Chapter 18: The past and the Present

569 17 8
                                    

Hello mga readers pasensya na po at halos 2 weeks akong nawala.. talagang napaka busy lang namin sa trabaho.. hays spring time na kasi eh kay eto . allergy season na at super toxic pa sa work. ganun pa man. I am glad dahil kahit papano ay unti unti na nadadagdagan ang mga followers ko at readers. sana wag kayo magsawa sa pagbabasa. sadya lang talagang pagod ako lage kaya hindi ako makapag update . enjoy po!

themesong is : TURN BACK TIME by AquA
( young sir Virgilio/Ver on the photo)
_____________________________________________________________________________________

Manang Cora's Point of view:

Bulaga!  taya! taya! ka na!  ito ang malakas na sigaw ni sir  Virgilio  habang nagmamadali itong tumakbo palayo sa kanyang matalik  at kaisa isang kaibigan na si Jimmy.

ay ! ang daya! hindi pwede yun ginulat mo naman ako eha!  sabay habol nito kay Jimmy

at nang mahabol nito ang nauna ay di maiiwasan na mahawa ka sa mga malulutong na tawa ng bawat isa.


nakakatuwa sila tingnan ni sir Virgilio,  ilang taon na nga ba ang nakalipas simula ng magkakilala sila ni Jimmy? naaalala ko pa ang unang araw na nagkita silang dalawa.

bata pa si sir Virgilio nun.. 4 na taong gulang pa lang sya maliksi bibo at malusog pero halatang halata na ito ay tahimik at hindi nagsasalita. palagi lang ito nakatingin kapag kinakausap. akala nga noon nila Don Pelagio at Donya Virginia ay may abnormalidad ang bata .. hindi nila mawari ito kung ito ba ay bingi o pipi .. dahil noong ipa suri naman nila ito sa isang espesyalistang doktor ay normal naman ang kanilang nakikita at obserbasyon  sa bata.

ngayon ay pareho na silang 7 taong gulang . tatlong taon na ang nakakalipas nang magkakilala silang dalawa.   sabay kame namasukan noon ng aking kaibigan na si Precilla o Precy sa bahay ng mag-asawang don at donya Santiago .pareho kameng taga davao na lumuwas dito sa maynila para makipag sapalaran ; kaso ang pagkakaiba nga lang naming dalawa ay may anak sa pagkadalaga si Precy samantalang ako ay wala.  matanda ng 4 taon sakin si Precy at nakikituloy lang kame noon sa malayo nilang kamag anak dito sa maynila.

At simula ng malaman ni Precy na minamaltrato ang kanyang anak ng mga kamag-anak nito ay napagdesisyunan nyang isama na lang din ito sa trabaho at pakiusapan si Donya Virginia kung pwede ay dito na din sila manuluyan at kahit pa ibawas na lang ang sweldo nya sa pagtuloy nila dito  . dahil nga mababait , ay bukas palad na tinanggap ng mag-asawang Santiago na manuluyan o stay in na din sila dito sa mansion.

Kumusta?! ako si Jimmy (^_^)Y !   ang masayang pagbati noon ni Jimmy sa batang si sir Virgilio na nagtatago sa likod ng palda ng kanyang ina . Iyon ang unang pagkikita nila noon at dahil nga tahimik ay wala itong imik or ipinakitang kahit anong reaksyon liban sa pagkahiya at pagtatago .. 

at tumakbo ng mabilis paakyat ang bata sa kanyang kwarto..

Jimmy pasaway kang bata ka!.. tingnan mo tuloy natakot sayo si sir Virgilio! pagsermon ni Precy sa kanyang anak at tila napahiya ang mag-ina sa harapan ni donya Virginia.

hayaan mo na Precy ok lang yun pasasaan pa at masasanay din ang sir Virgilio mo na may isa pang bata dito sa mansion. mabuti nga iyon kung maging magkaibigan sila  . ito ang nakangiting tugon ng mabait na donya sa kanilang mag ina.

lumipas ang mga araw at nangyari nga ang gustong mangyari ni donya Virginia.

dahil ako ang personal na yaya ni sir Virgilio ay ako ang madalas na nagsisilbi dito . noong una ay pasilip silip lang ito sa batang si Jimmy kung ano ang ginagawa nito. minsan nga ay nahuli ko  itong nakasilip sa pinto ng kusina para tingnan kung ano ang ginagawa ni Jimmy. 

Written in the stars...(boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon