Chapter 5

1.1K 27 10
                                    

" Osige alis na ako ." paalam ko kila Chandria pero pinigilan naman nila ako . " Bakit ?"

" Napagpasyahan kasi namin na sa Condo tayo nila Devonne at Ching tumira , diba nangungupahan ka naman ngayon ? Edi dun libre lang kasi ako na bahala sayo !" sabi ni Chandria na siya namang ikinatuwa ko . Alam mo yung feeling na makakalibre edi masaya yun diba ? diba ? diba ?

" Sige ba !" sagot ko naman .

" Saan ka ba nagtratrabaho ?" tanong ni Ching .

" Sa Sweet Sweetest Restaurant ." sagot ko .

" Kay Dwilight yun ah !" gulat na sabi ni Ching .

" Kaya pala sabi ni Dwilight kanina na Boss mo siya ." Devonne .

" Ganun na nga !" malungkot na sagot ko .

" Osige susunduin ka na lang namin dun para maayos mo na yung mga gamit mo sa apartment mo !" sabi ni Chandria .

" Sige . Salamat mga Bestfriends ko ,lang babait niyo talaga wala na akong masabe !" sabi ko at niyakap ko sila .

" Haha .. Drama , sige na umalis ka na bago pa magbago isip namin !" sabi ni Chandria at umalis na nga ako papunta sa pinagtratrabahuan ko .

" Hey ! "

Si Dwilight na naman . Ano kayang kailangan nito ? Hayss .. Siguro pagtiyatiyagaan ko na lang tong lalaking ito wala naman na akong maggagawa eh boss ko siya at tauhan niya ko pero sana wag niya naman akong pahirapan kasi pati sa school ginagawa niya akong tauhan para ko na lang tuloy kinain yung sinumbat ko sa kanya noon na lahat kami pantay pantay kaya wala siyang karapatan pero ngayon inuutos-utusan niya ako sa harap ng marami . Hayss !

" Bakit ?"

" Sumabay ka na sa akin ?" aya nito . Sasabay ba ako o sasabay ?

" Baka may kaltas yan sa sweldo ko ?" mahinahon pero nakasigaw kong sabi .

" Oo na . Sumakay ka na walang kaltas sa sweldo mo ." inis nitong sabi . Bakit kaya siya naiinis ? Nabaliw na ata itong lalaking ito . Hindi na ako nagtatlong isip at sumakay na nga ako . Tahimik lang sa loob ng sasakyan hanggang makarating na kami .

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse nito ng mapansin kong ayaw bumukas . Bakit kaya ? tinulak-tulak ko pero ayaq pa rin .

" Makakalabas ka lang dito kapag sinabi mong may kapangyarihan ka !" nakataas ng kilay na sabi nito . Nakoo .. Ito na naman siya ano bang paki niya kung may kapangyarihan ako ? Pero kahit anong mangyari hinding hindi ko sasabihin sa kanya yung totoo .

" Wala nga akong kapangyarihan ! Bakit ba gusto mong malaman ?" inis din na sabi ko .

" Basta . Wala kang paki sabihin mo na lang sa akin yung totoo !" sabi nito at hinawakan ako sa braso sabay titig sa mga mata ko . Bakit pati mata niya nagtatanong din ?

" Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala , bahala ka ! Sisirain ko-----"

*Bogsh*

" Wag-----"

Bahala siya ! Nasira ko na yung salamin .. pero hindi man lang ako nasugatan buti na lang di niya nahalatang ginamitan ko iyon ng kapangyarihan ko .

" Ilabas mo na ako rito kundi pati tong harap ng salamin mo sisirain ko !" inis na sabi ko sa kanya . Gulat pa rin yung mata nito na nakatingin sa akin . Di nagtagal ay binuksan naman na nito yung pinto at lumabas na ako at di ko na siya hinarap pero sa tingin ko bumaba rin ito at nag-aalalang tinignan yung salamin na nabasag .

" Hoy ! Babae .. Babayaran mo tong binasag mo !" sigaw nito pero di ko na lang pinansin tinungo ko na si Ate Dana yung nag-interview sa akin kahapon .

When a Matchmaker Fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon