Chapter 4

31 0 0
                                    

"May crush ka ba sa mga ka-batch naten?" Tanong ni Theresa

"Hmm.. meron" sagot ni Kevin

"Sino? nasa section ba naten?"

"Wala.."

"E sa klase ng St. Joseph?"

"Hmm.."

"Aba mukhang meron dun ha.." paniniguro ni Theresa.. "Sino naman?" pahabol na tanong nya

"Secret!" sagot naman ni Kevin

"Isa isahin naten!" at nagsimula nga sa pag-bilang at panghuhula si Theresa..

Nabanggit na nya lahat ng babae sa klaseng iyon kung saan kabilang si Elaine. Pero wala pa rin syang nakuhang kumpirmasyon mula sa batang lalaki.

"E si Elaine? Siguro sya crush mo no? Uyyyyyyyyyy!" panunukso nito

"Hmm ewan. Secret!"

Lumipas ang ilang araw, linggo at buwan. Hindi kami nagpapansinan ni Kevin. Masusulyapan ko lang sa kapag pupunta sya ng boy's comfort room dahil dadaanan nya ang classroom namin.

Habang tumatagal lalo ko syang nagugustuhan. Lalong nyang napapangiti ang bawat araw ko na nakikita ko sya..

Naka-isip ako ng isang bagay para masabi ko sakanya ang nararamdaman ko. Kinausap ko ang bestfriend kong si Clarissa kung anong magandang gawing pagko-confess.

"Hmm! alam ko na! Buti pa bigyan mo sya ng love letter!!! naku magiging okay yun!! ang sweet kaya nun di ba?!" sabi niya

"E hindi ba parang nakakahiya yun?" tanong ko

"Hindi yan! dun mo nga mas malalaman e!"

Napagisipan kong mabuti kung gagawan ko ba sya ng love letter at kung kailan ko ibibigay.

Isang araw, napatingin ako sa labas ng classroom dahil may dumaan. Pasimple ko syang tinititigan sa pag daan nya..

Pakiramdam ko nag-slow motion lahat ng bagay sa paligid habang lumalakad sya..

Hindi ko alam kung napapansina nya ako sa tuwing pagmamasdan ko syang dumaraan pero wala akong chena! Basta makita ko sya, solve na! Hahaha!

** FOUNDATION DAY ng school

Nagpipicnik lahat ng mga students sa ilalim ng puno, sa playground, sa quadrangle at sa kung saan pa pwedeng maglatag ng sapin o banig.

Dahil trip ng tadhana na paglapitin kami,

"Hi Elaine, andito din pala kayo nakalugar?" isang pamilyar pero cute na boses ang narinig ko mula sa likod

"Haynaku Elaine! Pag nga naman sinuswerte ka!" Pang-aasar sakin ng isa kong kaibigan.

"Hi Kevin" bati ko sakanya "oo dito kami, maganda kasi dito saka presko." ngiti kong sagot

Matapos ang ilang oras, nakita kong umalis sya para bumili ng pagkain. Kumuha ako ng tyempo para maibigay sakanya ang letter ko nang walang makakakita.

Dahil sa hindi ko magawang ibigay ng personal, pinaabot ko na lang sa classmate kong lalake.

"Aljohn!!!" Sigaw ko

"Huh? ako ba?" tanong ni Aljohn

"Sino pa ba?? Halika dito! may ipapaabot lang ako kay Kevin"

Nakita kong kinausap ni Aljohn si Kevin at saka iniabot ang sulat.

Itutuloy...

Third Grade Love Letter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon