Chapter 4. Important Thing?

16 2 0
                                    

Aico's POV

Breaktime na namin at salamat naman natahimik na uli ang tenga ko, kanina pa kase tanong ng tanong at salita ng salita si Poya nakakainis na. Poya ang tawag ko kay Sam Poya means Poging Mayabang at para narin katunog ng mura dahil ang sarap nyang murahin ng murahin. Hindi ako lumabas ng room dahil mas tahimik dito dahil nagsilabasan na sila maya-maya nalang ako lalabas pero gutom na ako dibale sigurado akong hindi ko makikita yung si Poya dahil sigurado akong napapaligiran na sya ng mga babae ngayon.

Palabas na ako ng classroom nang makakita ako ng blue na notebook kaya naman naalala ko yung blueng papel na nahulog nung magna ng upuan nakalimutan ko naman kung saan ko yun nilagay huminto ako at kinapa ko agad ang bulsa ko baka dun ko lang yun nilagay pero wala dun, may nagtutulak sakin na hanapin yun at ibalik sa magna ng upuan ewan ko ba kung bakit basta hahanapin ko nalang kaya naman nagpatuloy akong maglakad palabas at pagtingin ko sa bintana nakita ko uli yung magna ng upuan dahil ganun yung suot nya kanina naka-blue hoodie jacket sya at yung nakatatak sa likod ng jacket nya ay "Important" ang nakalagay ang weird nga lang Important ba ang pangalan nya? Dahil yung nakasulat dun sa papel may 'Important' tas pati sa suot nyang jacket may 'Important' ding nakalagay. Hinabol ko sya pero paglabas ko wala na naman sya kaya naman tumingin lang ako kung saan ang direksyon nya kanina pero wala akong nakitang tao dun at wala namang mga pintong tumunog na pagsara kaya naman napakunoot ang noo ko at humarap ako sa kabilang direksyon napaatras na naman ako dahil nasa harap ko na si Poya na nakacross arms habang nakasandal sa pader na nakangiti sakin.

"Are you looking for me? Ambilis mo naman akong namiss" pagood boy nyang sabi sakin at tumayo na sya ng maayos.

"No and never. Uhmm, may nakita ka bang dumaan dito na naka blue hoodie jacket" mabilis kong sagot sa kanya.

"Huh? Wala naman eh lahat ng estudyante nasa canteen na ata tsaka kanina pa ako dito nagiintay sayo kaya wala naman ibang tao na dumaan" sagot nya sakin bakas sa mukha nya ang pagtataka.

"May dumaan kanina eh nakita ko sa bintana...hay, baka hindi mo lang napansin. Alis dyan" inirapan ko sya at naglakad ako pero nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kaliwang kamay ko kaya naman napahinto ako.

"Kung ikaw ang mawawala mamimiss kita at hahanapin kita kahit nasan ka pa" seryoso at out of nowhere nyang sabi sakin awkward ko namang inalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko, hindi ko sya maintindihan dahil bat naman nya nasasabi yun wag nyang sabihing crush nya ako? pero duh! baka maging feelingera lang ako tsaka kung crush nga nya ako edi thank you pero ayaw ko sa kanya.

"Kaya sana kung aalis ka man isama mo nalang ako..." madrama nyang sabi sakin at humarap sya sakin hindi ko sya magets talaga.

"Sabay na tayong kumain tapos sabay na rin sana tayong tumanda" hinawakan na naman nya ang kamay ko pero ngayon parehong kamay ko na ang hawak nya, oo aaminin ko medyo kinikilig ako pero duh Aico niloloko ka lang ng ugok na yan

"Hoy! Lalaking buhawi na nagdiguise na manikin na sinuutan ng basahan kung wala kang mapagtripan andun oh madaming nagkakandarapa sayong mga higad dun ka nalang" mataray na sagot ko sa kanya at sabay inirapan ko sya at nilayasan ko sya.

"Uy! Gusto ko lang naman makipagkaibigan" sigaw nya sakin pero hindi ko nalang sya pinansin sa halip ay inirapan ko nalang sya.

Someone's POV

Ibang-iba ka talaga sa lahat, kahit nagsusungit ka ay may mabuting puso ka parin. Ang taong umiilap ang mas lalong minamahal pero sana Aico wag kang masasaktan.

After a week...

Aico's POV

"Pwede ba tigil tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Pata, oo alam ko chubby ako pero binigyan ako ng pangalan" naiirita kong sagot kay Sam na kanina pa nangungulit sakin para ilibot sya sa buong Campus halos isang linggo na syang nagaaral dito pero hindi pa rin nya nalilibot? At isa pa tawag sya ng tawag sakin na Pata nakakaasar sya.ARGHH!!

Campus Full of UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon