CBL Three

68 3 0
                                    

Grabe sakit ng ulo — sisipunin pa ata ako hayss.. Dahil ata to sa ulan kagabi.
Di ako pwedeng hindi pumasok kaya kailangan ko ng bumangon at baka malate pa ako.

"AAACCHHUUUU!!!"
Grabe ang sipon ko — for the runny nose 😩 pero kailangan kong pumasok. Di ako pwedeng mag absent.

"Elsie, sinipon ka? Uminom ka na ba ng gamot? "

"Di pa po Yaya." Matamlay na sagot ko.
Dali dali namang kumuha si Yaya ng gamot sa medicine kit namin malapit sa may kusina.
"Thank you, Yaya. Di ko na alam ang gagawin ko kung wala ka." Sabay yakap ng mahigpit.

CENTER ORLAND ACADEMY

"AAACCHHHUUUU!!" Hays. Grabe pa din ang bahing ko kahit uminom na ako ng gamot. Feeling ko babagsak na yung mga mata ko sa sobrang sipon ko. Nakaupo na nga ako sa aking upuan.

"Hey, okay ka lang? Mukhang masama ang pakiramdam mo" ang bait talaga nitong si Jomer. Di ko alam kung sa lahat ng babae ganyan siya kasi kung saakin lang siya ganyan lalagyan ko na ng meaning (😂) charr lang.

"Oo, okay lang naman ako. Grabe lang talaga yung sipon na to." sagot ko

"Inom ka na lang ulit ng gamot mamaya o kaya you can stay muna sa clinic para mas makapag pahinga ka" nag nod lang ako as response sakanya "Ah, also I just want to say sorry about yesterday"

Oo nga pala. Hmmm. May kasalanan pala tong mokong na to saakin. Kung di ka lang talaga cute! 🙄😅 Naku, di ko tatanggapin yang sorry mo.

"Naku, wag kang mag alala naintindihan kita. Kaya its okay."

"Promise, hindi ko na uulitin. Thank you!"
Wait bakit kailangan may hug? Jusko yan talaga ang gusto kong gamot hahaha. Joke lang.

Muntikan ko ng makalimutan si Francis. Naulanan din pala yung kagabi. Di ko pa pala nakikita. Kamusta na kaya yun?

Speaking of — dumating na nga siya. Pero bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko?

Di kaya ...

Hindi to' pwede

"O, Jom kamusta? Bakit wala ka kahapon?"

"Ah. Nagmuni muni lang"
Himala hindi niya ako pinansin. Wait bakit ba affected ako?

"Elsie, kamusta? Okay ka na? Balita ko hindi daw maganda ang pakiramdam mo?"

Alam agad? Nakakaloka. So ano ngayon kung masama ang pakiramdam ko? Concern ba siya or ano.

"So ano ngayon?"

"If I know, naulanan ka kagabi dahil hindi ka sinundo ng driver mo. At sa sobrang bait ko, pinahiram pa kita ng jacket at payong. Muntikan ka pa ngang mabunggo buti na lang —" sabay lapit saakin "I save your life"

Dahan dahan akong tumayo kahit na feeling ko mahihilo na ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
"So? Ano ngayon? Huh. Utang ko pa ba ang buhay ko sayo? Well, thank youuu for saving my life. Happy ka?"

"You are welcome" pangiti ngiti pa siyang sabi sakin. Pero yung mukha niya dumadami..

Teka, bakit parang nahihilo ako? Wait lang, babagsak ata ako..

Francis Point of View

Papasok palang ako pinto ng room, nakita ko na naman naguusap yung dalawa (Jommer and Elsie) Teka mukhang masama ang tamlay ng pusang to ah. Di kaya dahil sa pagpaulan niya kagabi? Hays. Baka di na naman to uminom ng gamot. Pasaway talaga.

"O, Jom kamusta? Bakit wala ka kahapon?" Tanong ko kay Jommer sabay bagsak ko ng bag sa upuan.

"Ah. Nagmuni muni lang"

THE CONTRA BATTLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon