New Semester na, andito kami ngayon sa tambayan. Vacant time namin nila Tyrone at Reisner samantalang Cutting Classes naman sina karl at Jester. Hayy, mga Gawain nga naman.
Kasalukuyan kong nililinis ang tamabayan nang dumating si Jester na malapad ang ngiti at may dalang Pagkain. Naks, bago ata to ah? Ngayon lang ulit siyang nanlibre. Haha.
Jester: Yow guys! Bumili ako ng makakain, nagugutom na kasi ako e. ( agad namang hinablot ni Reisner ung pagkain at tumakbo papalayo kay jester)
Reisner : Wow boy, ano nahithit mo at napabili ka ng pagkain? Uyy, may chocolate! Akin na lang to ha? Salamat.
Jester: uy wag boy, may pagbibigyan ako niyan.
Naghabulan lang sila doon habang ako naman ay niluto ung pagkain. Nung naluto na, hindi ko pa nga nailalagay sa plato ung French fries ay nilamutak na agad nila. Buti nalang at naghiwalay ako ng sa akin, cheese kasi ang ilalagay sakanila, at ung akin naman ay asin lang tapos isawsaw sa ketchup yum yum. J.
Pagkatapos nilang maghugas ng pinaglutuan, naisipan naming na mag movie marathon muna sa Laptop ni Reisner. Mahaba pa naman ang natitirang time sa vacant time namin. Habang nanunuod, hindi ako mapakali sa katabi ko na puro ngisi ang ginagawa. Nakakapagtaka lang kasi Horror movie ung pinapanuod namin at hindi Comedy kaya naman nakapagtaka.
Eloisa : Pst Jester, nakakatakot ka na ah, ano ba yang ningingiti mo? Parang may binabalak ka ah?
Jester: Ha? Wala nuh, may katext lang ako, manuod ka nalang.
Eloisa: nakakadistract kasi! Umayos ka nga. ( kinurot ko siya sa binti kaya napaayos siya ng upo, nakahilata kasi parang nasa bahay lang e )
Jester: ano ba, manuod ka na lang kasi. ( sabi niya na may ngiti sa mukha niya, )
Eloisa: K fine. Wag kang magulo ha?.
At yun na nga, nanuod nalang ako pero patuloy parin siya sa pag iingay. Nakakaasar na
Eloisa: Ano ba Jester, ang kulit kulit mo! (kurot sa may binti)
Jester: YES! YESSS!! WOOOH! HAHAHAHA!!
Eloisa: ay baliw to, natuwa pa -.-
Karl: ui boy, kalma, baliw ka nanaman.
Tyrone: ano ba yang pinagsisigaw mo ha?
Jester: May Girlfriend na akoo! Yesss! Wooh! May girlfriend na akooo! Wooh! HAAHAHA!
Nanahimik kami sa narinig namin. Si jester? May girlfriend? Weh? Sa pagkakaalam naming lahat si Jester ang pinakatorpe sa grupo e, tapos biglang magkakagirlfriend? Ayos to ah?
Jester : oh? Bakit kayo natahimik?
Karl : Joke yun? Ang korni naman.
Jester: Lah, seryoso ako. May gf na ako.
Tyrone: pano ka mag kaka gf eh napaka torpe mo nga. Ginayuma mo noh?
Oops! Nagiba ang ekspresyon ni Jester sa narinig niya mula kay Tyrone, halatang nainsulto siya sa sinabi ni tyrone kaya hinawakan niya to si kwelyo. At ako naman, agad agad pumagitna sakanilang dalawa. Nako, ang mga lalaki talaga, pikon minsan. Hay
Eloisa: Oops. HepHEP! Wag kayongmagsuntukan! Sandali lang. kumalma muna kayo, teka jester, sino ba yang gf mo? Ikaw, hindi mo sinasabi samin na may nililigawan ka napala.
Reisner : Oo nga! Pakilala mo naman.
Natahimik bigla si Jester, lahat kami ay nag aabang sa isasagot niya, bakas kasi sa mga mata niya na nagdadalawang isip siya.
Jester : Hayy sige na nga. Alyssa pangalan niya. Ipapakilala ko siya sa inyo bukas. .
Karl : Bukas ah? Ay teka, tara na, eloi, tapos na yung vacant time mo, bumalik ka na sa klase mo. Tara ihahatid na kita.
Eloisa : ay oo nga, teka .
Kinuha ko na ung mga gamit ko at sumunod kay Karl. Habang naglalakad, hindi ko maiwasan magisip tungkol sa girlfriend ni Jester. Sino naman kaya yung babaeng yun? Bakit iba ang pakiramdam ko sa girlfriend niya kahit hindi ko pa nakikita. Sana hindi siya lokohin nun. Nag aalala ako siyempre para kay jester kasi barkada ko siya. Ayaw ko nasasaktan ang isa sa mga kabarkada ko. Lahat gagawin ko, Handa ako pumatay para sakanila. Nasa kalagitnaan ako ng akin pag-iisip ng bigla akong binatukan ni Karl.
Eloisa: Aray! Problema mo? (sabay irap)
Karl: Lutang ka nanaman e, nag-aalala ka no?
Eloisa: ah yun ba, oo e. first girlfriend kasi ni jester yun. Baka lokohin siya. Alam mo naman ang mga babae ngayon sa university diba?
Karl: kaya nga kikilanin natin siya diba? Wag ka ng mag-alala. Nagseselos ka lang e.
Eloisa: asa ka naman boy. Sige dito na ako. Pumasok kna din sa klase mo, Cuttingero ka talaga. Dinala mo pa hanggang pag college mo. Grabe ka.
Karl: hahaha, sige. Ing
Isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon, masama ang kutob ko sa girlfriend ni jester.
--> tyrone & Jehan. Yung girlfriend niya po. sweet nuh? hahaha. <3 hart hart hart.
BINABASA MO ANG
Ang Barkada.
Mystery / ThrillerHi Guys. Bagong Wattpad story nanaman. kahit hindi ko pa natatapos ung isa kong gawa. :)) haha. Eh kasi, my project kami. Gagawa ng mini-series about sa mga ka grupo. so eto, madaming idea ang pumasok sa utak ko habang ginagawa yun. kaya naisipan ko...