Chapter5

18 0 0
                                    

ZANDRA'S

"Andito ka lang pala! Tara na!" hinatak na nya ko sa pag kakaupo. Grabe tong lalaking to

"Ona. Teka lang kasi diba?" at bumitiw ako sa hawak nya

Ngumiti lang sya at nag inunahan ko siya sa pag lalakad.

Una naming pinuntahan is yung garden

"So Master dito yung Garden. Ang ganda no? May fountain pa. Tska pwede kang humiga dyan sa mga damo kasi lagi syang nililinis" kumindat ako sakanya at mukha namang nagustuhan nya

Sunod na pinuntahan namin ay yung gym.

"Eto naman yung gym. Merong section ng basketball court at volleyball court. Airconditioned lahat ng yan." Ngumiti siya. Yung court kasi namin isa yung parang pang PBA. Exclusive school e.

On the way sa canteen

"Pila pila yan at may nag babantay kapag wala sa tamang pila. Hindi porket artista ka e pwede ka ng mauna. Walang sinasanto dito okay?"

"Pero kanina kung itreat nila ko? Gusto ko din ng normal na buhay no" sabi nya na medyo lumungkot yung mukha nya

"Okay lang yan Master. Asahan mo bukas na hindi ka na nilang ituturing na artista dito" kumindat ulit sya pero napailing nalang

Off to clinic room!

"Eto naman yung clinic. Kung gusto mo matulog, mag arteartehan ka lang at pasok ka dito" tumawa sya ng mahina kaya napangiti ako.

Sa mga lab naman kami

"Eto Comlab. Ang laki no?"

Tumango siya at dinala ko naman sya sa kabilang room

"Welcome to Sci lab!"

Hahawakan nya sana yung mga kagamitan pero pinigilan ko sya.

"Dun naman tayo sa Music Hall na Theater din. Favorite ko yun!"

"Tadaaaa! Dito ko laging nakatambay. Pag bored ako o kaya pag malungkot ako. Dito din kami madalas nag tatago ng pinsan mo."

Inikot nya yung room. Ngiting ngiti siya

"Nakakatuwa ka palang kasama no? No wonder kung bakit gustong gusto ka ni Annie"

Ngumiti sya sakin at grabe namumula ako sa sinabi nyaaa. Take me Lord Take meee!!!! :O

Umupo naman kami tapos nag kwentuhan

"Tara kwentuhan tayo" sabi nya at tumango naman ako

"Simulan mo Master" sabi ko at ngumiti naman sya. Grabe talaga yung ngiti nya nakakamatay hihi

"So pano nga pala kayo nag kakilala ni Annie?"

FLASHBACK

1st year ako ng pumasok dito sa school na to. And guess what may umaway agad sakin

"Hoy bruha! Mahirap ka lang kaya wala kang karapatang mag aral dito."

Anak ng tokwa talaga oh! Hayop tong mga to ahh. 

Sasampalin ko na sana ng may biglang sumigaw

"HOY KAYO! ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO MANGLAIT SA SCHOOL KO! GUSTO NYO BA MAEXPELL HA?"

Hindi na nakapag salita yung mga babaeng nang-away sakin kaya ayun nag kakilala kami.

Una palang magaan na loob ko sakanya. Sa bawat tao na aaway saming dalawa ay pinag tutulungan namin. May time pa nga na muntikan na kaming maexpell dito sa mismong school nila haha

"Tss. Yung isa mahirap tas yung isa naman nag rereyna reynahan dahil sa papa nya itong school. If I know patapon na yang mga yan. Ni hindi nga magagaling e. Hindi na nga ata virgin yung Annie"

Nag init yung ulo ni Annie at syempre lalo na ako no! Ang kapal ng mukha talaga!

"MGA GAGO KAYO ANUNG SABI NYO?" sigaw ni Annie sa kanila

"Na hindi ka na virgin. Ay no HINDI NA KAYO VIRGIN!" iniis talaga ko netong mga to

"Hoy kayong tatlo na pinaglihi sa tyanak mamatay na kayo!!!" pagkatapos kong isigaw yun ay nag tinginan kami ni Annie at nag tanguan. Syempre ano pa ba?

Pinag sasampal at sabunot namin yung tatlo! Ang kakapal ng mukha nila. Bugbog sarado sila. Nasapak pa nga ni Annie yung nakasagutan namin e. Tapos ayun nag sitalbuhan na ang mga gago

END OF FLASHBACK

Tawa naman ng tawa si Andrew sa kinwento ko. Syempre ako din natawa. Masaya kayang mag throwback hahaha

"Ang tapang mo naman pala dati e. Pero anu na nangyari? Bakit hindi mo na maipaglaban sarili mo ngayon?"

Natanga naman ako sa tanong nya.

FLASHBACK

"Sa sobrang tapang mo, nakakasakit ka na ng damdamin. Isipin mo naman yung mga taong nasa paligid mo hindi yung puro sarili mo lang iniisip mo"

May biglang humampas sakin sa likod.

Umiiyak na ako sa sakit. Hindi lang pisikal pati emosyonal.

"Tama na pre! Hayaan nyo na sya" sabi nung isa pang kumuha sakin

"Hindi dapat lang sakanya yan!"

Tapos hinampas nya ulit ako sa likod. Hinang hina na ako

"Sorry .." hinang hina kong sabi sakanya yan

"Yan! Matuto kang mag sorry" 

Wala na akong makita ..

END OF FLASHBACK

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon