Nagulat ako sa narinig ko, napakasinungaling niya! Paano niya nagawang baliktarin ang sitwasyon?!
Nakita ko na tiningnan ni jester ung mukha ni Alyssa, agad naman tumingin sakin si Jester.
Jester: Ano ang sapat mong dahilan para saktan si Alyssa?!
Eloisa: Hindi totoo yun Jester, hindi ko alam ung sinasabi niya.
Jester : anong hindi? Bakas parin ung kamay mo sa mukha ni Alyssa! Sabihin mo bakit!
Reisner : Kaya pala, sabi din sakin ni Alyssa may naninira daw sakanya sa department nila. Panigurado akong ikaw may gawa nun!
Eloisa: anong pinagsasabi niyo? Hindi ko alam yun!
Alyssa: Matagal na niya din akong tinititigan ng masama, Eloisa bakit!?
Reisner: hindi ko akalain magagawa mo yun Eloisa.
Eloisa: hindi ko alam,, wala akong alam.
Mangiyak-ngiyak na ako, hindi ko na alam. Hinawakan ako ni Jester sa magkabilang balikat. Mahigpit ito, at ang sama din ng tingin niya sakin. Masakit ang pagkakahawak niya. Pero mas masakit ang pagbintangan ka ng kaibigan mo sa bagay na hindi mo ginawa.
Jester: BAKIT MO SINAMPAL SI ALYSSA! SINO KA PARA GAWIN YUN!?
Eloisa: Aray ko Jester! Nasasaktan ako! Bitawan mo ako!
Reisner: Par, bitawan mo, babae yan.
Jester: sa susunod na gawin mo pa yun kay Alyssa, makakalimutan ko na babae ka. Wala kang karapatang saktan siya tandaan mo yan!
Tinulak niya ako ng malakas kaya napahiga ako sa sahig. Nagulat ako sa biglang pagdating ni karl.
Karl : AT SINONG NAGSABI SAYO NA PUWEDE MONG SAKTAN SI ELOISA?! WALA KANG RESPETO SA BABAE!
Jester: Dapat lang sakaniya yan! Sinaktan niya si Alyssa! At Sinungaling pa siya, masydo siyang mapagpanggap, nasa loob pala ang kulo.
Karl: ano ang ibig sabihin mo?!
Reisner: Sinisiraan niya si Alyssa sa Department nila, pinagbabantaan niya pa si Alyssa.
Jester: blinablack mail niya si Alyssa, through e-mails. at may naninira din samin dalawa. Alam kong ikaw lang makakagawa nun Eloisa. Sabihin mo sakin, bakit mo ba ginagawa yun?! Para masira kami ni Alyssa? Ano ba nagawa namin sayo?
Eloisa: Hindi ko alam ang sinasabi mo! Ano sinasabi mo!? Hindi ko magagawang saktan si Alyssa!
Reisner: May ebidensya na, umamin ka na! sino pa ba ang gagawa nun?! Kayong dalawa lang iniwan ko dito. Kaya umamin ka na!
Karl: Ganyan na ba kayo ha? Basta basta nalang kayo magbibintang? Ikaw Alyssa, ikaw ang sinungaling dito! Kilala ko si Eloisa at hindi niya magagawa yun!
Jester: wag mong pagbibintangan si Alyssa! Siya ang biktima dito!
Eloisa: Anong biktima?! Siya ang gumawa nun sa sarili niya!
Reisner: Hindi siya baliw para gawin yun! Bakit kasi hindi ka nalang umamin?!
Karl : Pwes hindi din baliw si Eloisa para gawin ang pinagbibintang niyo.
Alyssa: Wag na kayong mag-away away. Please. Palagpasin na natin to oh. (Mangiyak-ngiyak niyang sabi)
Eloisa: Manahimik ka! Wag ka ngang umarte na parang anghel! Mapanggap ka!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabunutan ko siya, tinotohanan ko na ang sinabi ni Alyssa. Pinagsasampal ko siya at lumaban naman siya. Inawat kami nila Jester, dumating nadin si Tyrone at nakiawat nadin samin. Maluha luha akong tumigil. Hinding hindi ako makakapayag na mawala ang barkada ko dahil sa babaeng ito. Hindi pwede.
Tyrone: Anong nangyayari dito?! Bakit kayo nag-aaway away?!
Jester: Isa ka pa! Ahas ka! Girlfriend ko tinalo mo!
Sinuntok naman ni Jester si Tyrone, agad naman namin silang inawat pero masiyado silang malakas. Bakit ganito? Pati nadin ba si Tyrone di pinatawad ni Alyssa?!Gusto niya ba talaga masira ang pagkakaibigan naming lima? Tuloy parin kami sa pag-awat, magulo nadin ang mga gamit dito sa Tambayan. Nakita ko naman si Alyssa sa isang gilid, may mga nakakurbang ngiti sa mga labi niya habang nanuod. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, Kinuha ko yung mababasagin na Vase at hinagis yun sa pader kung saan malapit si Alyssa, Napayuko naman siya agad, At nagkalat nadin ang mga bubog sa sahig. Agad naman tumigil sila tyrone at Jester.
Eloisa: TUMIGIL NA KAYOO!! PWEDE BA?!! GULONG-GULO NA AKOOO!!
Reisner: IKAW ANG PUNO’T DULO NITO ELOISA!! IKAW LANG ANG MAY KASALANAN NITO!!
Dinuduro duro niya ako, hindi ko na talaga alamang gagawin ko, umalis naman si Reisner. At padabog naming umalis Jester kasama si Alyssa. Naiwan naman kaming tatlo dito nila tyrone at karl. Kanina pa akong umiiyak dito, nahihirapan nadin akong huminga, ano ba talaga gusto mangyari ni Alyssa? Ang masira kaming magkakaibigan?! Pwes! Hinding hindi ko hahayaan mangyari, dadaan muna siya sa malamig kong bangkay bago mangyari yun!
Tyrone: Sorry, kasalanan ko to. Niligawan ko si Alyssa. Im sorry.
At nag walk out siya, pero bago man siya makalabas sa pintuan, ay pinigilan ko siya,
Eloisa: Bakit mo nagawa yun Tyrone?! Atsaka san ka pupunta?
Tyrone: Hindi niyo kilala si Alyssa. Dapat pala nung una palang binalaan ko na kayo. Pupunta lang ako sa Gym. Practice. Ipapasara ko na din muna itong tambayan. I think we should have time and space. Magpalamig ng init ng ulo. Maayos din ito, tiwala lang. sge bye.
Nakangiti niyang sabi sa akin at umalis na, kelangang maayos tong gulo na to. Kelangan kong makausap si Alyssa. Tatapusin ko itong gulong nasimulan niya.
~
Isang linggo na ang nakalipas. Andito ako sa department nila Alyssa. Nakita ko siyang naglalakad mag-isa at may hawak na coke float, napatigil siya ng makita nya ako. Agad naman akong lumapit sakaniya at walang paligoy ligoy ko ay tinanong na agad siya.
Eloisa: Ano ba ang gusto mong mangyari Alyssa? Sino ka ba talaga?!
Alyssa: oww? About ba dun sa nangyari? Hahaha! I just wanna have fun you know?! And I really enjoyed it! Who am I ? I’m the bitch that going be your worst nightmare. I’ll just make your life miserable together with damn f%*kn# friends .ikaw kasi, maka eksena ka wagas. I gotta go now, by the way, thanks for your cooperation about what happened last week. Ciao
at nag wink siya saakin. Nakakairita! Napakasama talaga ng ugali niya! Nung tumalikod na siya saakin ay hinawakan ko ang braso at pinaharap sa akin. Ayoko mapunta saw ala ang pagpunta ko dito.
Eloisa: Kahit kailan, hindi mo kami masisira! Tandaan mo yan!
Alyssa: Gaano ka sigurado sa sinasabi mo?! Sa simula pa lang sumuko na agad mga kaibigan mo! Just enjoy my game nalang sweetie. Para hindi ka mahirapan. Tanga tanga din kasi yang mga kaibigan mo! Katulad mo! Tanga din. Bagay lang talaga kayong magkabarkada!
Eloisa: Napaka kapal ng mukha mo!
Sinampal ko siya ng napakalakas, nagulat siya sa ginawa ko, tinapon naman niya yung cokefloat sa mukha ko. Agad ko naman siyang sinabunutan, sinabunutan niya din ako. Pakiramdam ko matatanggal na buhok ko sa anit, sinipa sipa ko siya pero parang wala lang sakaniya. May mga nakikiawat naman samin. Maya maya naramdaman ko nalang ang pagbagok ko sa isang napakatigas na bagay,tatlong beses ang malakas na pagbagok ko. Naramdaman ko na tumigil na siya sa pag sabunot saakin, nanlalabo na ang aking paningin at nahihilo na din ako,may naramdaman akong mainit na likidong tumutulo sa may noo ko. Napahiga ako sa sobrang sakit, hindi ko na kaya pumikit nalang ako..
( last chapter bukass. )
---> Alyssandra Mariel po. .
Ako po yan. Ako yung gumaganap na Alyssandra mariel Fernandez. hahaha
BINABASA MO ANG
Ang Barkada.
Mystery / ThrillerHi Guys. Bagong Wattpad story nanaman. kahit hindi ko pa natatapos ung isa kong gawa. :)) haha. Eh kasi, my project kami. Gagawa ng mini-series about sa mga ka grupo. so eto, madaming idea ang pumasok sa utak ko habang ginagawa yun. kaya naisipan ko...