Aico's POV"So class be nice to him, and also I hope you too Mr. Sam" pagpaprankang sabi ng adviser namin. Gwapo nga ang yabang naman.
"Why do you call me Sam?" tanong nya sa adviser namin pero parang disrespect tone yung pagkakasabi nya nun.
"Masyado kasing mahaba yung Handsome" sagot ng adviser namin pero nakita kong nagroll eyes si Mam. I knew it bad boy 'tong ugok na'to.
"Mam, can I take a seat now?" tanong uli nung Sam.
"Ok. You can take the seat of Ms. Noo" banggit ng adviser namin kaya naman si June tuwang-tuwa. Teka, kung sa upuan sya ni June uupo magiging seatmate ko sya? No way. Siraulo din 'tong si June tuwang-tuwa pa eh mawawalan nga sya ng upuan.
"Noo? Seriously? What kind of surename?" natatawang sabi ng mayabang na yun. Rinig yun ng lahat pero si June wala syang pake kinukutya na nga yung apelyido nila ang haliparot parin.
"Ms. Noo, can you give your chair to Mr. Sam" tawag ni Mam kay June na nakatitig kay Sam. Kaya naman tumayo sya agad at naglakad na si Sam papunta sa upuan ni June na katabi ko lang. Binalik ko lang ang tingin ko sa nirereview ko kanina pa alam kong pa-upo na yung Sam na yun sa tabi ko kaya naman inilayo ko ng unti ang upuan ko sa upuan ni June na kay Sam na ngayon habang nakafocus parin ako sa binabasa ko. Pag kaayos ko ng upo may nakadali sa upuan ko kaya naman nairita ako at inangat ko ang ulo ko at tinignan ko ng masama yung nakadali at si Sam pala nakatingin din sya sakin at nginitian ako pero inirapan ko lang sya at itinuon ko na uli ang focus ko sa binabasa ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakaupo na sya.
"Akala mo naman maganda para irapan ang poging katulad ko" mahinang sabi nya kaya naman napairap na naman ako, akala nya siguro hindi ko naririnig yung mga sinasabi nya malakas ata ang sense ko sa pandinig.
"Ms. Nga-" hindi natuloy ni Mam ang pagtawag nya sana sakin dahil nagsalita si June.
"Mam san ako uupo ngayon?" parang bata nyang sabi kay Mam kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Mam, kay June nalang po itong upuan ko kukuha nalang po ako sa baba" pagaalok ko kasi naman hindi iniintindi yung sinasabi ni Mam tuloy wala syang maupuan. Nakita ko namang napangiti si June at tumingin sya kay Sam kaya naman inirapan ko nalang sya.
"Fine. Ayaw mo bang makatabi si Sam?" tanong ni Mam.
"Wala po kasing mauupuan si June" sagot ko iiling sana ako kaso baka sabihin pa nila choosy pa ako gwapo katabi ko kaya nagdahilan nalang ako ayaw ko talaga syang makatabi kaya kukuha nalang ako ng ibang upuan para hindi ko sya makatabi.
"Geh kumuha ka na ng upuan, by the way wala bang mga lalaki dito? Pagbubuhatin nyo ng upuan yung babae!?" tanong ni Mam na tinitignan ang mga lalaki kong classmates kung kikilos ba at bago pa man may magsalita.
"Ako nalang po Mam, kaya ko naman po baka po kasi hindi nila kaya" mariin kong sabi at sabay umalis na ako para kumuha ng upuan.
Nakakuha na ako ng upuan sa 2nd floor dahil nasa 3rd floor ang room namin, madaling bumaba pero ang hirap umakyat hindi dahil sa may dala akong upuan pero dahil antaba ko hindi ko kaya yung sarili ko pero hindi naman ako dambuhala pero nahihirapan akong dalhin yung katawan ko tas may dala pa akong wooden chair dahil ang mga upuan namin ay mga kahoy malamang wooden chair nga eh. Nasa gitna na ako ng hagdan medyo hiningal ako kaya naman binaba ko muna yung upuan saglit at sumandal muna ako sa gilid ng hagdan buti nalang at walang estudyanteng dumadaan kundi aasarin na naman ako. Pagkatapos kong magpahinga saglit bubuhatin ko na sana ang upuan pero nagulat nalang ako ng may umagaw nun at binuhat iyon kaya napatingin ako, lalaki sya pero hindi ko sya kilala parang bagong estudyante lang din sya pero nakakapagtaka naman ang init-init nakahoodie jacket sya ay baka may sakit sa balat.
BINABASA MO ANG
Campus Full of Ugly
Teen FictionWhat if a perfect handsome guy enrolled in a Campus Full of Ugly? [TEMPORARY CLOSED]