CHAPTER 3

5 1 0
                                    

3rd Person

Nagmumukmok si Nathalie sa gilid at umiiyak.

"Gusto ko nang umuwi. Namimiss ko na si mama."

Patuloy ang pag hagulgol ni Nathalie sa gilid ng kalsada.

----

Zack's POV

"Zack, diba si Monique yon?" Tanong sakin ni Leo habang pauwi na kami.

He insisted na ihatid ako kase babaepa rin ako. Nagabihan na kase kami sa band practice. We only have 4 days para magpractice at di pa namin perfect yung itutugtog. Anim kase ang tutuhtugin namin

"Oo. Tara puntahan natin" sabi ko kay Leo.

Galit ako kay Monique kase sinaktan niya si Zhi. nakita ko kung panong wasak ang buhay ni Zhi nung nawala sila ni Monique. Tas ngayon na okay na si Zhi, babalik siya? What for! Pero since babae siya at naka mini skirt kailangan namin siyang puntahan ni Leo.

"Monique" sabi ni Leo.

Tumingin naman si monique. Laking gulat namin nang punong puno ang mukha niya ng luha.

"Anong nangyare sayo?" Gulat kong tanong.

"Wala to Zack." Sabi niya at ngumiti.

"Are you sure? Why are you crying?" Tanong ko sakanya habang di ko inaalis ang mata ko sakanya.

"Yea i'm fine." Tumayo naman siya at pinunasan ang luha.

Sakto namang may isang magarang kotse ang nagstop sa unahan namin. May lalaking lumabas na matanda na. Siguro 60 plus na ang edad. Naka black suit siya at mukhang mayaman.

"Monique, umuwi na tayo." Sabi nung matanda

"Yes po" sabi ni monique at lumapit sa matanda.

Papasok na siya ng kotse pero tinignan niya lang kami. Hindi siya ngumiti o nagpasalamat pero tinignan niya lang talaga kami. Pagkatapos, sumakay na siya pati yung matanda at umalis na.

"Sa tingin mo, anong nangyare kay Monique?" Tanong sakin ni Leo.

"Sa totoo lang, di ko alam. Alam mo namang galit ako sakanya diba, kase sinaktan niya si Zhi." Sabay inirapan ko si Monique kahit wala na ito.

"Hmm. Anf swerte talaga ni Zhi. Bukod sa binalikan siya ng sexyng monique, may mapagmahal pa siyang admirer. Tulad mo" aniya.

"So anong ibig mong sabihin leo,
Na di ako sexy?" Sabi ko sakanya habang naglalakad na kami pauwi. Tss lagot ako kay tita nito.

"Ay ikaw nagsabi niya ah. Hahaha!" Sabay halakhak. Nakakainis talaga to.

Pero infairness sakanya ah. Magtotwo weeks ko pa lang siyang kilala pero ang gaan na ng pakiramdam ko sakanya.

Inirapan ko siya at nakasimangot hanggang sa nakaabot kami sa bahay ng tita ko.

"Ang yaman niyo naman pala,
Zack. Grabe. Alam ko naman dating mayaman talaga kayo pero ang ganda ng bahay niyo." Sabi niya habang nakatulala lang. Nakakatawa siya tignan habang ganon ang reaksyon niya. Lol

"Hmm.kay tita to e.." Sabi ko.

"Talaga? Bakit ka dito nakatira"Tinignan ko lang siya.

Sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan si Leo. Sa loob ng isa at kalahating linggo, na-gain niya na ang trust ko.

"Eh kase Leo,lu--" hindi ko naipatuloy ang sinasabi ko kay Leo kase may tumawag sakin.

"Nicki Zae Alzaga!" Muntik nakong mapatalon. Ghad, 9:00pm na pala. Paktay

"Naku leo! Ikwento ko nalang next time ha. Mapapagalitan ako ni tita" sabi ko sakanya at tumakbo papasok ng mansyon.

Kung ako lang, galit ako kay tita. Hindi sa pagrerebelde ko o anu pa man basta galit ako sakanya. Dahil sakanya, nasira ang lahat. Ang pamilya ko, ang buhay ko, ang pagkatao ko. Hindi ko masabing kabit siya kasi kasal rin sila ni papa. Mabait siya sakin, pagmay kailangan at kapag nandiyan si daddy. Mapagmahal siguro siya, kay daddy at sa only child nila. May galit rin ako kay dad. Sabi niya mahal niya si mama pero di nita kami pinaglaban. Nandito lang naman ako kase ayokong maghirap kami ni mama. Kaya yung perang binibigay sakin, binibigay ko kay mama.

"Anong oras na Zack?! Bakit nakikipaglandian ka sa mga lalaki?! Tandaan mo Zack di lang pangalan ng papa mo ang dala dala mo."samvit niya habang galit na galit.

"Sorry po tita. Di na po mauulit" sabi ko.

"At di na talaga muulit dahil makakararing to sa daddy mo!" Sabay walk out at pumanhik na sa taas.

Nasa ibang bansa daddy ko. Sabi niya para daw sa company namin sa ibang bansa. May branch naman company namin dito sa Phil. Pero hindi ako naniniwala. Alam kong ginawa niya yon na paraan para makatakas sa problema dito. Upang takasan ang bibig ni tita at guilty niya sa ginawa niya samin ni mama.

Andito na ko sa kwarto ko. Naghihintay na mag umaga para makaalis. Ang hirap na hindi maging ikaw. Sobrang hirap.

****

"Ma'am Zack, may pasok pa po kayo" naalimpungatan ako nung narinig ko yung maid habang kumakatok. Umaga na pala.

"Okay" at tumayo na ko sa kama ko. Sakit ng mata ko namamaga siya tss.

Pumunta na ko sa bathroom at agad na nagshower. I dont do make ups. Oo naman, pero light lang. Yung tipong kilay, pulbo tapos light na lipstick lang. Yun lang. Inayos ko na ang kulot at mahaba kong buhok atsaka lumabas.

"Ijaa, I'm sorry kagabi. I'm just protecting your name and your father's name" sabi ni tita habang nakaupo na sa dining area.

"I understand tita. Sige po mauuna na po ako sa school" sabi ko. Tumalikod na ko  nang magsalita si tita.

"Aren't you going to eat?" Tanong ni tita.

"Sa school nalang po." Sabi ko

"No. You seat down" napanganga nalang ako sa asal ni tita. Biglang nagbago ang aura niya nung nakita niyang nagulat ako "I have something to tell you'' mabait niyang sabi.

Agad naman akong umupo. Nakakatakot siya.

NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon