Kabanata - 1

70 2 0
                                    

Ako si Eloisa Diane Paylado, Eloi ang tawag ng mga kaibigan ko sakin, at Diane naman ang tawag sakin ng pamilya ko. Ako ay nakakuha ng Scholarship sa isang sikat na unibersidad. Accountancy ang kinuha kong kurso at kalasukuyang nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. May kaya naman kami. Ang aking mga magulang ay nagtratrabaho sa ibang bansa kaya ang aking tiyo at tiya ang tanging kasama ko sa bahay.

Ako yung tipo ng babae na tahimik pero palaban. Ayoko ng inaapi ako lalo na pag may gumagawa ng kuwento tungkol sa akin. Lalo na pag kaibigan ko na ang pinag-uusapan. Kilala nila ako sa singkit kong mata pag tumatawa. Mahilig ako sa mga KPOP stars, tulad nina Yoona,Sehun,Minhyuk at Louis. Ayaw na ayaw ko sa keso. Allergic kasi ako dun.

Andito ako sa tambayan namin. Nanunuod ako ng Music Video nung bagong labas na kanta ng grupo nila Minhyuk. Ang BTOB.  Masaya akong nakikisabay sa indak ng kanta ng bigla may tumakip sa mga mata ko, napatayo ako at napahampas sa kamay ng nagtakip sa mga mata ko. Napanatag naman ako na nalaman ko na si Jester pala ung gumawa nun. Akala ko kung sino. Kinabahan tuloy ako. Nagsidatingan naman sina Tyrone,Reisner at Karl. Yes, Buo nanaman ulit ang barkada. Kakatapos lang ng Finals namin at hindi kami nakapagkita kita ulit dahil busy kami sa pagrereview.

Sila nga pala ang pinakamamahal kong barkada. J

Si Reisner Allen Arenas, Renren tawag naming sakaniya.Civil Engineering at nasa ikatlong taon nadin sa kolehiyo. Makulit,Pasaway,Mapang-asar at Mapanakit. In short, SADISTA. Pero mabait at masayahin. Para sakin, siya ang nagbibigay ng sigla sa grupo.Madaldal kasi at hindi ka talaga mauubuusan ng topic pag magkausap kayo. Lagi niyang sinusumbat samin ang kanyang pangako na balang araw ay siya din ay tataba.

Si Tyrone Jasper Frugal, ang varsity player ng university. Magaling yan sa sports, malamang Varsity nga diba? Well, Joking Asides. Kulay kayumanggi ang kanyang balat at lagi niya samin ang pinagmamalaki yung girlfriend niyang si Jehan. Close naman kami ng girlfriend ni tyrone pero bihira namin siya makasa dahil sa sorority na kinabibilangan niya.

Si Jester Louie Lapinig, an gaming gitarista/singer ng grupo namin. Maliban sa pag gigitara ay hilig niya din ang pagbibisekleta. Pangarap niya din maging isang magaling sa pagpaparkour. Kaya nga pinagprapraktisan niya yung mga hagdan dito sa university. Makulit, Mabait at Gentleman din siya.

Si karl Fabian Cipriano, ang pinakamakulit ang pinakaGay , at pinakaClose ko sa Grupo. Hindi siya bakla, trip niya lang talaga magpaka Gay minsan. Para mapasaya lang ang grupo. Hindi nga halata na may Girlfriend siya dahil sa pagkaka Gay niya eh. Ka close ko siya kasi malapit lang bahay niya saamin kaya pag nagkaproblema, madali lang naming malalapitan ang isa’t isa. Natural din sakanya pagpapatwa. Kaya lalong sumasaya ang grupo dahil sakaniya.

At ang saya saya. Magkakaroon na naming kami ng bonding together kasama tong mga to. I treat as my second family. Sila ang takbuhan ko pag may problema at tinuturing nila akong bunso sa grupo. Kasi obviously naman, ako lang babae sa barkada

 Kung tatanungin niyo kung ano ang status ko? Ehem. It's none of your damn business. hahaha. Secret na muna , hahaha., 

(a/n: Nye, hanggang dito na po muna. Alam kong boring unang chapter pero pagagandahin ko yan! kelangan ko muna tapusin to sa MS word at ng maiprint na, malapit na si Deadline e. salamat sa 3 reads? haha. okay na yun. God Bless. ) 

 ---> Jester po. 

 pst. classmate,kung mabasa mo man itong story na ito, sorry kung di ako nagpaalam na gamitin itong picture mo! -.- hahahahaa. di nko nagpaalam, para no choice ka na. peace yow po. hahaha

Ang Barkada.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon