Hanggang ngayon tulala pa rin ako sa sinabi ni tita. I dont know what to say or what to react. Ang hirap mag decide.
"Uy Zack!" Tawag sakin ni Leo.
"Hmm?"
"Kanina pa kita tinatawag. May practice tayo" sabu niya habang tinitignan niya ako.
"Ah talaga? Eh, asan si Zhi?" Tanong ko na agad niyang ikinasimangot.
"Nandon na sila ni Monique sa music room. Bakit?" Sabi niya
"Hmm Monique nanaman. Wala naman, si Zhi kase palagi nagsusundo o nag iinform sakin kapag may band practice o kaya announcement"sabi ko at ngumiti.
"Ahh ganon ba? O edi masanay ka na na ako ang mag iinform sayo. May bonus pa! Ihahatid kita" sabi niya sabay kindat.
Alam niyo, kung walanf Zhi Guidoti? Siguro inlove na ko kay Leo. Bukod sa gwapo siya, sobrang bait niya kahit bago palang kaming magkakilala. Etong si Zhi, nung mga bago palang kaming magkakilala e ang supla suplado na. Tss pero sayang. Sabi niya may nililigawan siya e. Tsaka ako, engaged din ang heart ko kay Zhi. Kahit engaged na rin ang heart niya kay Monique.
Inirapan ko nalang si Leo at baka mahulog pa ko sakanya. Lol di pwede! I am Zhi's property.
"Oh andito na pala ang isa pang bagong love team!!wohoo! Sigaw ni Mike.
Nagtawanan lang kaming lahat. Hindi sa gusto kong inaasar nila ako kay Leo pero dahil sa yun ay katuwaan lang.
"Enough" matikas na sabi ni Zhi. "Let's start. We dont have enough time. 3days to go and maga camp na at magpeperform na tayo" sabi niya pa.
E ano bang problema ng lokong to? E dati naman sumasabay siya sa trip.
"Zhi, nagpaalam na ko kay mommytita and she said yes. Makakasama ako sa camp! Thank you for helping me! Alam mo naman na sayo lang may tiwala yun" tapos nagulat kaming lahat ng niyakap niya si Zhi.
Pero mas nagulat at napanganga ako at si Monique nang kinalas yun ni Zhi.
What happened?!! Diba patay na patay siya kay Monique?! Aba nagbabaliktad ang mundo. Hahaha!
"Ehem lika na bro" sabi naman ni Ariel.
Pumwesto na ang lahat sa kanikanilang pwesto. Ayos na kami. Si Monique naman nakaupo lang dun sa harap ni sa mismong harap talaga ni Zhi tas naka tutok yung mata niya kay Zhi. Nagsimula na kaming tumugtog at umawit naman si Leo. Naisip namin ikanta yung "Akin ka nalang" ng itchy worms para makikulitan tong mga boys habang nagtutugtog.
"Iiwan ka lang niyan, mag ingat ka..."
Medyo awkward kase tinitignan ako ni Leo habang kumakanta.
"Go pare! Ivigay mo na!!" Sigaw ni drew nung maga chorus na.
At laking gulat ko nang kinuha ni Leo ang mic sa stand at pumwesto sa harapan ko habang tumutugtog ako.
"Akin ka nalang... Akin ka nalang... Iingatan ko ang puso mo... Akin ka nalang... Akin ka langgg... Wala nang hihigit pa sayo"
Hindi ko alam pero uminit ang pisngi ko at pumula. Ayaw. Ayaw ko kay Leo hindi dahil sa ayaw ko sakanya. Ayaw ko kay Leo dahil ayokong masaktan ko siya. Ayokong mahalin siya nang mahal ko pa si Zhi.
Natapos ang practice namin habang yun ang nakatatak sa isip ko. Ako ba ang nililigawan ni Leo? Manhid ba ko para di ko yun maramdaman? Sa buong pag practice namin. Simula nung makilala ko siya, siya ang naghahatid sakin pauwi ng bahay. Walang palya. Paano? Paanong hindi ko yun nakita? Ang mahirap pa, ayokong balewalain ang feelings niya saakin kase sa buong apat na taon, binabalewala lang ni Zhi ang feelings ko sakanya. Alam ko kung gaano yun kasakit pero hindi pwede dahil ayokong masaktan siya pag nalaman niyang pinatulan ko siya pero si Zhi pa ang mahal ko. ARGHHHH! sarap sumigaw! Baka overthinking ako? Haist
"Oh pano Zack,Leo,Monique,Zhi uwi na kami?" Sabi ni Ariel. Kasama niya naman si Drew at Mike
"Bye!" Sigaw ko
"Dating gawi?" Tanong ni Leo na halos makita na ang 32 teeth sa ngiti niya.
Natawa nalang ako. Nahihirapan ako. Gusto kong sabihin na wag na kase ayoko nang paasahin pa siya. Pero ang hirap.
"Zack, pwede ba kita makausap?" Nagulat ako nang biglang lumapit si Zhi saakin.
"Ha? Tungkol saan?" Sabi ko naman
Tumingin siya kay Leo at Monique na para bang inaabangan yung sasabihin niya.
"Wag dito" sabi niya ng seryoso ang mukha
"Ha? Ah eh, gabi na. Mapapagalitan nanaman ako ni tita" sabi ko. Seryoso, gusto ko siyang makausap at nacucurious rin ako sa sasabihin niya. Pero 7:30 na ohh
"Edi ihahatid kita sainyo. Tapos habang naglalakad tayo sasabihin ko na sayo" sabi niya. May point siya pero naisip ko si Leo.
Tumingin ako kay Leo. Aambang magsasalita palang pero nagsalita na siya.
"Sige na Monique. Mukhang importante yan e" sabay ngiti ni Leo
Ang bait niya sobra. Nakakawasak ng puso dahil masasaktan ko siya
"Zhi paano ako!?" Sigaw naman ni Monique
"Ako nalang maghahatid sayo, monique" pag alok ni Leo.
"No way!!" Sabi niya at tumingin kay Zhi. "ZHI!!! I dont want to be with him. Tsaka baka rape-in ako niyan!!" Sabi niya
"Oyoyoy feeler ka rin ah! Kung ayaw mo di wag" sabi ni Leo at naglalakad na palabas pero napatigil siya nang magsalita si Zhi.
"Leo" sabi ni Zhi "pwede pakihatid muna si Nik?(preferring to Monique) tapos tumingin siya kay Monique "Nik, sumama ka na muna kay Leo. Kaibigan ko yan. Mapagkakatiwalaan. At wag mo rin aawayin" sabi ni Zhi
Padabog na lumabas si Monique. Pero narinig pa namin si Leo na inaasar ito.
"Kita mo, sa kaartehan mo napadpad ka saking walang pake sayo" sabay halakhak
Nakakatawa sila. Naka smile lang ako pero napawi ngiti ko nang naalala ko na I'm with Zhi.
"Akin na yang gamit mo" sabi ni Zhi at kinuha na yung bag ko.
Hindi niya man lang hinintay na sumagot ako. Kinakabahan ako sa sasabihin niya saakin.
Naglakad na kami palabas. Hinihintay ko siyang magsalita pero wala. Ano ba to. Kala ko pa naman may sasabihin. Nilalaro ko nalang yung drumsticks ko. Siya naman naawa na ko kase dala niya yung electric guitar niya na nakasabit sa isang shoulder niya tapos yung backpack niya sa isang shoulders tas yung bag ko nasa unahan niya niya sinabit. Di ko alam trip nito pero nattawa nalang ako.
"Hmm. Kamusta ka na Zack?" Tanong niya sakin.
Totoo ba to. Hindi ako sanay pero.
"Oo. Bakit? Ano pala yung sasabihin mo?" Tanong ko sakanya.
"Boyfriend mo na ba si Leo?" Tanong niya na ikinagulat ko.
"Hindi!" Agad ko naman siyang sinagot.
"Wag mo siyang magugustuhan ha? Ako nalang" Napatigil ako sa sinabi niya kaya tumigil na rin siya.
BINABASA MO ANG
Nathalie
Romance"I tried my best not to lie. But i guess, my best wasn't enough" Lahat ng tao, may tinatago. Maaring hindi halata at imposible, pero lahat ng bagay kahit na imposibleng matago, ay nagiging posible kung kailangan. Lalo na kung pati ang pagkatao mo ay...