Chapter 6

18 2 0
                                    

Matapos kong mag ikot-ikot sa University ay naisipan kong pumunta sa parking lot. Since I don't have my wallet and phone with me, it's better to look for Niegel's car. And wait for him outside his car. It's better that way sa halip na ako ang mapagod mag hanap sa kanya. Kasalanan ito ng mga kaibigan nya ! Kainis.

Sakto namang pagdating ko sa parking lot ay nakita ko si Niegel na mukhang may kausap na babae sa tapat ng kotse nito. Nakatalikod si Niegel sa gawi ko kaya't hindi nya ko nakikita samantalang hindi ko naman makita ng mabuti ang mukha ng babaeng kausap nito dahil natatabunan ito ng height ng kapatid ko, tanging yung puting heels lang nito ang nakikita ko. Hm. I smell something kababalaghan here. I need to find it out.

Dahan-dahan at maingat akong lumapit sa gawi nila para makinig sa kung anoman ang pinag uusapan ng mga ito. Of all places ha, talagang dito pa sa parking ng MAU but before anything else lilinawin ko lang ha hindi ako chismosa. I'm just.. I'm just curious lang ! Yeah. Curious lang ako sa pinag uusapan nila. Daaah. And I want to see kung sino ba yun girl na kausap nitong kuya ko. Kailangan updated ako sa whereabouts ni Niegel para may pang blackmail ako o pang asar sa kanya. Insert my maarteng laugh here.

Tatlong kotse na lang ang layo ko sa pwesto nila ng walang ano-ano may humila sa akin sa madilim na parte ng parking.

Oh my gosh ! Is this the end of my life ? This can't be happening ! Kakabalik ko lang ng bansa ! What I'm gonna do ? I can't even shout ! Tinatakpan ng kumag na humila sa akin ang bibig ko at hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mahigpit na pagkakaakap nito sa akin mula sa aking likuran.

"Don't you dare make a noise when I remove my hands. Copy ?"madiin na bulong nito sa kanang tenga ko na nagdulot ng pagtaas ng balahibo ko sa batok.

Paulit ulit na marahan akong tumango sa kanya para makahinga ako ng maayos din. Matapos nya ko pakawalan ay umikot ako paharap dito at sinimulang pagkiskisin ang aking mga kamay.

"K-kuya wala po kong maibibigay sa inyo, w-wala sa akin ang phone at wallet ko. M-maawa po kayo sakin."kandautal na sabi ko habang nakapikit ng mariin.

"Tss."narinig kong sabi lang nito.

Hala ! Nainis ata. Wrong move ! Patay na talaga ko. Naghintay pa ko ng ilang sandali pero wala kong naramdaman na nakatutok sa akin na patalim or baril man lang. Unti-unti kong binuksan ang mata ko. Mula kaliwang mata hanggang sa pareho ko ng imulat ang mga ito. Gulat akong napatingin sa kanya ng mamukhaan ko ito. Bago ko pa man maibuka ang bibig ko ay mabilis na nya itong tinakpan.

"Aist. Don't say anything. Will you ?"iritang sabi na nito.

Tumango naman ako ulit dito. Napakunot ang noo nya ng makita nyang nakangiti ako ng malaki matapos nyang tanggalin ang kamay nya mula sa pagkakatakip sa aking bibig. If this is kidnapping, I'm very willing to go with him na.

"Tss. Anong nginingiti ngiti mo?"tanong nya at sumilip ito bandang gilid ko. Nagtataka man ay sumilip din ako sa kung anoman ang tinitignan nya doon pero hindi ko na natuloy dahil nakakadistract ang amoy ng lalaki na nasa harap ko. Amoy masarap este mabango ! Gosh kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Not so me !

Tumingala ako at tinignan ko itong mabuti kahit may kadiliman sa pwesto namin. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Sa pamamagitan ng konting liwanag ay pansin ko na mas gwapo pala itong kumag sa malapitan. Kagat labing pinagmasdan ko sya mula sa kanyang mga matang may malalagong pilik pababa sa kanyang ilong. Gusto ko tuloy takpan ang ilong ko, lugi ako sa tangos ng sa kanya at maging ang labi nito na kahit nakatikom parang nag aanyaya. Napalunok ako sa isiping iyon. Tsk. This is not good lalo't konti lang ang distansya namin sa isa't isa.

Mistake Proposal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon