" Mahal kita, mahal na mahal kita
Ngunit hindi masabi ng harapan
Itong nararamdaman, nakatatak sa puso't isipan
Alay ko saiyo itong kanta ""Yun oh! Nice one bro!" Sabi ni Drew kay Leo.
"Welcome to the band, dude!" Sabi rin ni Ariel.
"Oh bili lang ako ng snacks. Sino sasama?" Pagyayaya naman ni Mike.
"Tara bro!" Sabi ni Drew.
"Sama ako!" Humabol si Ariel sa dalawa.
Kanina pa tong si Zhi nagkakalikot nung gitara niya ah.
"Himala, di ka sumama dun kila Mike" pagkausap ko sakanya habang papalapit sakanya
"Wala kase sa tono tong gitara. Kailangan ko itono" sabi niya
"Ahh ganon ba" sabi ko "uyy! Congrats Leo! Ang ganda ng boses mo" sabay lakad papunta kay Leo.
"Ah salamat. Inspired e" sabi naman niya
"Naks. Love life?" Sabi ko
"Hindi pa naman. Manliligaw palang" sabi naman niya
"Ang swerte naman ng liligawan mo. Sa ganyang boses, nako. Maiinlove talaga yun" sabi ko sabay wink sakanya
"Nga pala. Kinausap ako ng Principal natin na 2 weeks preparation lang tayo. Tapos sa beach daw tayo magmimini concert" sabi naman ni Zhi
"Beach? Masaya yun!" Nagulat kami ng magsalita si Monique. Siya lang naman ang ex ni Zhi. Varsity ng volleyball. Sexy, maganda, maputi, brown hair, pero maarte.
"Monique?" Tanong ko
"Sino pa ba?" Pagpipilosopo niya
"Monique, anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito." Pagsusuway ni Zhi
Alam niyo, kung nakikita niyo lang ang mata ni Zhi, isa lang ang masasabi niyo. Malungkot siya. Oo nga gwapo siya, mayaman, pero sobrang lungkot ng mga mata niya.
"Zhi, dont you miss me?" Tanong ni monique. Pacute ang aso.
"Halika na nga dito" tapos lumabas silang dalawa ni Monique sa room.
"Inlove pa si Zhi noh?" Tanong naman ni Leo sakin
"Parang" sad kong sagot.
"Alam mo, naiinis ako kay Zhi sa totoo lang" sabi niya
Tinignan ko lang siya na parang bakit
"Kase ang manhid manhid niya" cold niyang sagot habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas sila Zhi
Kumunot naman noo ko at tinignan lang siya.
"Alam kong may gusto ka kay Zhi. Kita sa mata mo e. Ang ipinagtataka ko lang, bakit binabalewala yun ni Zhi" sabi niya
"Kase siguro ayaw niya masaktan ulit" sabi ko
"It's all about the pain. Walang nagmamahal na di nasasaktan" sabi niya at tumingin sakin
I smiled nalang para matapos na ang conversation. Baka kung ano pang masabi ko dito e.
"Guys! 2 weeks preparation nalang daw!'' Pasigaw na sinabi ni Mike
"Ay oo nga pala. Sinabi na yan samin ni Zhi." Sabi ko
"Hahahaha! Huli nanaman sa balita!" pabiro na sinabi ni Ariel habang tinuturo si Mike.
"Pero bakit daw?" Sabi naman ni Leo
"Kase hindi na concert lang ang gagawin. We have camp for 3 days and 2 nights!" Sabi ni mike
"Wootwoot. Girls, here i come" sumigaw si Drew
"Loko!" Pagsuway ni Ariel.
Tawanan kaming lahat.
"Hello guys!" Tinginan kaming lahat sa kung saan galing ang boses na yun. Kay Monique.
"MONIQUE?" sigaw nung tatlong bagong dating
"Kayo naman. Hahaha parang bago. Palagi naman ako nandito dati for band practice niyo ha" sabi niya
"Dati yon" bulong ko sa sarili ko
"Ano Zack?" Tanong ni Monique
"Wala monique"sagot ko naman
"Nga pala guys. Pagdating don sa beach na sinasabi nung Principal. Lets drink! May announcement ako!" Tuwang tuwa niyang sinabi
"Bawal ka uminom" seryosong pagpipigil ni Zhi kay Monique
"Oops. Sorry" ngumiti lang si Monique
"Amoy balikan" biro ni Mike sabay tawa
"ARAY ZACK!" pabiro naman ni Drew sabay hawak sa dibdib niya. Sa may parte ng puso
"Ha ha" sarcastic kong tawa sabay tinarayan sila
---
Bakit ka pa ba bumalik Monique?
---
Iiwan mo lang siya ng basta basta tapos ano? Babalik ka rin lang ng basta basta? Psh
---
3rd person's POV
"Sa beach po kasi yun. Payagan niyo na po ako please" nagmamakaawang pagpapaalam ng isang babae.
"Nathalie, ija. Basta ba't iingatan mo ang pangalan natin. Papayagan kita" sabi ng isang matandang babae
"Salamat po" sagot naman nito.
Umalis na si Nathalie at patuloy na nagmumukmok. Itinatago ang kanyang sarili sa loob ng kanilang Unibersidad sa loob ng apat na taon. Wala siyang magagawa dahil iyon lang ang natatanging paraan. Mali at masakit man sa paningin ng tao, ngunit ito ang tama para sakaniya.
BINABASA MO ANG
Nathalie
Romance"I tried my best not to lie. But i guess, my best wasn't enough" Lahat ng tao, may tinatago. Maaring hindi halata at imposible, pero lahat ng bagay kahit na imposibleng matago, ay nagiging posible kung kailangan. Lalo na kung pati ang pagkatao mo ay...