Chapter 2

4.5K 221 18
                                    

Res’ POV

“Ah, Res...”

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ereneya. Nakatayo ito sa likuran ko at magkasalikop ang dalawang kamay sa harap. She is a picture of beauty standing in front of me.

“Bakit? May kailangan ka?” walang emosyong tanong ko.

“Nabanggit ni Justin na ikaw ang nagbantay at nag-alaga sa akin noong hindi pa ako nagkakamalay,” she paused. Sinulyapan ko siya at natuon sa mukha nito ang titig ko.

“Maraming salamat,” she continued.

Ibinalik ko ang tingin sa pagkakatanaw sa labas ng bintana. Kita mula sa kinaroroonan ko ang maliit na hardin ni Zea na puno ng mga namumulaklak na pananim. Maganda, katulad ni Ereneya. I sighed.

“Res...” untag nito.

“Walang anuman. Hindi mo na kailangang magpasalamat,” blangko ang ekspresyon ng mukhang sagot ko.

Sandaling natahimik si Ereneya ngunit hindi ito umaalis sa pagkakatayo sa likuran ko. Nang sulyapan ko siya sa ikalawang pagkakataon ay nakatungo ito at waring may iniisip.

Umangat ang mukha nito and her eyes met mine. “Res..”

Parang may gusto itong sabihin ngunit mukhang hindi nito alam kung paano simulan. “Kung wala ka ng sasabihin ay umakyat ka na sa iyong silid at magpahinga.”

“Nababahala lamang ako at sa inyong lahat ay ikaw lamang ang bukod tanging malamig ang pakikitungo sa akin. Maaari ko bang malaman kung may nagawa ba akong pagkakamali sa iyo?”

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. “Gusto mo bang magpapansin din ako sa ‘yo katulad ng ginagawa ni Karl at Win?” balik tanong ko.

Narinig ko ang mahinang pagsinghap nito.

“Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Lamang ay nag-aalala ako kung bakit ganiyan ang pakikitungo mo sa akin. Nag-aalala akong marahil ay may nagawa ako sa iyong hindi mo nagustuhan.”

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. I didn’t want to be rude pero sa tuwing nakakaharap o nakakausap ko si Ereneya ay hindi ko mapigilan ang aking sarili. Bigla ay na-miss ko ang pagka-arogante nito. Mas gusto kong tinatarayan niya ako kaysa ganitong tila siya maamong tupa habang nakikipag-usap sa akin.

Lumapit si Ereneya at humarap sa akin. “Kung may nagawa man akong pagkakamali sa iyo bago ang aksidente ay inihihingi ko iyon ng tawad, Res.”

Ipinasok ko ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot kong jeans at tiningnan ito. Her eyes, malamlam ang kaniyang mga mata hindi katulad ng dating Ereneya na nakilala ko. The old Ereneya got fiery eyes.

“Wala kang ginawang masama sa akin kaya iwasan mong mag-isip ng kung ano-ano.”

“Marahil ay ayaw mong makasama ako rito sa bahay? Sabihin mo lamang at aalis ako.”

Nagulat ako sa sinabi nito. “Saan mo naman balak tumira kung sakali?” panunubok ko.

“Nabanggit ni Karl na maari akong manatili sa bahay niya –”

I gritted my teeth. “Hindi ka aalis,” putol ko sa sasabihin nito. “Hindi ka aalis sa bahay na ito hangga’t hindi ko sinasabi.”

Umalis ako mula sa pagkakatayo sa harap ng bintana at iniwan si Ereneya na bakas sa mukha ang pagkabigla at pagkalito.


Ereneya’s POV

Nakakapagtaka ang ikinikilos ni Res. Bigla na lang akong iniwan pagkatapos nitong sabihin na hindi ako maaring umalis ng bahay na ito hanggat hindi nito sinasabi. Pag-aari ba ako ng masungit na lalaking iyon para pagpasyahan ang gagawin ko?

Sinundan ko lamang ito ng tingin habang tinutungo ang pintuan palabas ng bahay. Nanatili akong nakatayo sa harap ng bintana at sinundan ito ng tingin hanggang sa marating nito ang duyan na nakasabit sa sanga ng punong mangga. Humiga ito sa duyan na yari sa yantok, itinaas ang dalawang kamay sa ibabaw ng ulo at ipinikit ang mga mata. Ang isang paa nito ay nakasayad sa lupa at bahagyang inuugoy ang duyan.

Walang maitulak kabigin sa kanilang magkakaibigan. Lahat sila ay may angking kaguwapuhan ngunit naagaw ni Res ang pansin ko dahil bukod sa malamig ang pakikitungo nito sa akin ay nararamdaman ko ang minsang panunuot ng mga titig niya sa pagkatao ko na hindi ko maipaliwanag at mabigyan ng pangalan.

Guwapo si Res. Maitim ang mga matang hindi mo masalamin ang tunay na niloob nito. Parang puno ng lihim at misteryo, hindi katulad ng mga mata ni Jus na parang laging nanunuri. Para akong naeengganyong tuklasin ang nasa likod ng matitiim nitong mga titig. Matangos ang ilong at maninipis na labi.

Nang magmulat ito nang mga mata at sumulyap sa direksyon ko ay mabilis akong umalis sa harap ng bintana at sumandal sa dingding. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay sa biglaan kong pagkilos. Daig ko pa ang katulad ng isang nahuling magnanakaw.

“Tita Ereneya?”

Nabaling ang pansin ko sa batang nakatingala sa akin.

“Zea...”

“Ano po ang ginagawa mo rito sa bintana?” tanong nito na nakitingin sa labas ng bintana. “Pinagmamasdan mo po si Ninong Res?”

Umiling ako. “Hindi. Napadaan lang ako rito. Saan ka patutungo?”

“Sa labas po? Gusto mo pong sumama?”

Nag-alinlangan ako. “Sa Ninong mo ba ikaw tutungo?” tanong ko.

Marahang tumango si Zea. “Sama ka po sa akin,” yaya nito.

“Hindi na muna. Babalik na lang ako roon sa mga Ninong mo at Tita JM mo.”

“Sige po. Nagkakasiyahan po sila roon sa sala. Have fun!” paalam nito at patakbong lumabas ng pintuan.

Huminga ako nang malalim at bumalik na sa mga kasama. Hindi na ako nagtangka pang silipin si Res mula sa bintana.

“Oh, Ereneya! Saan ka nanggaling?” tanong ni JM nang makita nito akong papalapit sa umpukan nila.

Nabaling ang tingin sa akin ng mga lalaki at nakita kong sumenyas si Karl na maupo ako sa tabi nito.

“Saan ka galing?” ulit ni Karl sa tanong ni JM nang makaupo ako sa tabi nito.

“D’yan lang,” maikling sagot ko.

“May tanong ako Ereneya,” ani Karl na malapad na napangiti.

“A–ano ‘yon?”

“Ano ang pagkakapareho ng aso sa puso?”

Napakunot-noo ako. “Hindi ko alam,” litong tanong ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang wangis ng isang aso.

Nilagay ni Karl ang palad sa tapat ng puso nito. “Dug dug dug dug...”

Nanatili akong nakatingin kay Karl. Ilang sandali pa ay tila nalungkot ito at ibinaba ang kamay at tumingin sa akin.

“Hindi mo naintindihan ‘yon?” tanong nito.

Mabilis akong umiling na ikinasimangot ni Karl. Tumawa naman nang malakas si JM at napailing ang ibang lalaki.

“Waley, Kuya Karl. Talagang walang kuwenta ang mga banat mo. Oh, Ereneya, pasensya na at may parusa,” sabi ni JM na bumaling sa akin na nagpakunot ng noo ko.

“Parusa?” takang tanong ko.

Napangisi ang mga lalaki. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Tumingin ako kay Jus.

“Naglalaro kasi kami at ang hindi makakasagot ng tanong ay may kaukulang parusa,” paliwanag ni Jus.

“A-anong parusa?” kinakabahang tanong ko.

“Depende kay Karl kung anong parusa ang ibibigay niya sa ‘yo.”

Nang tingnan ko si Jim ay kumindat ito sa akin.

“Ready, Ereneya?” tanong ni Karl. Nanatiling tahimik na napapangiti ang iba.

“Ikamamatay ko ba ang parusa?”

Napahalakhak sina Win at Jim pati na rin si JM.

“Hindi, Ereneya. Simple lang ang parusa at hindi mo ikamamatay,” paliwanag ni JM.

Tumango ako.

“Here we go,” nakangising saad ni Karl na waring may kalokohang iniisip. “I want a kiss on the cheek.”

“Ay, no! Hindi puwedeng sa ‘yo, Kuya Karl!” agad na salungat ni JM sa sinabi ni Karl na tanging kiss lang ang naintindihan ko.

“Bakit hindi? Iyon ang gusto kong parusa, eh!” nakasimangot na reklamo ni Karl.

“Hindi pwede ‘yon, noh! Pumili ka ng isa sa kanila,” sabi ni JM na tinuro ang ibang mga Kuya.

“Sus, ayaw mo lang halikan ako ni Ereneya, eh!” may bahid ng panunukso ang boses ni Karl habang nakatingin kay JM.

“Sige na. Pumili ka na sa kanila,” ulit ni JM.

“Oo na. Ayoko namang magselos ka,” wika ni Karl. Narinig ko pa ang mahinang panunukso ni Jim at Win sa dalawa.

Itinaas ni Jim at Win ang tig-isang kamay dahilan para lalong lumukot ang mukha ni Karl.

Nagpalipat-lipat lang ako ng tingin sa kanila dahil wala ako gaanong maintindihan.

“Si Jus na lang. Matatanggap ko pang siya ang mahalikan ni Ereneya kaysa sa dalawang ito,” ani Karl na ang tinutukoy ay si Jim at Win.

Inabot naman ito ng dalawa at pinagbabatukan na ikinatawa ko.

“Come on, let’s get this done and proceed,” sabi ni Francis na nakaakbay kay Jus.

“Ganito na lang mga Kuya...” ani JM na tumayo mula sa pagkakaupo sa single couch na katabi ng couch na inuupuan ni Karl. “Sasabihin na lang ni Ereneya kay Kuya Jus na “Jus, iniibig kita”. With feelings, ah!” Matamis ang ngiting sabi ni JM.

Napaungol si Jim at Win dahil sa sinabi ni JM. Sasabihin kong iniibig ko si Jus? Parusa ba iyon? Parang hindi naman.

“Iyon ba ang parusa?” paninigurado ko.

“Yep! Halika, tumayo kayo rito ni Kuya Jus. Kunwari nasa telerye kayo at magtatapat ka ng pag-ibig sa lalaking mahak mo,” sabi ni JM at hinila kami ni Jus para tumayo sa gitna nila. Sinabayan pa niya iyon ng bungisngis at tila nakikiliti.

Tinapik ako ni Jus sa balikat at nginitian. “Don’t worry. This is just a game.”

Napatango ako nang hindi ko man lang naintindihan ang sinabi ni Jus. Nasabi ko nang may tiwala ako sa kaniya.

“Okay, game na!” sigaw ni JM at sinabayan pa ng tatlong palakpak.

Humarap ako kay Jus at nagkasalubong ang mga tingin namin.

“Jus...”


Res’ POV

“Ninong, bakit ka po nag-iisa rito sa labas?” Zea asked innocently.

Nakaupo ito sa tabi ko gaya ng lagi nitong ginagawa kapag nandito kami sa duyan. Nakapulupot ang isang braso ko sa baywang nito para hindi ito mahulog kapag inuugoy ko ang duyan.

“Gusto ko lang magpahangin dito sa labas. How about you? Bakit ka sumunod dito?”

Umisod si Zea at inihiga ang ulo sa dibdib ko. “Gusto ko po sanang pumunta kay Mama at Papa,” malungkot na saad nito.

Hinaplos ko ang mahaba at alon- alon na buhok nito. “Hayaan mo at sasamahan kita mamaya.”

Biglang nagliwanag ang mukha ni Zea nang marinig ang sinabi ko. “Talaga po, Ninong? Yey!” tili nito at yumakap sa leeg ko. I smiled and kissed her hair.

“Anong ginagawa nila roon sa loob?”

“They’re playing question and answer po. Kapag po hindi po nakasagot ng tama ang sasagot may parusa ito mula sa nagtanong.”

“Anong parusa?”

“A kiss...” nalukot ang mukhang sabi ni Zea.

“Ow?”

“Yes po. Umalis nga po ako roon kasi pinupupog ako ni Ninong Karl at Ninong Jim ng halik, eh. It’s like ewwww po kaya. Daming laway na tuloy ang pisngi ko. They can’t kiss Tita JM po kasi dahil susuntukin sila ni Tita. Sa tingin ko po si Tita Ereneya naman po chansing nila ngayon,” tuloy-tuloy na pagsusumbong nito.

“Chansing?” kunot-noong tanong ko.

Tumingala sa akin si Zea. “Opo. Sinabi po iyon ni Tita JM kina Ninong and she was like: ‘Asa pa kayong makaka-chansing kayo sa akin! No kiss!’ Gano’n po,” sabi nito na ginaya pa ang boses ng tiya.

I cursed silently. Kung nandoon si Ereneya hindi malayong mangyari ang sinasabi ni Zea.

“Let’s get inside, Sweetheart,” yaya ko kay Zea.

Kumilos naman ito at bumaba ng duyan. “Pakarga po ako, Ninong,” paglalambing ni Zea.

Ngumiti ako sa kaniya. “Sure. Halika,” sabi ko at kinarga ito. Mabilis itong nangunyapit sa leeg ko.

“I saw Tita Ereneya watching you from the window kanina, Ninong Res,” sabi nito habang papasok kami sa loob ng bahay.

“I saw her, too.”

“Does she likes you?” tanong nito na may himig na pagtatampo.

“I don’t know. Bakit mo itinatanong?”

“Wala naman po. Basta po Ninong love mo po ako, ha?”

“Of course. Nothing can change that, Sweetheart.”

“Baba na po ako, Ninong. I know I’m heavy na, eh,” sabi nito kaya binaba ko na siya nang malapit na kami sa sala. Hawak ko siya sa kamay at sabay naming tinungo ang sala.

Malapit na kami nang marinig ko ang boses ni Ereneya na nagpalalim ng kunot-noo ko.

“Jus...iniibig kita.”

Narinig ko ang pagtikhim ni Francis at nang lumapit kami ay nakita kong malapad na nakangiti si JM habang pinapanood sina Jus at Ereneya na magkaharap.

Parang piniga ang puso ko nang tingnan ko si Ereneya. Her face was so full of emotions. Was it love? Hindi ako nagkakamali nang marinig ko ang sinabi ni Ereneya na iniibig nito si Jus. And looking at Jus now, admiration visible on his face while looking at her. Paanong nangyari iyon gayong wala pang isang linggo na magkakilala ang mga ito.

Justin smiled at hinawakan ang kanang pisngi ni Ereneya. Nabigla ako nang hawakan ni Jus ang batok nito, putting her head on place. Hindi ko inaasahang bumaba ang ulo ni Jus at hinalikan sa labi si Ereneya na ikinagulat ng huli. Mahigpit na napakuyom ako mg kamao kasabay ng pag-ahon ng inis sa dibdib ko. Kahit isang segundo lang ang halik na iyon but still it was a kiss! I can’t imagine Jus of taking advantage of her!

“Kuya Res...” tawag ni JM.

Nabaling ang pansin nilang lahat sa akin at parang wala lang iyon kay Jus. Mabilis akong lumapit sa kaniya at inundayan siya ng isang suntok na ikinasigaw nina JM, Zea at Ereneya. Napatayo naman si Francis para pigilin si Jus na gumanti. Tumayo na rin sina Jim at Karl para pumagitna habang hawak ako ni Win.

“Damn you, Jus!” mariin kong sabi.

Sapo nito ang bibig at pinahiran ang kaunting dugo roon at ngumiti ng sarkastiko sa akin.

“Problema mo?”

“Tinatanong mo pa? I saw everything!”

“Oh. Jealousy hits you. Eh?”


Ereneya’s POV

Napahawak ako sa bibig ko nang makitang sinuntok ni Res si Jus sa mukha. Hindi pa ako nakakahuma mula sa paghalik ni Jus sa akin at heto na agad si Res at bigla na lang manununtok na hindi ko alam ang dahilan.

“Bor, huwag mo nang painitin lalo ang ulo niyan,” narinig kong payo ni Francis kay Jus.

Mainit ang ulo ni Res? Kanino at bakit?

“Res, ano ba ang nangyayari at nagkakaganyan ka?” nag-aalalang tanong ko.

Muntikan na akong mapaatras nang matalim akong tingnan ni Res. Walang pasabing hinablot nito ang kamay ko at hinila paakyat ng hagdanan. Ni hindi nito pinansin ang pagtawag ni JM at ng mga kaibigan nito.

“Res, nasasaktan ako!” daing ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko. Halos kaladkarin na nito ako.
Pumasok kami sa kuwartong inuokupa ko at mabilis nito iyong sinara. Matalim pa rin ang pagkakatitig nito sa akin habang nakatayo sa nakapinid na pinto.

“Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo?” naguguluhang tanong ko habang hinihimas ang nasaktan kong braso.

“Hindi mo ba talaga alam ang ginagawa mo?”

“Ano ba ang masamang ginawa ko? Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa akin!” sagot ko na nag-uumpisa na ring mainis sa lalaking ito.

“Hindi mo alam? They’re taking advantage of you!” malakas na sabi nito na tinuro pa ako. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit nito.

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo at hindi ko maintindihan kung bakit bigla mo na lang sinuntok si Jus gayong wala naman siyang ginagawa sa ‘yo!” sagot ko sa mataas ding tono.

“Wala siyang ginawa sa akin pero sa ‘yo meron! He kissed you!”

Natigilan ako sa sinabi ni Res. “Nagagalit ka dahil hinalikan ako ni Jus?”

“Eh, anong gusto mo? Panoorin ko pa kayo? Papalakpakan? Are you out of your mind?” patuloy na sabi nito sa mataas na boses. Para itong tigre na anumang oras ay sasakmalin ako.

“Hindi kita maintindihan! Isang laro lamang iyon at isa iyong parusa na dapat kong gawin dahil hindi ko nasagot ng tama ang tinanong ni Karl!”

“Laro? Hindi isang laro ang mahalikan ni Jus sa labi at hinayaan mo lang iyon!”

Tumaas baba ang dibdib ko dahil sa galit at pagkainis na rin kay Res. “Ano ba ang problema kung halikan ako ni Jus sa labi? Guwapo naman siya, matikas at sa pagkakaalam ko ay walang kasintahan!”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo!” sagot nito na nag-igting ang mga bagang. “Kung gano’n ay magpapahalik ka na lang basta sa kahit sinong guwapo at matikas na lalaki?”

“Daig mo pa ang kasintahan ko kung magalit. Bakit? Kasintahan ba kita?”

Sandaling naumid ang dila ni Res at taas-baba ang dibdib sa inis at galit.

“Hindi ko kailangang maging kasintahan mo para magalit sa ‘yo! At susuntukin ko ang kahit sino mang lalaking hahalik sa ‘yo!”

Hindi makapaniwalang tinitigan ko si Res. Inis akong lumapit sa kaniya at ipinulupot ang mga braso ko sa leeg nito. Tumingkayad ako para halikan din ito sa labi. Natigilan ito at hindi nakakilos.

Nang matapos ang halik ay hindi pa rin ito nagsalita at gulat na napatitig sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. “Oh, bakit natahimik ka? Hindi ba dapat ay magalit ka dahil hinalikan ko ang isang guwapo at matikas na lalaki?”

Napakurap ito at bigla ay nagmura. “Sige na. Magalit ka at suntukin mo ang sarili mo!” udyok ko rito ngunit nanatili lang itong nakatitig sa akin.

“Hindi ko maintindihan kung bakit gayon na lang ang galit mo sa akin dahil sa isang laro. Si Jus ang humalik sa akin at pinagkakatiwalaan ko siya,” patuloy ko. “Alam kong hindi niya magagawa sa akin ang iniisip mong ginawa niya!”

Biglang lumambot ang mukha ni Res. “Ereneya...” sambit nito na tinangkang abutin ako pero umiwas ako. 

“Naguguluhan ako sa ipinapakita mo sa akin, Res. Kung galit ka talaga sa akin ay mabuti pang huwag na kitang kausapin,” sabi ko. “Isa pa, huwag mo akong pangungunahan dahil hindi mo ako pag-aari,” dagdag ko at nilampasan ito at  lumabas ng silid. Iniwan ko siyang napatiimbagang at napakuyom ng mahigpit ang kamao.

THIRD EYE IV: Ereneya (Pag-ibig Hanggang Wakas)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon