil hinusgahan kita base sa iilang nalaman ko.

Nag-usbong na naman ang inis ko sayo ng makita kita na may kasamang iba bukod kay Ligaya. Nakaramdam ako ng sobrang pagkainis kahit hindi naman ako ang niloloko mo. Hindi rin naman ako sigurado kung kaano ano mo yun ngunit hindi malayong babae mo rin yun. Ikinwento ko yun sa isang kaibigan ko kung ano ang inis na nararamdaman ko para sayo. Sinabihan pa nga nya ako na hindi ka naman daw ganoong kagwapo para gawin mo yun. I really hate you that time.

"Ayoko sa mga lalaking katulad nya! "

"Ayoko talaga!!!!!!"

At ngayong araw napatunayan ko na wag kang magsasalita ng tapos. Kasi madalas kinakain tayo ng mga sinasabi natin. Madalas sinusubok tayo sa mga salitang lumalabas sa bibig natin. We are really accountable for our words.  Sino bang mag-aakala na ako na naiinis sa mga ginagawa mo? ako na halos isumpa ang mga katulad mo. Ako na ayaw na ayaw kang nakikita

  Ako na galit na galit sayo ay magiging isa sa mga babae mo...

Dear YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon