Chapter16

17 0 0
                                    

ZANDRA'S

May competition yung school namin. Dance contest. Alam ko namang sasali si Andrew dahil hindi lang sya singer o actor. Dancer din siya. Astig no?

"Felix, lista mo ko" inutusan pa nya ako ilista yung panget nyang pangalan.

"Tapos na master" at tumango naman sya.

Nag lalakad kami papuntang music hall. Dun kasi igugrupo yung mga sasayaw. Mabilis process sa school kaya okay na lahat.

Nakarating naman kami sa Music hall na ang sasama ng tingin ng mga babae sakin. Anong bago dun?

Umupo kami at nag simula ng igrupo.

"OK, alam nyo naman siguro na--"

Blah blah oo alam na namin

At ayun nga ginrupo sila.

Sa kasamaang palad ay kagrupo nya si Shaina

"Sa lahat naman ng kagrupo sya pa" napahampas sa mukha nya si Andrew

Tumawa nalang ako pero deep inside ayoko

"Ok, mag simula na kayong mag practice. 5 days is enough right? Goodluck"

Nag sialisan na ang lahat. At dahil yung leader ay siya kaya no choice kundi mag turo siya.

"Kuha nalang tayo ng choreo" sabi ni Andrew

"Pero alam mong bawal kumuha diba? Sarili daw natin" sabi naman nung isang lalaki. Hindi ko siya kilala e. Haha

"Kaya mo naman yan e." sabi ko at nginitian ko sya

Ngumiti din naman siya

"Tch. Ang landi mo namang PA ka" sabi ni Shaina.

"Ano bang paki mo?" sabi naman ni Andrew

"Atleast siya pwede makisawsaw sakin. E ikaw?" natahimik si Shaina sa sinabi ni Andrew

Belat hahaha

"So saan tayo mag ppractice? Singit naman nung kaninang nag tanong.

"Sa studio namin. No pets allowed." sabi ni Shaina tapos tinuro nya ako.

"Edi bawal ka pala?" sabi naman ni Andrew

Sorry ka girl may kakampi ako bwahaha

"Sa studio nalang namin. Atleast dun pwede mga hayop" sabi ni Andrew na lalong kinainis si Shaina

Ngumiti nalang ako pero mukhang nakita ni Shaina yun

"Nginingiti mong hayop ka?" sasampalin na sana nya ako pero sinalo yun ni Andrew.

"Dont touch her" omooo

"Ano mo ba siya ha?" tanong naman ni Shaina na parang galit na galit

"Ka-ibigan ko bakit?" anak ng tokwa. Oo na hindi na ako aasa. Kaibigan nalang lagi

Inirapan lang sya ni Shaina

"Okay guys, 10am ang practice ha?" sabi ni Noel

Umalis na si Shaina

Ngumiti naman sakin si Andrew at ngumiti din ako sakanya kahit nababadtrip ako

----

Umaga na at wala akong paki kahit kanino dahil day off ko to. Tulog muna ako.

15 minutes later

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG

Nagulat ako sa tumunog kaya napatayo agad ako. Hinanap ko yung phone ko at sinagot iyon.

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon