Res’ POV
Tahimik akong nakatayo at nakasandal dito sa hamba ng pintuan at pinapanood sina Zea at Ereneya na naghahabulan sa malawak na damuhan sa harap ng bahay. Their laughters are like music to my ears. Masayang kumaway si Zea sa akin at ginantihan ko naman iyon ng ngiti kasabay ng pagtaas ng isa kong kamay. Sinulyapan lamang ako ni Ereneya at muling ibinaling ang pansin kay Zea.
Napakislot ako nang biglang tinapik ako ni Jus sa balikat.
“Bor...” sambit nito at nanatiling nakatayo sa tabi ko.
“Saan ang punta mo?” tanong ko na ibinalik ang tingin sa dalawang nagkakasiyahan.
“Wala. Dito lang,” sagot nito. Hindi na ako sumagot pa at pinagkrus ang braso sa dibdib. “About yesterday,” He continued. “Pasensya na.”
“Wala ‘yon. Pero hindi ko ihihingi ng dispensa ang pagsuntok ko sa ‘yo. You deserved it.”
Jus chuckled at nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. “I know. Nakalimot ako at hindi ko napigilang halikan si Ereneya. She’s a temptation.”
“Tsk,” palatak ko. “I can’t believe you took advantage of her.”
“Don’t worry. Hanggang doon lang muna iyon, Bor. Unless, si Ereneya na mismo ang may gusto,” Diininan nito ang salitang ‘muna’.
Biglang nabaling ang tingin ko kay Jus na matipid na nakangiti at nakamasid kina Zea at Ereneya. Ngayon lang nagpakita ng hayag na pagkagusto si Jus sa isang babae. At kay Ereneya iyon.
“What do you mean by that?”
“I like her,” sagot nito na sinalubong ang tingin ko.
“Really. O, baka naman gusto mo siya dahil nahalikan mo lang? You’re kidding me, Bor. I know your type.”
“I’m not kidding and she’s my type now and she make me laugh. She’s amazing, don’t you think?”
I chuckled sarcastically. “Hindi ko alam nagbago ka na pala ng taste, eh? Hindi ba at ang tipo mong babae ay mahinhin, a Maria Clara type?”
“Sometimes you fall for someone you never imagined you could be falling, Bor.”
“Now you’re talking about falling in love. You make me sick.”
Jus laughed. “Am I? I’m afraid you have to confine yourself, Bor.”
“Whatever. You can’t have her anyway.”
“Are you serious?” tanong nito na sa tonong naghahamon.
Tinitigan ko si Jus ng mataman. “I’m dead serious. Wanna bet?” blangko ang ekspresyong tanong ko.
Natawa ito at tinapik uli ako sa balikat. “Do your best, Bor. Hindi ako gano’n kadaling magpatalo.”
Ereneya’s POV
“Zea...” tawag ko kaya lumapit sa akin ang bata. Nasa lilim kami ng punong mangga.
“Bakit po, Tita?”
Pinahid ko ang pawis sa noo nito sa pamamagitan ng likod ng palad ko. “Pagmasdan mo ang dalawang iyon,” sabi ko na sumenyas sa gawi nina Res at Justin.
“They’re talking. Bakit po?”
“Anong sinabi mo?” naguluhang tanong ko.
“Ang ibig ko pong sabihin ay nag-uusap po sila.”
Tumango ako at yumuko at bumulong dito. “Sigurado ka bang nag-uusap lang sila at hindi mukhang magsusuntukan na naman?”
Ngumiti si Zea sa akin habang tinatanggal ang ilang hibla ng buhok na nakadikit sa pawisang leeg. “Hindi po sila mag-aaway. Para na po silang magkapatid. Hindi po sila nagtatanim ng galit sa isa’t isa,” sabi nito at naupo sa damuhan.
Tumango-tango ako sa sinabi ni Zea at napahinga ng maluwag. “Mabuti naman kung gano’n.”
Binalik ko uli ang tingin sa dalawang lalaki at nakita kong nakangiti si Jus habang kausap si Res samantalang seryoso naman ang mukha ng huli.
Naagaw ang pansin ko nang makarinig ako ng tunog na parang lumangitngit. Nang tumingin ako sa itaas ng punong mangga ay nakita kong kaunti na lang at napuputol na ang isang malaki at tuyong sanga.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mahuhulog na iyon at matatamaan no’n si Zea na nakaupo.
“Zea!” malakas kong sigaw at mabilis na sinangga ang sanga na maaring tumama rito. Niyakap ko siya para matakpan ng katawan ko ang maliit na katawan nito.
“Tita!” bulalas nito.
Napaigik ako nang tumama sa likod ko ang sanga ng mangga. Narinig ko pa ang pagtawag nina Res at Jus sa pangalan ko.
Agad kong tiningnan si Zea. “Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?”
“Hindi po, Tita. Salamat po. Ikaw po?”
“Ayos lang ako -”
“Ereneya!”
Napalingon ako sa direksyon nina Res nang marinig kong tinawag ako nito. Humahangos sila ni Jus patungo sa kinaroroonan namin ni Zea. Agad nito akong hinawakan.
“Are you alright?” bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Tumango lang ako at binalingan si Zea na karga na ngayon ni Justin. “Sigurado ka bang hindi ka napano?” tanong ko.
Umiling ang bata. “Hindi po, Tita. Ikaw po ang inaalala ko dahil natamaan po ng sanga ang likod mo at balikat.”
“Huwag kang mag-alala. Hindi ako nasaktan,” sabi ko at tiniis ang hindi ngumiwi para hindi mahalata ng mga ito na masakit ang pagkakatama ng sanga sa likod ko.
“Bor, ikaw na muna ang bahala kay Ereneya. Lilinisin ko lang si Zea,” bilin ni Jus at nagpatiunang bumalik sa loob ng bahay.
Nagsalubong ang tingin namin ni Res ngunit agad akong nagbawi ng tingin. “Mauna na rin ako sa ‘yo,” paalam ko ngunit nauna itong humakbang sa akin.
“Sumunod ka,” utos nito.
Namamanghang napatitig ako sa likod ni Res at hindi makapaniwalang napailing. Kung makapag-utos itong si Res ay tila itong hari na kailangan sundin. Kapag hindi naman gagawin ang sinasabi nito ay para itong bulkang sasabog sa galit. Kagaya na lang ng nangyari kahapon nang makita nitong hinalikan ako ni Jus.
Napabuntong-hininga na lang ako habang sumusunod dito. Mamaya baka hindi lang bulkan ang sasabog. Baka magunaw na ang mundo.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay dumaan ito sa banyo at ako naman ay dere-deretsong umakyat sa silid ko. Pagkasara ko ng pinto ay agad akong uminat at dinama ang kaliwang balikat ko na natamaan din ng sanga. Nakadama ako ng bahagyang kirot kapag dinidiinan ko ang pisil sa parteng iyon. Sigurado akong namamaga iyon.
Ilang sandali pa ay may narinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan. “Sandali lang,” sagot ko at tinungo uli ang pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.
Nagulat pa ako nang makita si Res na nakatayo sa harap ko at may bitbit na isang may kaliitang puting bag na may guhit na pulang krus sa harap.
“Anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko.
“I brought this,” sabi nito at itinaas ang dala at walang pasabing pumasok sa loob ng silid ko. Inilagay nito ang dala sa ibabaw ng higaan at binuksan iyon. May kinuha ito mula roon.
“Come here,” sabi nito na isinenyas ang kamay na lumapit ako.
Napakunot-noong sumunod na lang ako. “Anong gagawin mo?”
“Tumalikod ka,” utos nito.
“Bakit ko naman iyon gagawin?”
“Papahiran ko ng gamot ang likod mong natamaan ng sanga ng mangga.”
“Akin na ang gamot at ako na ang bahala,” sabi ko at inilahad ang nakabukas na palad dito.
“Ano ba ang akala mo sa sarili mo? Si Lastik woman para magamot mo ang sarili mong likod?” patuyang sabi nito.
“Wala akong pakialam kung sino man ang Lastik woman na iyan! Akin na at maari ka ng lumabas ng silid na ito.”
“Don’t be such a brat, Ereneya,” saad nito na hinawakan ako sa braso.
Naniningkit ang mga matang binawi ko ang braso sa pagkakahawak nito. “Wala rin akong pakialam sa sinabi mo dahil hindi ko rin iyon naiintindihan!”
Tiningnan ako ni Res nang mataman at sa nag-iigting na mga bagang ay napakuyom ng kamao. “Gusto mo bang tawagin ko si Justin para siya na ang gumawa nito imbes na ako?” nanunuri ang tinging tanong nito.
Napahinga ako nang malalim para pigilin ang nadamang pagkainis sa lalaking ito.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang naman ay baka nakakaabala ako sa ‘yo. Hindi mo naman kailangang gawin ito,” Pero ang totoo ay ayoko talagang makausap at makasama ito nang matagal.
“Huwag ka nang maraming sinasabi. Umupo ka na lang dito nang mapahiran na ng gamot iyan. My patience is thinning, Ereneya.”
“Ikaw ang maraming sinasabi na hindi ko maintindihan!” pigil ang galit na sagot ko.
Ngunit ang hindi ko napaghandaan ang mabilis na paggalaw ni Res at ang sumunod na nalaman ko ay nakahiga na ako sa kama at nakapaimbabaw ito sa akin. Hawak ng malakas nitong kamay ang dalawa kong palapulsuhan. Nakapagitna ang mga binti ko sa mga hita nito at sa nanlalaking mga mata ko ay bumaba ang mukha nito patungo sa mukha ko. Napigil ko ang paghinga ngunit napatigil sa pagbaba ang ulo nito at gahibla na lang ang pagitan ng labi ko sa labi nito. Napalunok ako.
“Anong gagawin mo? Ha-halikan mo ba ako?”
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Res. “Don’t try me, Ereneya. Kung halik lang ang gusto mo ay kaya ko rin iyong ibigay sa ‘yo ngayon. But, Darling... nag-aalala akong baka mas lalong mamaga ang tama sa likod mo,” sabi nito na bahagyang lumambot ang boses sa huling sinabi nito.
Ilang sandali itong napatitig sa mukha ko at napabuntong hiningang idinistansya ang katawan sa akin at hinila ako paupo.
Nanatili akong nakatitig dito.
“What? Nadismaya ka ba dahil hindi ko itinuloy ang halikan ka?”
Tumahip ang dibdib ko at matalim na tinitigan ito. “Hambog!” asik ko. Pero ang totoo ay iyon nga ang inasahan ko.
Napangisi ito. “Tumalikod ka na bago ko pa maisipang gawin ang inaasahan mo at maniwala ka, Ereneya hindi lang halik ang matitikman mo mula sa akin.”
Napasinghap ako at inirapan ko siya bago tahimik na tumalikod na umupo rito.
“Good girl,” saad nito at naramdaman kong lumundo ang kama dahil naupo ito palapit sa akin. “Iaangat ko ang damit mo,” paalam nito.
“Paano mo magagamot iyang pasa ko sa likod kung hindi mo iaangat ang damit ko?” sarkastiko kong sagot.
Narinig ko siyang natawa ng mahina. Gusto ko sana itong lingunin para makita ang mukha nito ngunit hindi ko na nagawa. Ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang ngumiti sa akin.
Hindi na ako umimik pa nang maramdaman ang daliri nitong humahaplos sa balat ko sa likod. Napalunok ako at napapikit nang maramdaman ang mainit nitong daliri sa balat ko.
“Is this...hurt?” tila tuyot ang lalamunan na tanong nito nang tumigil ang daliri nito sa bandang balikat ko at bahagyang diniinan iyon.
Tumikhim ako. Hindi ko maintindihan ang sinabi nito.
“Masakit?” tanong uli nito na marahil ay batid nitong hindi ko naintindihan ang sinabi nito.
“Oo,” matipid kong sagot. Gusto kong sawayin ang puso ko dahil sa mabilis na pagtibok nito.
Lihim akong napaungol sa pagtutol nang sandaling binawi nito ang daliri ngunit napahinga ako ng maluwag nang maramdaman may malamig itong pinahid sa nasaktan kong balikat at likod.
“Maya-maya lang ay hindi mo na maramdaman ang sakit,” sabi nito at ibinaba na ang damit ko. Ibinalik nito ang gamot sa loob ng bag. Napaharap ako kay Res. “Inumin mo itong tableta.”Nilagay nito sa palad ko ang isang puting tableta.
“Kapag nagkasugat ka o anong masakit sa katawan mo, hanapin mo lang ito sa banyo sa ibaba at may mga gamot dito. Magsabi ka lang sa amin kung sakali.”
“Maraming salamat,” bukal sa loob na sagot ko.
Tumayo na ito. “Magpahinga ka na,” sabi nito at walang lingon-lingon na lumabas ng silid.
Tahimik ko na lang na sinusundan ito ng tingin.
Karl’s POV
“Ate, ano pong nangyayari?” tanong ko sa kapitbahay namin pagkatapos kong marinig ang sigaw ng asawa nito.
“Sumasakit daw ang ulo niya at parang mabibiyak daw. Pinainom ko naman ng gamot para sa migraine pero hindi pa rin natatanggal ang pananakit ng ulo.
“Saan ho kayo pupunta?”
“Eh, sa tindahan ni Aling Elena. Bibili uli ng gamot. Mula pa iyan kagabi at para na akong ninerbyusin sa pag-aalala!” bulalas nito.
“Baka ho dapat n’yo nang patingnan sa doktor. Pa-check up n’yo ho,” suhestiyon ko.
“Iyon na nga ang iniisip kong gagawin kapag hindi pa tumigil ang pananakit ng ulo ni Nelson. O siya, bibili muna ako ng gamot,” paalam nito at tinungo na ang tindahan ni Aleng Elena.
Tinahak ko naman ang daan papunta kina JM. Palagi kasi akong nagagawi sa kanila dahil tsini-check ko rin sila. Kabilin- bilinan kasi ni Zyl na huwag pabayaan ang pamilya niya kaya kapag wala akong ginagawa ay nandoon ako sa bahay nila JM. Ayokong madalaw ni Zyl kahit sa panaginip. Isa pa’y gusto ko ring makita ang mukhang tingting na babaeng iyon.
Nang makarating ako kina JM ay nakita ko itong gumagawa ng usok sa ilalim ng puno ng langka sa harap ng bahay nila.
“Uy, ‘di ba bawal ‘yan?” sita ko nang makalapit sa kaniya.
“Uy din. Hindi naman po makapal ang usok, eh. Pampaalis lamok lang,” sabi nito habang winawalis ang mga tuyong dahon. Napangisi ako nang masuyod ko ng tingin ang mahaba at makinis nitong binti dahil nakasuot ito ng maikling maong na short.
“Gusto mo bang kunin ko iyang eyeballs mo, ha, Kuya Karl?” wika nito nang mapansin ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
THIRD EYE IV: Ereneya (Pag-ibig Hanggang Wakas)
FantasyThis story is available exclusively on Dreame! Mula nang una silang magkita ay hindi na gusto nina Res at Ereneya ang isa't isa. Lagi silang nagbabangayan at hindi nagkakasundo. Ngunit malaking pagbabago ang nangyari kay Ereneya. The brave and feist...