Brrrr. Ang lamig naman. Nangangatog ang aking kamay na inabot ko ang tuwalya na nakasampay sa gilid at binalot sa basa kong katawan.
"Good morning honey !"masiglang bungad sa akin ni Mama ng makalabas ako ng banyo.
"Good morning Mama."nakangiti kong balik dito."Kayo po nagplantsa ng isusuot ko?"tanong ko ng mapansin ang hawak nyang hanger kung saan nakasabit ang aking dress.
Nakangiti itong tumango sa akin."Apat na taon kong hindi napagsilbihan ang aking prinsesa, kaya sa mga ganitong maliit na bagay ay gusto kong makabawi sayo anak."
"Mama talaga oh. Salamat po."sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. Mabilis akong tumalikod bago ko isinuot ang dala nyang dress na binili ko pa sa ibang bansa. Ako mismo ang pumili nito dahil nagandahan ako sa kasimplehan ng dress na ito. Feeling ko kasi dalagang dalaga ko sa tabas at disenyo ng naturang damit. It's a simple white and blue deep round neck dress na humahakab sa aking katawan. Abot hanggang kalahati ng binti ko ang haba nito na teternuhan ko ng maong jacket at white shoes.
Monday ngayon at first day of school. Kyaaaah ! Excited ako pumasok to think na 9am pa naman ang first class ko pero heto't alas syete pa lang ay naka ready na ko. This is new actually dahil hindi ko ugali ang pumasok ng maaga though, it's okay since may balak pa ko maglibot sa university at icheck ang room ko later. Hindi ko kasi na enjoy talaga ang paglilibot ko nung nag enroll kami ni Kuya Niegel kung matatawag ngang paglilibot iyon. Gosh.
"How do I look Ma?"tanong ko sa aking ina na bakas ang kasiyahan sa mukha habang paikot kong sinasayaw ang suot ko.
"Halika nga dito."hila sa akin ni Mama at pinaupo ako sa harap ng tokador. Kinuha nya ang hair brush at sya ng nagsuklay ng aking mahabang buhok.
"I used to brush your hair when you are a kid but look how time flies so fast."kita ko sa repleksyon ng salamin ang mga ngiti ni Mama ng nagpapaalala sa kanya sa panahon na bata pa ko."College na ang dalaga ko, dati puro paglalaro at asaran lang ang alam nyo nila Niegel, Ena at Miguel pero ngayon pwedeng pwede ka ng maligawan nyan."
"Mama !"natatawa kong saway na sinabayan nya din ng tawa.
"Why ? I'm just stating the fact anak."pagsalubong na tingin sa akin ni Mama sa salamin."Ang ganda ganda mo oh, hindi malayong may mga magkagusto sayo. Lalo't nasa edad ka na kung saan maaari ka ng magpaligaw."mapanuksong sabi nito."Naalala ko pa noon yun kinukwento mo sa akin dati noong bata ka pa."
Kumunot naman ang noo ko ng hindi ko masundan ang sinasabi ni Mama.
"Yung lalaki sa parke anak."paalala nito sa akin.
"Ibig nyo po bang sabihin yung bata na nasa painting ?"
"Ayy oo ! Hindi ba't inspiradong inspirado ka nun dahil hindi kamo mawala sa isip mo yung batang lalaki. Nasan na kaya sya ngayon nuh?"
Na saan ka na nga ba ? Is there any chance that our path will cross ? But that's impossible, ni hindi ko nga maalala ang mukha mo.
"Miss September nandito na po tayo."pukaw sa akin ni Kuya Miguel na driver at apo ni Nana Violy.
Ngumiti ako sa pag tawag nito sa aking pangalan."Kuya Miguel naman, September na lang para naman hindi tayo magkalaro nyan nung bata pa tayo ee."sabi ko dito.
"Haha. Ang tagal din kasi natin hindi nagkita kaya nakakailang kung tatawagin kita sa iyong pangalan bukod pa doon naninilbihan ako sa pamilya nyo."nahihiyang paliwanag nito bago lumabas at tumungo sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Mistake Proposal (On-Going)
Teen FictionAfter almost six years, Tristan will try his luck to win the girl that he's secretly love. This time he make sure na hindi na sya matotorpe. Kaya naman sa tulong ng mga barkada nya he will make impossible to be possible. But what if, nagkamali ang m...