Day 3

20 0 0
                                    

Until one day, akala ko magiging espesyal ang araw na ito. Ngunit ibang lungkot ang nakita ko sa mata mo. Kahit hindi mo sabihin ay para bang nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman mo.

It's Valentines day and to surprise me you didn't even look at me. Unlike yesterday na sinabayan mo pa akong magbreakfast tapos it took time for me to realize that Ligaya was absent on that day. Pumasok sya sa araw ng Valentines day na may bagong estilo ang buhok. Bagay na bagay sa kanya ang hanggang balikat na lamang na buhok na dating mahaba. I guess it's a sign of moving on ? But moving from what?

Sobrang lungkot ang nakita ko sa mata mo. Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman ko ang bigat na nararamdaman mo. Para bang nandyan ka physically pero parang lumilipad ang utak mo sa ulap na hindi ko man lang maabot ng kahit paningin. At ang ipinagtataka ko ay kung bakit napabibigat ng lungkot mo ang nararamdaman ko. Tila isa kang malungkot na panuorin na talaga namang nakapagpapabagbag ng aking damdamin.

Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado nung mga oras na iyon. Ayokong makita kang nagkakaganyan. Ayokong makita ang lungkot sa iyong mga mata. Gusto kong pawiin ito at palitan ng mga ngiti na kinasanayan kong makita.

"Bakit alam mong malungkot ako?" tanong mo sa akin kinabukasan ng araw na iyon.

"Kitang kita naman sa kilos mo nakakainis" Sinasabi kong naiinis ako sayo  ngunit di ko mapigilan ang mapangiti habang kachat kita

"Ayokong nakikita kang ganyan",dagdag ko pa.

" Bakit? Ayaw mong malungkot ako?", ang nakakatuwa ay kung bakit pinararamdam  kong galit ako pero masaya talaga ako sa nagiging takbo ng usapang natin noon.

"Ewan ko hindi ko  din alam e", hindi ako sigurado pero masaya talaga ako sa tuwing nakakausap kita.

"Basta wag mo nang uulitin yun ayoko na malungkot ka, nakakainis kaya kala mo e pasan pasan mo ang mundo. Smile na please.. Ngingiti na yan"

Sa tinggin ko ito ang unang araw na kaya kong  aminin  sa sarili ko na nagugustuhan na kita. Hindi ko sigurado pero gusto ko lang talaga ay makita kang masaya. Tumatawa at ngumingiti..

Hinding hindi ko makakalimutan na pagkatapos ng usapan nating iyon kinabukasan ay binigyan mo ako ng Chocolate na may note na.

"Sorry sa mga nasabi ko sayo kagabi"

Sandali akong napatda at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kalituhan sa nararamdaman. Samo't saring emosyon ang unti unti'y bumalot sa akin. Pagkalito, Lungkot ,Saya at pagtataka kung bakit may ganito tayong pinaguusapan. Hindi ko dapat hinahayaan na maging malapit ako sayo ng ganito. Natatandaan ko pa na noong matanggap ko ito mula sayo ay nakatinggin si Ligaya at mababakas ang malaking kuryosidad sa kanyang mukha. Hindi ako sigurado noon ngunit bali balita na hiwalay na kayo ni Ligaya. Ngunit bagaman ganoon nga ay hindi naman tama na hahayaan ko parin ang sarili ko na mas mapalapit pa sayo.

"okay lang yun Sir, wala iyon tinotopak lang ako kagabi" chat ko sayo na may pormalidad.

Hindi maaari ang kung ano man na nararamdaman ko para sayo. Unang una'y simula pa lang alam ko na masasaktan ako. Sa puntong ito dapat na natapos na ang kung anong ugnayan ko sayo. Magiging madali sana sa akin ang lahat kung hindi na umabot pa sa ganito ang kung ano man ang meron sa ating dalawa. Nakakapagsisi dahil sa tinggin ko itong araw ang naging simula nang lahat. Araw na isang reyalisasyon ang naganap na hindi na kita tinitignan bilang isang kaibigan.

Ang kakaibang kabog ng dibdib, pagkalam ng aking sikmura sa tuwing makikita ko ang bawat mensahe mo ay nagsimula ngayong araw na ito...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon