Chapter 5

26 1 0
                                    

"Uy Kevin! musta na?" sabi ni Aljohn

"Ayos lang naman ako. Ikaw musta? Di ba St. Joseph ka?" pagtatanong ni Kevin

"Oo..ehehehe sya nga pala Kev, may nagpapaabot nito oh" sabay bigay ng letter kay Kevin

Nakita kong tinanggap naman ni Kevin yung sulat. Nakita ko pa nga na binuksan nya e! Pagkatapos nun? Umalis na ko. Sapat nang makita kong natanggap nya yun no!!

Nang makabalik na ko sa place namin, ilang minuto lang bumalik na rin si Kevin.

"Hi Kevin, gusto mo?" Sabay abot ko sakanya ng french fries.

"Sige penge nga! gutom na din ako e!" saka sya kumuha ng fries

"Elaine.." Tawag nya sakin

"Oh?"

"Balita ko crush mo daw ako..?" Tanong nya

Nagulat ako dun! Hindi ako nakasagot agad. Na para bang nag-pause lahat ng bagay na gumagalaw pati oras!!

Nagka-tinginan muna kami ng kaibigan kong si Jan Roger bago ako nakasagot sa tanong ni Kevin.

"Ahh.. ehh.. hehehehehe.. san mo naman nabalitaan yan?" natatawa pa akong tanong sakanya

"Wala lang hehe. so ano nga?"

"Ahh yun. Hindi yon hehe. Hindi totoo yun! hehehehehe" pag-deny ko.

Ayoko naman kasing malaman nya yung totoo! at isa pa ayokong umamin! baka hindi na nya ako pansinin.

Ilang oras matapos ang paguusap naming yun, pumunta ako ng classroom namin kung saan andun ang iba naming classmates.

"Elaine?" sabi ng classmate kong si Jeff

"Oh?" sagot ko

"Gusto mong bumili ng pagkaen?"

"Ayoko. Ang init e! saka pagod na ko"

"Libre kita sige! nagugutom kasi ako e"

"Game! tara na!"

Basta libre syempre sasama ako! hahahahaha sayang yun e!

Naglalakad na kami ni Jeff papunta sa mga booths ng pagkaen. Nandun pa rin sa place nila si Kevin. Pano ko nalaman? syempre! Tinitignan ko sya e. Hihihi

Nakita kong nakatingin samin si Kevin habang kasama ko si Jeff.

Noong bumalik na ako sa place namin malapit sa place nila Kevin,

"Hi Kevin!" ngiting pag-bati ko.

Kaso, wala na.

Hindi na nya ko pinansin.

At yun na ang huli naming pagkikita.

END.

--

Hi guys! Isang short story po para sainyo! Sana po nagustuhan nyo!

Hint: Yung iba pong parts dyan ay totoong nangyari! hehehehe pero syempre yung mga names hindi na totoo :D

At salamat po sa mga readers!!

I love youuuuu mwaaaa mwaaaaa!! *heart-heart*

Third Grade Love Letter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon