Chapter 1
Nagsimula lahat ng ito noon Grade 2 ako.
Kevin Bautista ang pangalan nya. Maputi, chinito, charming. Isa lang ang nagkulang sakanya.. Height.
Hindi ito naging sagabal dahil marami pa rin ang nakakapansin sakanya sa school namin kahit maliit sya.
Ako si Elaine Jacinto. Mahaba ang buhok, bilogin ang mata. Ang pinagkaiba namin ni Kevin? Oo tama, matangkad ako kaysa sakanya.
Malamang, kami magkatuluyan. Joke! Hahaha ilusyonada ka Elaine!
Pareho kami ng pinapasukang school at section. Pero hindi namin masyadong pansin ang isa't-isa. Hindi ko man nga alam na classmates pala kami!
Isang araw sa klase, kinausap ako ni Mrs. David.
"Elaine, sabihin mo kay mommy mo every wednesday hindi ka agad makakauwi ha? Kasi kailangan mong umattend ng special class.."
"Sige po teacher! sasabihin ko po kay mommy." sagot ko sabay takbo papuntang service.
Kinabukasan..
"Elaine, anong sabi ni mommy?" tanong ni Mrs. David
"Okay lang daw po ma'am. Kung makakabawi naman daw po ako bakit hindi." sagot ko sabay ngiti
"Osige ha see you later sa special class naten. Mag-active ka ha?"
"Opo ma'am!" at umalis na ako para kumain ng lunch
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Third Grade Love Letter (Short Story)
Short StoryNasubukan mo na bang mag-confess kay crush gamit ang sulat? Unang pagkakataon ni Elaine na umamin kay Kevin sa pamamagitan ng love letter. Hindi nya alam kung ibibigay nya ba ito dahil masyado pa silang bata para sa ganitong bagay. Ano kayang gagawi...