🐼 Wyatt's Point of View:
Nasaan na naman kaya ang babaeng yon? Parang wala talagang balak na magpakita sa'kin!
No. Hindi pwedeng hindi niya pagbayaran ang ginawa niya. May atraso siya sa'min at hindi pwedeng malaya niyang nagagawa ang gusto niya.
Ilang ulit na niya akong pinagtaguan! The last time I went to their house, ang sabi nong maid hindi daw nakauwi. Ano'ng klaseng babae ba 'tong Demi na 'to. Tsk, tinatanong ba 'yan Wyatt? Malamang baliw. Baka naman disgrasyadang babae. Tsk.
Pero hindi, kahit anong iwas mo Demiteyr Abrahams, magkikita din tayo.
"Ladies, I have to go."paalam ko sa mga kaibigan niyang sobrang helpful sa'kin. Well, they should be. At least they can compensate for their friend's foolishness.
"Pero di pa kayo nagkita ni Demi. Alam mo, in fifteen minutes, matatapos na 'yong klase no'n." saad ni Keam.
"I don't think magpapakita sa'kin 'yong kaibigan niyo." sagot ko naman.
"Ganito nalang. Bumalik ka dito. Pero kunwari di namin alam kung kelan para wala na talaga siyang takas." Carlene suggested.
"That's a better idea. I'll leave now."
"Okay. Bye. Ingat ka."nakangiting sabi ni Carlene sabay kaway sa'kin.
Nakailang hakbang na ako nang mapag-isipan kong maghintay ng ilan pang minuto tutal wala naman akong pupuntahan e. Bumalik ako sa dinaanan ko. Carlene and Keam were talking to her on speaker phone. Nagtago ako sa likod ng puno para marinig sila.
"Demi, you have to meet the guy! Look, you've wasted his time for so many instances already! Kikitain mo lang naman e!"pangaral ni Keam.
"Ayoko nga. Baka kamukha pa niyan si Bentong!"
Ano? Ano'ng problema kay Bentong? Kung hitsura lang ang pag-uusapan, napapatili ko ang mga babae kahit wala akong ginagawa. But seriously, what's wrong with Bentong?
"Ang judgmental mo!"Carlene exclaimed. "Tao parin si Bentong, Demiteyr!"
"Alam ko naman e. Ang ibig kong sabihin, paano kung mukhang engot 'yang lalaking 'yan at totohanin niyang gawin akong girlfriend? Eww."maarteng tugon nito.
Woah. The confidence is real. Tsk. Hindi siya ang type ko. I didn't even bother looking at her pictures on facebook. I saw her post because my friends mentioned about it. Isang profile picture lang niya, sapat na para malaman ko kung type ko siya. Well, hell no. She looked stupid in her display picture. Naka-peace sign siya habang nagme-make face. Uh no. She should not worry about me wanting her to be my girlfriend.
Unang-una, hindi ko siya type! Pangalawa, hindi ko siya type! Kaya nga ako nandito dahil gusto kong isampal sa kanya ang katotohanang 'yan. She's not even attractive. Lol.
"Sabihin niyo na kasi, ano ba'ng mukha niya?"I heard her ask her friends.
"Demi, don't be ridiculous. Magsisisi ka kapag hindi mo ime-meet 'yong tao. Bahala ka sa buhay mo."
"Pag-iisipan ko. Pero hindi pa ngayon. Kasama ko si Harrey."
"Kyaaaaaah!"tili ni Carlene na nagpagulat sa'kin. "Ang harot mo. Ba't naman kayo magkasama?"
"Sige na. Ikukwento ko nalang pagbalik ko."
Makaalis na nga lang. Nag-aaksaya lang ako ng oras e. Naglilibot ako sa mall para aliwin 'yong sarili ko nang may tatanga-tangang babae ang bumangga sa'kin. Natapunan ng fruit shake 'yong shirt ko!
"Hindi ka man lang ba magsosorry?" tanong ko nang dumiretso lang ito sa paglalakad.
"Sorry? Ba't naman ako magso-sorry sa'yo?"pagtataray nitong nagpatingkag ng tenga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1043800-288-k29326.jpg)
BINABASA MO ANG
Demi's Invention °[KathNiel] ✓COMPLETE
HorrorDemi, an eye-catcher, hates guys. To stop them, she made an invention, a boyfriend who she thought hasn't existed. Will Demi's invention save her? Or will it ruin her fairytale-lovestory waiting to happen?