Chapter13

18 0 0
                                    

Palakad lakad nanaman ako. Yung first kiss ko nanaman naiisip ko.Sayang yun no. Hayss.

Boring ngayong araw. Si Annie hindi papasok dahil may gagawing importante. Ayoko makita si Andrew baka mahalikan ko siya ng wala sa oras.

Lakad lakad lakad

"Hoy!" nak ng tokwa

Tumakbo ako. Kakasabi ko pa lang na ayoko sya makita e. Nakakainis.

Nahabol naman nya ako. Useless db.

"Bat hindi mo na ako pinansin kagabi ha?" tanong nya

"Ha?" wala akong maalala bukod sa pag hatid nya. Yun lang

"Wala ka sa sarili mo kahapon. Nanghihinayang ka no?" tinaas taas pa nya yung kilay nya

"Ang kapal mo. Kailangan mo ba ako? Papasok na ko" aalis na sana ako ng

"Wala ka nga talaga sa sarili mo. Zandra! May Chorale Reading Competition tayo!" ayy oo nga pala bale walang klase. Lahat sila nasa music hall. Ang tanga ko talaga

Natatawa sya na ewan. Dko na pinansin at pumunta na sa music hall.

"Teka! Wag ka na pumunta dun." Hinatak nya ko.

"O? San punta?" tas nag pumiglas ako. Yun nga lang waeffect

Hinila lang nya ako ng hinila hanggang sa makarating kami ni rooftop.

Nakabusangot ako. Dito pa talaga e samantalang gusto ko nga syang halikan. Nakakainis.

"Badtrip yung kahapon! Yun na yun e!" sabi niya.

"Ano bang meron?" bored na tanong ko.

"Wala" tapos sumimangot sya sakin. Ano bang problema neto? Nakakainis na talaga.

"Baba na ako kung wala naman tayong gagawin dito" baba na sana ako ng pinigilan nya ako.

"Dito ka muna. Stay with me." namula nanaman ako. Omooo. Crush nya talaga ako e!!!!

"Kailangan ko ng kaibigan para damayan ako"

Hinampas ko sya.Nakakabwisit! Oo na kaibigan mo lang ako pero kailangan ipamuka sa twing nag bblush at ag aassume ako? Bwisit talaga ohh!!

"Bahala ka dyan. Alis na ko" binelatan ko sya at tumayo na.

Yinakap nya ako patalikod at may kung anong nilagay sya sa mata ko.

"ARAY KOOOO! ANO BA YANG NILAGAY MO SA MATA KOOOO!! ANG SAKIT KAYAAA!!!!!"

Naririnig kong tumatawa sya

Hinahanap ko siya. Nakapikit ako kasi hindi ko madilat yung mga mata ko kasi mahapdi!!

"Katingco yan hahaha" nak ng mamkn! Katingco!!! Kaya pala mahapdi!!!!

"Lagot ka sakeee---"

Ugh? Ang galing. Ang lambot. Ang daming paroparo. Ano ba tong nangyayari sakin? Bakit kinikilig ako?

Wala ba syang balak tumigil? Pero kung ako sayo wag ka titigil. Please.

Hindi na ako makahinga. Ayoko na pero gusto ko pa.

"Ang sarap ba?" ako ang bumitaw. Hindi na ako makahinga e.

"B--at mo gin--awa yun ha?" pautal utal konf sinasabi. Shet gusto ko paaaaa!!!!

"Alam kong nanghinayang ka kaya itinuloy ko haha" nakng!

"Epal. Bastos ka!" hinampas ko sya.

"Bat namumula ka? Hahaha. Infairness, magaling ka ahh?" sinabayan lang naman kita e.Pero lalo ata akong namula sa sinabi nya. Nakakainis talaga.

"Hahaha. Baba na ako" sabi nya at iniwan na nya ako.

Hindi ko na sya pinigilan dahil baka mahalikan ko ulit sya.Ughhh. Ang lambot ng labi nya. Ang sarap halik halikan!!! Nakakainissss.

Minulat ko na mata ko. Sheeet!!!! MAY FIRST KISS NA AKOOOO!!!

Revenge is all I wantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon