Chapter 15: not again!

683 14 8
                                    

Hello readers! pasensya na it took me so long to do an update! kainis lang kasi medyo naging busy ulit kahit na off ako nitong nakaraang weekends I have to have an oil change on my car and ask my dad to fix the brakes on the damned thing. ... hays buti na lang at ayos na.  anyways salamat po for continually reading my first ever story and I am excited kasi  ang dami dami nyo nang nagbabasa! yehey ^_^ . I dedicate this to JANONGSKIE dahil pinakyaw mo sa kaka LIKE ang mga chapters ko. thanks much!!! anyways  here it is!

the themesong for this is FRIEND OR FOE by T.A.T.U

(Peejay in his training outfit on the picture)

Jaypee's Point of view:

matapos ang camping kagabi ay eto na kame sa loob ng bus . we are on our way back home. We woke up at exactly 6am para makapaghanda . we ate our quick breakfast and started to pack up para sa pag alis namin.

Somehow hindi pa din ako makapaniwala sa mga nakita nadiskubre ko kagabe... 


THE NIGHT BEFORE:

lahat ay natutulog na at naka lights out na. dahil sa ingay ng hilik ni Jaden ay nagising ako bigla  ganun kasi ako. kapag wala ako sa sarili naming bahay ay namamahay ako at kapag wala ako sa sarili kong higaan ay mababaw lamang ang aking tulog at kahit pa sobrang pagod ay nagigising ako agad sa mga ingay na masasagap ng aking tenga.  kaya minabuti ko muna na lumabas sa aming tent para magpahangin at maglakad lakad.

sa aking paglalakad lakad ay napagdesisyunan ko na tunguhin ang beach dahil doon siguradong mas malamig ang hangin.  Naglalakad lakad ako sa gitna ng maliwanag na buwan nang may makita akong dalawang tao na naka upo sa may bandang malapit sa tubigan. magkatabi silang nag uusap at dahil hindi ko naman ugali ang maging tsismoso ay nagpatuloy na lamang ako  paglalakad lakad hanggang masagap ng tenga ko ang kanilang hagikhikan. 

kilala ko ang tawa na yun ng babae... si Bernie iyon. pero sino yung  katabi nya si Les ba? 

pupuntahan ko sana para makabonding sila pero napatigil ako dahil  sa pigura pa lang ng lalake ay kilala ko na din ito...

hindi ko na pinagpatuloy pa ang paglalakad patungo sa kanilang direksyon dahil nakita kong  inilapat ni Peejay ang kanyang mga labi sa aking bestfriend.

biglang bumilis ang tibok nang aking dibdib sa aking nasaksihan at sa di ko maintindihan na dahilan ay nakaramdam ako ng kurot sa aking puso. 

bakit ganun? bakit bigla akong parang nasasaktan... matapos ang kanilang paghahalikan ay nahalata nila na may taong nakatingin sa kanilang dalawa at dahil nga maliwanag ang bwan ay malamang nakilala din nila ako. kaya pagkatapos na pagkatapos nila ako makita ay umatras na ako at mabilis na bumalik sa pinanggalingan ko. 

BESH! sigaw ni Bernie...

Besh prend! hindi ko na pinansin pa ang pagtawag nya sakin at tuloy tuloy na lang ako bumalik sa aming tent kung saan nagmadali ako humiga at magtalukbong ng aking sleeping bag katabi si Jaden na walang kamuang muang at patuloy sa paghihilik .. hindi ko alam kung bakit.. pero out of nowhere naramdaman ko na lang na tumutulo ng kusa ang luha ko.. hanggang sa makatulog ako.

Kasalukuyan:

katulad ng ayos namin sa bus noong pagpunta namin dito ay naging kabaliktaran naman ang naging set up namin pabalik sa manila... sila Peejay at Bernie ay umupo sa upuan kung saan nakaupo kame dati ni Jaden 

at kame naman ni Lester ay pinagitnaan si Jaden mismo.  magkatapat lamang kame ni Peejay ng upuan dahil gusto daw ni Les sa tabi ng bintana para daldalin daw nya si Jaden the whole time na pabalik kame sa manila.  

Written in the stars...(boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon