Nakaka excite mag sulat. :) Salamat po sa pag follow. Kayo po ang inspirasyon ko. God bless all ! :)
---------------------------
I gently comb my hair again and check my face in the mirror, ng makuntento ko I decided to go out in my room na. Pakanta kanta pa ko habang bumababa sa hagdan.
Ang tahimik, maaga siguro umalis sila Dada at Mama para mag trabaho. Kinuha ko ang susi na nasa table ng makarating ako sa sala. Sumilip muna ko sa kusina. Nakita ko si Niegel na kumakain ng almusal nya siguro, gulo gulo ang buhok at wala halos sa ayos ang suot na pajama. Akala mong biktima ng rape ang ayos nya.
"Good morning Kuya !"masigla kong bati. Tinignan nya lang ako gamit ang inaantok nya pang mata. Anong oras na kaya ito natulog kagabi ?
Kumuha ko ng baso at nag salin ng fresh milk. Ininom ko agad ito at iniwan na lang ang baso sa lababo.
Hinalikan ko si Niegel sa pisngi bago bumulong ng pamamaalam.
"Alis muna ko. Bye."at tumakbo na ko ng mabilis palabas without looking on his reaction.
Muntik ko pa mabunggo si Nana Violy na papasok naman ng front door.
"Ayy jusmiyo kang bata ka. Bakit ba nagmamadali ka ?"
"Oppps. Sorry Nana."at nag wave ako sa kanya ng kamay bilang pag paalam bago sumakay sa kotse. Hinagis ko ang bag na dala ko sa back seat at umupo ng maayos sa drivers seat. Minaobra ko ang kotse palabas ng gate. Kailangan ko magmadali.
Three.
Two.
One.
Napangisi ako ng matanawan ko si Niegel at tumatakbo sa direksyon ko. Huminto ako ng ilang saglit, ng matansya ko na ang lapit nya sa akin ay tsaka ko pinasibat ang kotse at nag iwan ng usok. Tatawa tawa ako ng makalayo ako sa amin. Sorry bro. Tinakas ko lang naman ang kotse nya. Since wala naman talaga ko sariling sasakyan.
Balak ko kasi mag libot muna bago pa man kami mag pa enroll ni Niegel sa darating na Lunes. Binuksan ko ang bintana ng kotse ng mag stop light. I slowly breath in and out, sinasamyo ko ang amoy ng aming lugar. Nakakamiss talaga. Napangiti ako ng makita ang maliit na coffee shop na hanggang ngayon pala ay nandito pa din. Madalas ako dumaan doon kada uwian namin noong nag aaral pa ako ng elementary. Humihinto ako sa mismong salamin na bintana ng coffee shop para lang pagsawain ang mata ko sa mga cake na tinitinda ng kapehan na iyon. Tuwang tuwa kasi ko sa mga disenyo ng cake nila. Halos kilala na nga ata ko ng tauhan doon dahil nginingitian nila ko at minsan pang nabigyan ng cake na pinabibigay ng may ari daw ng kapehan.
Mahinang busina sa likod ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nag go na pala. Pinaandar ko na muli ang sasakyan kasabay ng pag tunog ng cellphone ko na nasa ibabaw lang ng dashboard. Napangisi ko ng makita kung sino ang tumatawag. Sinuot ko muna ang earphone ko bago ko sagutin ang tawag.
"Oppa."malimbing kong sagot.
"Oppa ka dyan ! Oppakan kaya kita."gigil na sabi ng nasa kabilang linya na nagpahagikgik sa akin."Where do you think you're going with MY car ?"pinakadiinan talaga ang my.
"Easy Niegel. Hiniram ko lang naman, ibabalik ko din."
"Arghhh ! Isusumbong kita kay Dada for bringing my car without me and my permission !"inis na sabi nya na lalo nagpatawa sa akin.
"You can't do that bro."
"Huh? Try me September!"
Tsk. Mukhang wala na ko choice kundi gamitin ito sa kanya.
"Okay. Sabihin mo kila Dada pero sasabihin ko din kung anong nakita ko dito sa kotse mo."naghahamon kong sabi.
Narinig ko ang malakas nyang pagmura sa kabilang linya bago sya nag salita muli."Tsk. Hindi sa akin iyan!"
"Weh?"di ko paniniwalang sagot."Eh ano itong sticky note na may nakasulat pang Thanks for bringing me in sky full of lighters Niegel sweetheart."inartehan ko pa ang pagkakasabi noon.
"Mga siraulo talaga mga iyon."tukoy nya siguro sa mga kaibigan nyang alam kong maloloko.
"Ano kaya sasabihin nila Dada pag dito pa mismo sa kotseng regalo nila sayo ikaw gumawa ng milagro. Naku, paano nga ulit magalet si Dada ? Paki paalala nga sa akin."nang aasar kong turan.
"Tsk. Fine. You win, pero let me clear it to you na HIN-DI SA A-KIN I-YAN !"mabagal at may diin na sabi nya sa huling mga salita.
"Hahaha. Sige sabi mo e."
"Go home before 5pm. Ingat."sabi nya bago binaba ang linya. Mukhang naubusan na ng sasabihin.
Hindi ko naman naisip na ganun lang pala kadali mapaniwala si Niegel. Haha. Binibiro ko lang naman sya na may nakita ko dito sa loob ng kotse nya at yun sa sticky note, gawa gawa ko lang naman. Napapailing tuloy ako sa kalokohan ko. Hindi ko namalayan nakarating na pala ko sa destinasyon ko.
Maayos kong pinarada ang kotse bago ko bumaba. Nilibot ko ang aking mata, at napatakbo ko agad papunta sa swing. Umupo ako agad dito at idinuyan ng mahina. Itong ito yun madalas kong upuan noon pag hinihintay ko ang sundo ko, nasa isa akong park malapit sa school ko dati. Nakakatuwang isipin na pagkalipas ng apat na taon ay nandito pa din ito. Halos walang pinagbago ang lugar, nagkaroon lang ng dagdag na palaruan sa parke. Pati ang punong acacia na nagsisilbing pinaka silong nitong duyan ay narito pa din.
Nilabas ko ang aking cellphone na nasa loob ng aking bulsa. Kumuha ko ng litrato ng lugar at nag picture na din ng sarili ko, ng masiyahan ay isa isa ko na itong tinignan. Napapangiti ako sa mga nakunan ko, ang gaganda ngunit nahinto ako sa isang litrato na kinunan ko. Nag angat ako ng tingin sa direksyon kung saan ko nakunan iyon pero walang pamilyar na tao akong natanaw. Tinignan ko ulit mabuti ang larawan, hindi ako pwedeng magkamali siya iyon. Lumipas man ang taon, alam kong siya iyon. Nagbago man ng kaunti pero sigurado akong siya iyon.
Ang batang nasa kwarto ko. Ang batang naka pinta sa painting na ginawa ko. Ang aking first master piece.
BINABASA MO ANG
Mistake Proposal (On-Going)
Teen FictionAfter almost six years, Tristan will try his luck to win the girl that he's secretly love. This time he make sure na hindi na sya matotorpe. Kaya naman sa tulong ng mga barkada nya he will make impossible to be possible. But what if, nagkamali ang m...