Chapter 5: Strategy

824 18 2
                                    

Mondays to Wednesday! Ito ang nakaset na araw para sa pangangampanya ng 4 na groups nang mga tumatakbo sa student body council..

Ang UNA group na may simbolong Circle at my number 1 sa loob.... ng group number 1

Ang GREEN PEACE ng group na may simbolong dalawang nakataas na hintuturo at hinlalatong daliri at green na background ng group number 2

Ang Tribunal na may simbolong tatsulok na may timbangan sa loob ng group number 3

at ang Equality ng group number 4 na may parisukat at letter E sa loob..

kanya kanyang pakulo... ang iba ay old style dahil sa may namimigay ng leaflets at Bookmarks na may nakaprint na names para sa line up ng kani kanilang kandidato.. katulad ng mga Tribunal group

Gumawa naman ng mga posters ang Equality group at ipinagdidikit ito sa mga Authorized na place na pwede ito i post.

(Jaden Salas ---------------------------------------------------------------->>>>>>)

Iba naman ang naisip ng UNA group! Gumawa sila ng mga pin buttons na ipinamimigay din nila at ang isa nilang member na computer programming ang course ay gumawa ng Facebook at twitter accounts at itinag nila ito sa website ng school campus...

Gumawa din sila ng 4 na ibat ibang Film commercials at ipinost nila ito sa youtube at para naman makita ito ng libre ng mga estudyante ay kumuha sila ng projector at continous itong nagplay sa Canteen at sa mga lugar na pinagtatambayan ng mga estudyante.

"Tol! tol! nakita mo ba ang mga strategy ng UNA party? First time ata yung mga pinagagawa nila dito! hindi ba foul sa School Admin yung mga pag-gamit nila ng Facebook Accounts, Twitter at Youtube? "

ito ang tanong ni Jaden ... ang ka-close na kaibigan ni Peejay na estudyante galing sa Athletics depart . 2nd Year student na din ito at Physical Education naman ang Major nito...

Katulad ni Peejay ito din ay jack of all trades pag dating sa sports at katulad din nyang scholar dahil varsity din ito sa basketball volleyball at track and field.

"Mukha namang hindi eh"... dahil hindi sila pinipigilang ng School Administrator. Nagulat din nga ako dahil akala ko ay puro buttons lang ang ipapakalat nila kahapon at ngayon naman dalawa ang ginawa nila... sagot naman ni Peejay

"kung sino man ang naka isip nito .... He's a genius" -- ang sabi pa ni Peejay sa sarili

"Ayos ang estratehiya nila ah?" madali nga naman silang makikilala ng mga estudyante dahil sa pagamit nila ng technology at ng internet.. ika ulit ni Jaden

"hayaan mo may naisip na ako paraan... If they want to go to the extremes bibigyan natin sila ng magandang laban... may naisip na ako paraan..." nangingiting sabi ni Peejay

Matapos lamang ng 4 oras mula ng pag uusap ni Peejay at Jaden ay eto naman ang isinagot naman ng grupong PEACE sa mga pasabog ng mga kabilang partido

"ALRIGHT! OKAaaaY! LETS GO! GO! GO! "

umpisang sigaw ng mga nagagandahan at nagsisipagseksihang mga Cheerleader

"P> E>A>C>E! thats what we want!

P>E>A>C>E! Thats what you want!

GREEN PEACE ! ! GREEN PEACE !! Thats what you need!

GREEN PEACE ! ! GREEN PEACE !! Its what we need!"

habang nagsisipag sigaw ang mga ito ay kanya kanyang acrobatics at stunts ang kanilang ipinerform sa harapan ng napakaraming mga student na nagsisipagpanood!

Written in the stars...(boyXboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon