*dugdug* *dugdug* *dugdug*
Tibok ng puso ko lamang ang naririnig ko sa loob ng klase. Paano ba naman, fourth year high school na kami may nap time pa? Tinatamad lang naman yung prof namin magturo e. Kung dinismiss niya nalang kami masaya pa.
*toktoktok*
Tiringinan mga kaklase ko. Shempre pati ako sa pintuan.
"Ma'am, can i excuse Ms. Alzaga for a band practice?" Sabi ni Zhi.
Si ZHI GUIDOTI nga pala. My Ultimate Crush since Grade 7. Ang fogi kase e. Ang galing niya rin mag gitara. Siya ang lead guitarist ng banda. Though makulit siya, pilyo ikanga pero sa apat na taon kong pagkakakilala sakanya, mapagmahal siyang anak at kapatid. Siya na nga yung tumayong tatay sa kanila e. Kase busy ang daddy niya sa ibang bansa at sa babae. Hayy, napapatulala ka nalang sa angking kagwapuhan niya. With his messy-hair looks, yummy!
"Hello? Ms. Alzaga! You're disturbing the nap time. Kanina pa kita tinatawag para iexcuse ka, ayaw mo?" Sabi ni Prof.
Hala. Tulala ba ko kanina? Wag naman sana
Tumayo na ako at agad na lumabas.
"Band practice?" Tanong ko agad kay Zhi.
"Ahh, yea. Pinatawag ako ni madam principal. Magkakaroon daw tayo ng celebration dahil napili ang school natin na mabigyan ng award dahil sa katalinuhan at kabaitan ng mga estudyante. So, may mini concert na gagawin ang school. And, we're the highlight" sabi niya sabay ngiti.
"Oww. I see. Napakasosyal naman" sabi ko habang may hinahalungkat sa bag
"Ano ba hinahanap mo?" Tanong niyang nagtataka.
"Urgh!! Nawawala yung chocolate ko! Di ko mahanap e" sabay pout. Gutom ako promise. Nasaan na kaya yun
Tumawa siya at tigtap ang ulo ko. "Ang cute mo". Sabay wink
Is this real! Omo omo. Kaasar. Pafall!!!
Nakaabot na kami ni Zhi dito sa music room. Tamang tama. Andito na rin mga kabanda ko. Hayy natutuwa lang akong makitang kumpleto ulit kami.
Si MIKE ROSALES,rhythm guitarist ang pinaka pilyo sa banda. Ang ever loyal sa girlfriend niya. Hahaha.
Si ANDREW BARCELON, pianist. We often call him "Drew" for short. He's the lover boy of our band. Lover boy kase, isang dosena ang minamahal sa araw araw.
Si ARIEL CIAS, bassist. the silent but deadly one. Di naman siya utot haha pero napaka dami niya kaseng alam e, pero nga di siya madaldal. Napakatalino nga e.
Shempre nagtataka kayo kung sino ako diba? Hahaha
Im NICKI ZAE ALZAGA, they call me "Zack" for short. Drummer ako ng banda namin. Im sweet, char. Di naman. Ako ang only girl dito. Pero one of the boys kase hindi ako babae gumalaw. I came from a rich family. Known rin for the good voices. Famous sila ate and mommy. We own a company that produces recordings and albums. Inshort, music lover ang family ko. But there's one thing i dont want to try and that is TO SING.
***
"Etong dalawa oh! Late nanaman. San ba kayong room nagdate?" Biro ni mike at tumawa naman ang lahat bukod sakin.
"Date lang ba? Hahaha baka date lang" sabat ni Drew.
"Mga loko! Inexcuse ko lang tong si Zack" pag suway naman ni Zhi.
"Halika na nga, magpractice na tayo. Dami niyong alam e" sabi ko.
Ewan ko ba ha. Pero sa tuwing inaasar nila ako kay Zhi, natutuwa ako. ehe.
"Hala kayo. Napipikon na si Zack" pabiro ni Ariel. Sabay wink sakin. Isa ring loko
"Heh! Ano ba tutugtugin?" Seryoso kong tanong.
" yung kinompose ni Zhi" sabi ni Mike
"Ha?" Tanong ko
"Ay oo nga pala. Di ko nasabi sayo kanina. Pinarinig ko na to kila Mike e, nagustuhan naman nila. Composition ko" sabi ni Zhi na mukhang kabado.
"Asan ba?" Tanong kong cold
"Ah eto oh" tas inabot niya sakin yung earphones na nakakabit sa phone niya
Mahal kita, mahal na mahal kita
Ngunit hindi masabi ng harapan
Itong nararamdaman, nakatatak sa puso't isipan
Alay ko sa'yo itong kanta"Ah okay na yan" sabi ko at pumunta sa drum set para pag aralan yung beat nung kanta.
"Pero Zack" sabay tingin sakin ni El
"Ah bakit? Ayaw niyo ba nung kanta?" Tanong ko
"Hindi. Walang kakanta e" sabi ni El
"Ay! Nako. Oo nga pala. Naglipat ng school si Edward. Alam ko na! What if si Zhi nalang ang kumanta. Tutal siya naman yung nag compose e" suggestion ko na may malaking ngiti.
"NO WAY" sabi ni Zhi. "Guys, composition ko lang yan. Pero di ako marunong kumanta. Alam niyo naman yan diba." Sabi niya
"Eh sino yung kumanta sa phone mo?" Tanong ko
"Si Leo. Yung barkada natin Ariel. Sa basketball" sabi ni Zhi
"Infairness naman ah. Ang ganda ng boses niya" compliment ko
Tumabang naman yung aura ng mukha ni Zhi.
"Edi siya nalang talaga yung pakantahin natin. Total, maganda naman talaga boses non. Puntahan ko lang ah. sasabihan ko" seryosong sabi ni Zhi
"Thank you!" Sabi ko naman
Lumabas na siya at hinila ako ni Drew.
"Aray!" Sabi ko
"Zack ano bang problema mo? Nakita mo yun? Tumabang aura ni Zhi dahil pinuri mo yung boses hindi yung kanta" sabi ni Drew
"Im sorry. Di ko naman alam na sensitive siya" sabi ko.
Lumabas silang tatlo.
Fine. Ang OA ha. Pero bakit naman siya ganon. Like, kanta lang yun! Porket hindi napansin? Porket hindi nacompliment? Tss.
BINABASA MO ANG
Nathalie
Romance"I tried my best not to lie. But i guess, my best wasn't enough" Lahat ng tao, may tinatago. Maaring hindi halata at imposible, pero lahat ng bagay kahit na imposibleng matago, ay nagiging posible kung kailangan. Lalo na kung pati ang pagkatao mo ay...