Res’ POV
“Aw, ano ba? Puwede bang dahan-dahan lang?”
Napangisi ako habang marahang nilalagyan ng betadine ang sugat ni Ereneya sa likod. Hindi naman madiin ang pagkakalapat ko ng bulak sa kaniyang sugat ngunit alam kong mahapdi iyon.
“Huwag mo akong pagtawanan d’yan, Res! Alam ko ang ginagawa mo kahit nakatalikod ako sa ‘yo!”
“Hindi kita pinagtatawanan, Sweetheart. Hindi ko alam mahapdi rin pala para sa ‘yo ang betadine.”
“Baka nakakalimutan mong pantao na ang katawan ko? Kung isa pa rin akong tikbalang ay hindi uubra sa akin iyan!” pakli nito.
Natawa ako nang malakas. Sobrang na-miss ko ang ganitong uri ng pag-uusap namin ni Ereneya.
Nilingon niya ako na nagsalubong ang kaniyang kilay. “See? Pinagtatawanan mo nga ako. Tumayo ka r’yan at tatawagin ko si Jus para siya na lamang ang gumamot sa akin,” wika nito na sa tantiya ko ay sinusubukan ako.
Inilayo ko ang hawak kong bulak nang tinangka niya itong agawin mula sa akin. “So, he can see you almost...naked? Over my dead body, Ereneya.”
“Kung gano’n ay ayusin mo ang iyong ginagawa. Being gentle won’t kill you,” mataray na wika nito.
She’s really back. Kahit ang pananalita niya at kaliit-liitang facial expression ay bumalik. At masaya ako sa pagbabalik ni Ereneya.
“Kung ayaw mo ng betadine ay hahalikan ko na lang ang lahat sugat mo. Would you like that?” tukso ko sa kaniya.
Nakita ko ang pamumula ni Ereneya na agad bumalik sa pagkakatalikod sa akin.
“O-okay na sa akin iyan. Ka-kaya ko namang tiisin ang hapdi,” nauutal na sagot niya.
“Are you sure? Baka kako, eh mapawi ng halik ko ang hapdi ng sugat mo. I think it would be better,” tukso ko pa sa kaniya. Nag-eenjoy akong pagmasdan siyang nagiging un-easy dahil sa mga panunukso ko. Why, ang katulad din pala ni Ereneya ay may kahinaan!
“Tss. Napagtagumpayan ko nga ang duelo sa pagitan namin ng Bathalang Luna iyang kaunting hapdi pa kaya? Aw! Damn it!”
I chuckled. Hindi napigilan ni Ereneya ang mapamura ng diniinan ko ang bulak sa kaniyang sugat. Kaunting hapdi pala, ha?
“Come on, Ereneya. Mas gagaling kaagad ang mga ito kung hahalikan ko na lamang. A kiss can heal thousand wounds, you know?”
Kunot-noong nilingon niya ako. “Saan mo naman napulot ang kasabihang iyan?” aniya na sinabayan ng irap.
“Sa akin mo narinig kaya sa akin nanggaling,” nakangiting sagot ko at yumuko para dampian ng magaan na halik ang balat nito sa likod na walang sugat.
I can feel her body tensed. Umisod palayo sa akin si Ereneya at ibinaba ang suot upang takpan ang likod.
“Okay na ako...” tila natatarantang wika nito at mabilis na tumayo at lumabas ng silid niya.
“Sweetheart, I’m aching...” wika ko na tinangka siyang abutin.
“Oh, my God, Res. I’m still soar!” bulalas nito at nagmadaling lumabas ng aming silid.
Hindi ko napigilan ang malakas na paghalakhak.
“Nasaan si Jus?” tanong ko kay Karl nang bumaba ako sa sala at napunang wala yata ang isa kong kaibigan.
“Ang sabi sa akin ay manghuhuli ng ibon sa gubat. Mukhang bad trip yata ang isang iyon,” sagot ni Karl na hindi inaalis ang tingin sa binabasang diyaryo.
Tumabi ako ng upo kay Ereneya at inakbayan siya. Agad na bumungisngis si Zea at nanunukso ang mga matang pinaglipat-lipat ang sulyap sa aming dalawa ni Ereneya.
Akma ko siyang kukutusan ngunit mabilis itong tumakbo at nagpakandong kay Karl. Agad namang binitiwan ni Karl ang hawak na diyaryo at kiniliti ang inaanak. Zea’s laughter echoed in the house.
Inilapit ko ang bibig sa tenga ni Ereneya at bumulong. “I love you...”
Tumingala si Ereneya sa akin wearing her sweetest and loveliest smile. Kinindatan ko siya na lalong nagpalapad ng kaniyang ngiti.
Tinitigan niya ako ng deretso sa mga mata. Nakapagkit pa rin sa mga labi ang matamis na ngiti.
“I told you I’m still soar. Nanakit pa ang katawan ko dahil sa mga bato,” bulong niya para hindi marinig ni Zea. “But I know this will do,” aniya at mabilis na dinampian ng magaang halik ang aking labi. “Mahal kita, Res. Mananatili ang pag-ibig ko sa ‘yo hanggang wakas.”
Bago pa tuluyang makalayo ang mukha ni Ereneya sa mukha ko ay kinabig ko siya at mariing siniil ng halik ang kaniyang labi.
I am so happy. Beyond compare. At nasisiguro kong wala nang sinuman ang kukuha ng sobrang kaligayahang nararamdaman ko ngayon mula sa akin. Alam ko, ano mang pagsubok ang ang darating sa aming dalawa ay kakayanin at malalampasan naming dalawa nang magkasama. Dahil mananatili ang pag-ibig namin sa isa't isa...hanggang wakas.
END
BINABASA MO ANG
THIRD EYE IV: Ereneya (Pag-ibig Hanggang Wakas)
FantasiaThis story is available exclusively on Dreame! Mula nang una silang magkita ay hindi na gusto nina Res at Ereneya ang isa't isa. Lagi silang nagbabangayan at hindi nagkakasundo. Ngunit malaking pagbabago ang nangyari kay Ereneya. The brave and feist...