Contra Battle Love
Chapter TwoAkala ko mamatay na ako. Akala ko dun na magtatapos ang buhay ko. Akala ko hanggang dun na lang ako. Akala ko...
"Baliw ka ba? Bakit hindi ka tumayo kanina huh? Argh. Ano magpapakamatay ka? Grabe naman tapos pagnamatay ka kasalanan ko pa?" Hindi ko na magawang magsalita dahil sa sobrang takot ko. Niyakap na nga lang ako ni Francis dahil nahalata niya atang sobrang takot na takot ako.
Andito nga kami ngayon sa 7/11. Medyo naaawkward ako kay Francis dahil sa nangyare. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko.
"Uh. Thank you." tiningnan niya lang ako pagkatapos kong sabihin yun. Hayss. This is why I hate for lowing my pride. Argh. Tumayo na nga ako na pawang aalis na.
"Mauna na ako. Bye." Hindi naman niya ako pinigilan pa at nagtuloy tuloy na ako naglakad palabas ng store.Hayss. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagkaroon ng utang na loob sakanya. Ngayon tuloy hindi ko magawang makakilos o makapagsalita ng maayos dahil sakanya.
Kinaumagahan, hindi na naman ako nakapabangon sa tamang alarm ng orasan. Pagmulat ko nga ng mga mata ko, medyo lumamig. Pagsilip ko nga sa labas, umuulan pala. Pinahinaan ko muna yung aircon at diretso ng naligo at nagbihis. Maya maya pa ay bumaba na ako para kumain.
As usual, hindi ko na naman naabutan sila Mommy and Daddy. Masyado na silang busy sa kani-kanilang mga business. Ni hindi na nga nila alam na may anak sila.
"Miss Elsie, kain na po."
"Thank you na lang po Yaya pero sa school na lang po ako kakain medyo malilate na din po ako. Sige po, goodbye."Lumabas na nga ako at sumakay na ng van. Kasama ko na naman si Manong. Minsan nga, gusto ko ng huwag na lang niya akong hatidin. Minsan tumatakas pa ako kapag susunduin niya ako. Gusto ko din kasi maging independent. Masyado kasi akong shelter na minsan hindi na din masaya.
Nasa school na nga ako, hindi naman ako masyadong nabasa dahil pinapayungan ako ni Manong. Nang papasok na nga ako bigla kong nakabangga si Francis. Ayss. Kaaga aga siya agad?
"Ano ba naman yan? Nakakainis namang ulan na yan ee. " Habang pinupunasan niya yung polo niya. Napatigil siya at tumingin sakin. Nahuli niya tuloy akong nakatingin sakanya. "Hey pusang nerd, are you stalking me, again?"
"Huh. Nasobrahan naman ata ang *self confidence* mo. And excuse me hindi kita iniistalk, kahit kailan hindi kita iistalkin. Kung mang iistalk man ako, hindi kung sino sinong daga lang na katulad mo ang iistalkin ko. I am a high standard woman and hindi ka makakapasa sa standard na yun." tinalikuran ko na nga siya. Nang papaalis na sana ako bigla niyang hinigit ang kamay ko.
"High standards? Really? Baka naman I am too high for your standards. Over qualified siguro ako. Its okay to deny. Okay lang yan Pusang Nerd. I understand you, hindi ka lang naman ang mga babaeng nagdedeny na may gusto sakin e, madami kayo. For now, excuse me." Ang lakas talaga ng bilib niya sa sarili niya. Akala mo naman kung sinong gwapo. Ubod naman ng hangin sa buong katawan.
"MADULAS KA SANA!!!" Pagsisigaw ko sakanya na naglalakad na nga sa hallway papunta sa classroom namin.
"SWAKKKKK!!!" 💫💥
Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Akalain mo nagkatotoo ang sinabi ko? 😂😂😂 Nadulas nga si Francis the Rat. Sobrang hangin kasi. Tawang tawa nga akong lumapit sakanya.

BINABASA MO ANG
THE CONTRA BATTLE LOVE
FanfictionHi readers! This is me, simplyakooo - the writer. This is my first publication here in Wattpad and I hope you guys will appreciate this simple and very youthful story. Please bear me my bad grammar. I'll proofread it whenever I got a time to do so...