CBL One

293 7 7
  • Dedicated kay nicole loria
                                    

THE CONTRA BATTLE LOVE

-1-

simply_akooo

 Patapos na naman ang summer vacation and here we go again- school days. Kailangan na namang sumubsob sa pagaaral dahil konting kembot na lang gagraduate na ako. I'm turning third year this school year. YES! Third year high school pa lang ako, most of the students sa Center Orland Academy call me "Nerd" and the hell I care. Sanay na akong tawagin sa ganyan.

"Elsie!" Yung tumawag sakin? Its Jasmine - my bestfriend. Since kindergarten, best friends na talaga kami. Kahit sobrang popular niya sa campus, hindi niya pa din ako gawang layuan or iunfriend sa buhay niya. "Tara na?" Magshoshopping kami para sa mga gagamitin namin bukas. Bukas na ang pasukan. Kaya eto kami ngayon, busy sa pagbibili ng mga gamit. Pagpasok nga namin ng mall halos lahat tinginan samin. Ehem ehem. Sa kanya lang pala. 👉 Jasmine. Sino ba namang hindi mapapatitig sa mga ngiti niya, sa simpleng pananamit at syempre yung kagandahan niya. Kahit anong gawin siguro sa babaeng to, maganda at maganda talaga siya. Argh! Naiinis ako. Sobra! Bakit kasi ang panget panget ko? Kailan ba ako gaganda? Sawang sawa na ako sa pagmumukha at sa porma kong to.

"Bes? Are you okay?" Nagnod lang ako as response sakanya kahit deep inside I'm not really okay.

Natapos na nga kaming bumili ng school supplies. Heto nga kami sa Jollibee. Hinihintay yung sundo namin. Antagal tagal ni Manong. Nakakailang order na kami dito ee.

Habang humihigop nga ako ng float bigla ba namang sumigaw si Jasmine. Tinginan tuloy yung mga tao samin. Ayss.

"Ano bang problema mo uh?" pagtatanong ko.
"Nagcheck ka na ba sa website ng school?"
"Hindi pa. Bakit?"
"May 2 estudyante daw from Wattpad Academy na mga exchange students sa school natin. Argh. I can't wait to meet them." Wattpad Academy? Kung hindi ako nagkakamali, yun yung madalas naming kalaban sa school competition.  Bakit naman kailangang may exchange students pa sa Center Orland? Ano namang matutunan pa nila na wala sa school nila? Ayss.

"Tara na nga. Ayan na si Manong. Isave mo na lang yang kakiligan mo bukas."

Nakauwi na nga kami. Andito nga ako ngayon sa kwarto ko at hanggang ngayon iniisip pa din kung ano ang dahilan ng dalawang exchange students kung bakit kailangan pa nila itong gawin?. Inaaksya ko lang oras ko kakaisip.

CENTER ORLAND ACADEMY

Sa sobrang pagmamadali kong makapunta ng classroom ko, may nakasalubong akong lalake at nahulog tuloy yung mga dala kong libro.

Medyo masakit. Ang lakas kasi ng impact ng pagkakabangga namin. Dali dali ko namang kinuha yung mga libro. Nang aabutin ko na yung isang libro, biglang kinuha nung isang lalake. Pagangat ko nga ng ulo ko, biglang nanlaki yung mga mata ko at natulala.

"Sayo siguro to." Nakasmile siya sakin. Umayos ka nga Elsie. Pwede ba, bumalik ka sa katinuan mo.

Nang kukunin at tatayo na sana ako, bigla pa akong naout of balance kaya napayakap tuloy ako sakanya. Dali dali ko namang inialis yung kamay ko at kinuha na nga yung libro.

"Thanks."
"Are you okay?"
"Ah.. oo naman. Medyo sumakit lang yung paa ko, siguro yung epekto to ng pagkakatumba ko hehe. Ah. If you would excuse me, I'll go ahead."

Dali dali na nga akong naglalakad palayo sakanya pero rinig na rinig ko pa din yung mga pinagsasabi niya.

"Take care Miss! T'was nice meeting you!" Hindi ko alam kung kikiligin ako sakanya. Kung tama bang kiligin ako sakanya. Argh.

THE CONTRA BATTLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon