After 2 days...Sam's POV
I'm now taking breakfast kasabay si Dad, ngayon na din ako magistart ng 1st day ko doon sa UGLY Campus. Naienroll na agad nya ako kahapon pero ayaw ko pa ding pumasok dun kaya kagabi nagplano ako ng pagtakas ko tutal si Uncle naman ang maghahatid sakin.
"Dad, kailangan ba talaga dun ako magaral? Pwede naman sa ibang school ah" naiinis kong tanong kay Dad na nagkakape at nagbabasa ng news paper.
"Sa tingin ko kase magaayos ka kung dun ka magaaral" sagot sakin ni Dad habang patuloy parin sa pagbabasa.
"Dad naman ayoko nga dun" pagmamakaawa ko pero hindi sya sumagot kaya naman napabuntong hininga nalang ako.
"By the way Dad hindi nalang ako magpapahatid at sundo kay Uncle" pambasag ko sa dead air namin ni Dad.
"No. Ako ang maghahatid at sundo sayo ngayon" sagot nya paano na ako makakatakas? Kainis namang buhay 'to.
"Ngayon lang?" yes pag sinabi ni Dad na NGAYON ngayon lang yes!.
"Tara na" humigop muna si Dad ng kape at tumayo na at sinuot ang coat nya kaya sumunod nalang ako.
Wala na akong magagawa dahil pag si Dad ang pumilit sakin pero ok na rin ngayon ako papasok tomorrow hindi na.
At the school gate of UGLY Campus.
Nandito na kami ni Dad, malaking school din sya at medyo creepy tignan dahil sa labas palang ay matatanaw mo na ang isang malaking statue ng Babaeng mala mangkukulam ang ilong at may malaking nunal sa tabi ng kaliwang labi at take note naka-cross arms at parang naka-witch hat pa ata. Wala akong gaanong nakikitang estudyante ang tanging nakikita ko lang ay mga puno, teacher, at isang guwardya. Pag ka baba palang namin ni Dad sa kotse nya ay nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin kaya kinilabutan ako. Pumasok na kami ni Dad sa loob at sinalubong kami ng guard na mukhang pigsa ang mukha dahil sa dami ng mga namamagang tigyawat nya kaya naman napangiwi ako. Sabi na nga mga pangit ang tao dito pero syempre mas gwapo talaga ako.
"Good morning Sir" bati samin ng guard siguro kung hindi mo makikita ang mukha nya iisipin mong boses 'yon ni Zanjoe Marudo pero pag nakita mo yung mukha iisipin mong pigsa sya.
"Good morning din, ihahatid ko lang 'tong anak ko sa guidance" sagot naman ni Dad at bakit namab sa guidance?
"Dad naman bat sa guidance wala pa naman akong nagagawang mali ah?" napakunot ang noo ni Dad sa sinabi ko at hindi ko naman alam kung bakit.
"Anak ka ba ni Pilosopo Tacio? At kapatid ka ba ni Barabas para hindi maka-intindi?" tanong ni Dad sakin at sino naman si Pilosopo Tacio at Barabas?
"Ha? Ibig sabihin po hindi nyo ako anak? at may kapatid papo ako?" tanong ko kay Dad ibig sabihin ampon lang ako for all those shiting years?
"Sira! Kaya ka bumabagsak sa mga subjects mo dahil ang slow mo" binatukan ako ni Dad at tsaka ko lang narealize na from the word Pilosopo ay ang Pilosopo Tacio at ang Barabas...so ibig sabihin ako si Hudas? Huh?
"Tara Sir samahan ko na po kayo" pagaalok ng guard at sumunod nalang kami ni Dad.
Habang naglalakad kami may mga nakikita akong mga estudyante na nakakasalubong namin at as I expecting mga panget nga sila nakikita kong tinititigan lang nila ako siguro nagagwapuhan sakin kaya ganun sila makatingin, every room din na nadadaanan namin ang mga estudyante sa loob nun ay napapatingin at humahabol pa ng tingin nakakafamous naman dito ako lang ang pinapansin nila. Nakarating na kami sa may guidance at pagpasok namin nakita ko ang nga picture frames na nakasabit sa dingding , ang pictures na iyon ay kamukha nung estatwa sa labas at pagharap ng nakaupong babae ay binati kami ni Dad na ikinagulat namin dahil sya pala yung pangit na katulad dun sa estatwa. Napapalibutan na ako ng mga pangit.Eww!
Aico's POV
"Beshy! Beshy! Beshy!" paulit ulit na sigaw ng babaeng mahaba ang baba at napakalapad ng noo. Kumakaripas sya ng takbo papasok sa room at papunta sakin. Ah si June, ang beshy ko.
"Ano na naman?" naiiritang tanong ko sa kanya dahil panira sya nagrereview ako dito ng tahimik eh.
"May bagong transferee sa school natin" kinikilig kilig nyang sagot sakin.
"Malamang may luma bang nagtatransfer sa school natin?" sagot ko sa kanya at itinuon ko nalang ang tingin ko sa librong binabasa ko. Sa tuwing may aalis na kasi sa school namin na estudyante ay hindi na bumabalik pa ganun sila kadaling mangiwan sa ere kaya sanay na ako.
"Pilosopo ka din eh no? Kaya walang nanliligaw sayo eh" kalmadong sagot nya sakin at umupo sya sa tabi ko.
"Sa tingin mo sa itsurang ito? may manliligaw? malabo" sagot ko sa kanya at nilipat ko ang isang page sa note ko. Imaginin nyo kase ako si Aico I. Nganget oh diba apelyido palang pangit na pero hindi ko naman ikinahihiya ang apelyido ng angkan ng Nganget. Uulitin ko ako si Aico isang grade 8 student sa University of Galli Lazarin of the Youth also known as UGLY Campus kung titingnan ang itsura ko here are the list:
- morena
- medyo chubby waistline ko is 30 weight ko ay 50 kg
- medyo singkit
- hindi gaanong katangkaran
- nerd
- old fashioned ako kaya mahilig akong magsuot ng oversize shirts dahil naiilang din ako may kalakihan kasi ang dibdib ko at ayokong nahahalata yun.
- madami peklat sa legs kaya lagi akong nakapants at nakalong socks
- may scratches din ako sa bandang kili-kili kaya lahat ng mga damit ko gusto ko may sleeves para hindi makita, gustuhin ko mang magsuot ng mga croptop at no-sleeve dresses ay hindi ko masuot
- may mga pimples din ako at hindi yun nauubos dahil puyat ako ng puyat
- of course dahil nga chubby may 2 layer bilbil ako at hindi iyon matatago.Yan ang itsura at kahihiyan ko sa katawan ko pero sa lahat ng pangit na yan kabaligtaran naman ng ugali ko simple lang naman akong babae hindi naman ako maarte kaya wala din akong ingat sa sarili ko, hindi rin maitatangging matalino ako dahil Top 2 ako sa class namin actually sa buong buhay ko sa pagaaral Top 1 and Top 2 lang ako sa mga ranking kaya thankful parin ako, 25% masiyahin 50% masungit at 25% emo ako kaya medyo moody din ako, at hindi sakin mawawala ang pagsasabi ng totoo I'm an honest person pero minsan nagsisinungaling din ako that's what life is full of lie.
"Hoy Aico! Ano?! kanina pa ako nagsasalita hindi ka pala nakikinig" nabalik ako sa wisyo ko ng magsalita ng malakas si June at sa tenga ko pa mismo.
"Aray naman! Mabibinge ako sayo eh" piningot ko ang tenga nya at napaaray sya.
"Grabe ka Beshy ha, makapingot" hindi ko nalang sya pinansin dahil nakita kong may pumasok sa room namin. Adviser namin at may kasama syang gwapong(?) lalaki. Ahyt alangan namang babae sira ka talaga Aico eh
Napaayos kaming lahat ng upo ko at narinig kong may binulong sakin si June."Yan! Yan yung sinasabi ko sayo kaninang new transferee. Sya si Hans Sam A. Qu new classmate natin, galing yan sa Norman Iglesias Center of Economy Academy also known as NICE Academy nakick out sya dun nung isang araw lang dahil daw nakipagrambulan sa kaibigan nya na hinalikan daw ang syota nya" pagpapaliwanag nya sakin habang nakatitig ako sa lalaking yun kaya naman hindi ko naaabsorb ang sinasabi ng adviser namin dahil ang ingay ni June.
"At favorite nyang color ay red at favorite nyang brand ng underwear ay adidas" natawa ako sa sinabi ni June."Grabe ka June Noo pati ba naman yan alam mo" mahinang sagot ko sa kanya. May adidas ba talagang underwear?. Segway ko lang totoong pangalan ni June ang June Noo.
"Syempre ako pa ba? Dakilang stalker ata 'to" sagot nya sakin at umayos sya ng upo sabay kinindatan ako.
"Hello I'm Hans Sam A. Qu you can call me Sam or maybe you can call me Handsome" bati nya samin at napangiwi naman ako habang ang ibang babae naman ay kinilig at isa na dun si June. Hindi naman siguro halatang mayabang sya no?.
Well, welcome to UGLY Campus Mr. Hangin.
BINABASA MO ANG
Campus Full of Ugly
Teen FictionWhat if a perfect handsome guy enrolled in a Campus Full of Ugly? [TEMPORARY CLOSED]