*RIIIIIIIINNGGGGGGGG!*
Nagsitakbuhan na ang mga estudyante dahil sa tunog ng bell na nagsasabing tapos na ang lunch break.
Natapos ng mabilis ang klase nang hindi ko namamalayan.
"Okay class! See you all tomorrow!" Bati ni Mrs. David
"Goodbye teacher!!" Hiyaw ng mga classmates ko.
"Sa lahat ng mga aattend ng special class after nito, go to room 9, okay?" Pagiimporma ni Mrs. D
Sabay sabay na lumabas ang iba kong kaklase maliban sa mga magte-take ng special class.
Lumipat kami ng classroom para masimulan na ang klase..
Pinamulan ito sa pagpapakilala ng mga estudyante. Nasa 11 students kami ng araw na yun. Konti pa lang daw yun kasi unang araw ng special class.
May three rows ng upuan sa classroom. Naupo ako sa harapan ng second row at si Kevin naman ay nasa first row.
Magulo si Kevin ng araw na yun, ang kukulit kasi ng mga kasama namin kaya pati sya ay nakipagkulitan na.
Ilang wednesday na ang dumaan, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Kevin.
Pero nabago yon nung minsang nagpa-activity si Mrs. David dahil konti lang ang nag-attend.
Dahil walo lang kami na nagattend, tig-dalawa bawat grupo.
"Okay, first pair.. Jess Maniago at Emily Ramirez." Sabi ni Mrs. David
Sumunod naman.. "Camille Razon and Jasper Lacson" kaya nagsipuntahan na sila sa mga kasama nila.
Pero hindi ko inaasahan ang isang pair na tinawag ni teacher..
"Elaine Jacinto.. Saka si Kevin.."
Namilog ang mga mata ko ng marinig kong tinawag kami ni Mrs. David. Syempre wala naman akong ibang magawa kaya, go nalang!
Dahil sa isang activity na yun, nakuha naming magpansinan ni Kevin kahit hindi wednesday.
Isang hapon kinausap ako ni Kevin,
"Elaine, sabay na tayong umuwi?"
Hindi ko alam pero kinilig ako sa sinabi nya. Hindi din ako nakasagot agad dahil sa pagkabigla.
"Uy ano? Elaine! Sabay na tayo? Tara?" Sabi nya
"Ehehehe.. Oo sige sabay na tayo" sagot ko.
Nagawa pa naming magtakbuhan bago pumunta sa kaniya-kanyang service. Pero nagkita kami ulit sa tindahan ng hapon na yun.
"Elaine! Tara balik tayo sa loob ng school?" Aya niya sakin.
"Osige! Wala pa rin naman ibang kasama namin e.." Pag sang-ayon ko sakanya.
Habang naglalakad kami pabalik ng school, hinawakan nya ang kanang kamay ko.
Bigla akong nanigas! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Mygaaahddd Elaine! Anu yan!!!! Ang bata bata mo pa!!
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Third Grade Love Letter (Short Story)
Short StoryNasubukan mo na bang mag-confess kay crush gamit ang sulat? Unang pagkakataon ni Elaine na umamin kay Kevin sa pamamagitan ng love letter. Hindi nya alam kung ibibigay nya ba ito dahil masyado pa silang bata para sa ganitong bagay. Ano kayang gagawi...