Chapter 3

36 0 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga sandaling yon. Ramdam ko ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko din nga, pawis na ang palad ko sa kaba.

Naglalakad lakad pa kami sa loob ng school..

Gaya nga ng sabi ko maraming nakakakilala sakanya. Bakit ko nasabi? Kase may mga lumalapit sa aming mga babae na nasa ika-anim na baitang at mga high school students.

Nakaramdam ako ng pagkainis. Kaya bumitaw ako sa pagkakahawak. Hindi naman nya napansin dahil sa busy sya sa mga babaeng lumalapit.

Grrrr! Nakakainis naman Elaine!

Bat ganun!! Moment namin to e! Tsk

Nagawa kong mauna sakanya, pero agad din naman ay hinabol nya ako.

"Bat naman iniwan mo ko, Elaine?" tanong nya

"Hmm.. wala lang. hehe" tipid kong sagot

Hinawakan nya ulit ang kamay ko na sya namang ikina-gaan ng loob ko.

Haynako Elaine! Selos much lang?

Wala kang K! ano ba naman!

Habang kinakausap ko ang sarili ko,

"Elaine, kiss mo nga ako." sa paraang pa-utos nyang sabi.

"Huh?" Lang ang naisagot ko

"Kiss mo ko. Dito lang o? sa pisngi" turo nya sa kanang bahagi ng pisngi.

Naunahan ako ng hiya kaya ang tanging naisagot ko lang ay "Baka may makakita satin!"

"Hindi yan! wala yan!" pagsuway nya.

"Ehh.. Nahihiya ako!"

"Tsk tagal naman e! Ako na lang nga!" sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

Nagawa ko nang makauwi ng bahay pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyare. Mygaaaaaassshhh Elaine!!! Ang haba ng hair mo!!! May pa-kiss kiss ka pang nalalaman!! Ikaw na!!

****

"Welcome Grade Three Students!"

Yan ang bati samin ng head teacher ng mga Grade Three Teachers.

Oo, grade three na kami.

Si Kevin? Hindi na kami naguusap ulit. Parang noong mga panahon lang na hindi kami nagpapansinan. Ang nag-bago lang, nagkaroon ang ng crush sakanya.

Magka-iba na rin kami ng section. Classmate nya ang pinsan ko. Si Theresa. Alam ni Theresa na crush ko si Kevin.

"Kevin may tatanong ako sayo" sabi ni Theresa

"Ano yun?"

Itutuloy...

Third Grade Love Letter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon